chapter 13

127 13 0
                                    

Kinabukasan, dahil mabuti na ang pakiramdam ko at hindi na masyadong masakit ang paa ko kaya pumasok na ako sa school.

Sinadya kong maagang pumasok  para makaiwas kay Yohan. Nangako kase siyang susunduin niya ako ngayon at sabay kaming papasok.

Pero dahil nahihiya ako at hindi ko alam kung pano ko siya pakikitunguhan. Naisip kong umiwas na lang muna. But i think that idea is not good. Nakalimutan ko bukod sa classmates kami seatmate ko pa. Hayy juicecolored! Paano na. Anong muka ang ihaharap ko sa kanya ngayon.

Nasa ganoon akong pag iisip ng may tumawag sa pangalan ko.

"Khen!

Nag palinga linga ako sa paligid at hinanap ko yung tumatawag sa akin. Hanggang sa nakita ko ang dalawang babae na papalapit sa akin.

"Hi Khen, bati nung isa na kung hindi ako nagkakamali ay classmates ko at ka group namin ni Yohan. Si Mildred. Kasama nito si Raichan.

"Hi, tipid na bati ko.

"Sabi ko na nga ba ikaw yan. Ang aga mo naman pumasok.
"Okay ka na ba? Hindi na ba masakit yung paa mo?. Tanong ni Mildred.

"Ahm,  medyo masakit parin pero okay na. Nakangiting sagot ko.

"Buti naman.  Ngayon na kase ang last day ng registration para sa sports club and organization. Anong club nga pala ang sasalihan mo?

"Glee club"  maikling sagot ko.

"Wow! Talaga? Member kami ng glee club.

"Talaga? Buti nalang may kakilala na pala ako.  Medyo natuwa naman ako sa narinig ko. At least hindi na ako mahihirapan kung sakali kase may kakilala na ako.

"Halika na samahan ka namin mag pa register. Yaya ni Raichan.

"Sige pero okay lang bang ilagay ko muna tong mga gamit ko sa locker"?.

"Ay oo nga pala sery nemen nekelemeten ko hahaha.

Bahagya pa akong napatawa dahil sa pag me make face nito.

"Sha nga pala, napagusapan na namin kahapon na during lunch break or vacant class nalang natin gawin ang project natin since puro research lang naman yun. Sa library or sa garden kung saan tayo magiging komportable ok lang ba sayo Khen. Tanong ni Rai, ng mailagay ko ang mga gamit ko sa locker.

"Oo naman walang problema sa akin". Sagot ko.

"Hayy buti nalang. Kailangan ko kaseng umuwi agad after class kase may trabaho ako.  Tila nakahinga ng maluwag na sabi ni Mildred.

"Ganun ba, actually ako din. May work ako after school kaya kailangan ko rin umuwi ng maaga.

"Talaga? Sabay na tanong ng dalawa.

"Hahaha oo,

"Buti naman. Akala ko kami lang ang working students dito. Tuwang tuwang ani Rai.

"Kaya nga, akala ko talaga mayaman karin. Hindi naman kase halata sa kutis mo na nagtatrabho ka pala. Ang simple simple mo pero ang ganda ganda mo. Ani Mildred.

"So scholar karin?. Tanong ni Rai.

"Hmn, hindi.

"So ikaw ang nagbabayad ng tuition mo? Hala ang mahal ng tuition girl. Hindi makapaniwalang ani Mildred.

"No, parents ko nagbabayad.

"Kung ganun bakit kailangan mo pang magtrabho kung kaya ka naman pag aralin ng parents mo? - si Mildred.

"Pero wait bago mo sagutin yan, ano muna ang trabaho ng parents mo? Kung okay lang sayo.

"Ang Dad ko, CEO ng Lopez group of companies. And my Mom is the chairman of the board"casual na sagot ko.

Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon