YOHAN'S P.O.V.
"Yohan anak gising ka na ba? Tawag sa akin ni mama kasabay ng pagkatok nito sa pinto ng silid ko. Ngunit nanatili akong tahimik na pinagmamasadan ang sariling repleksyon sa salamin.
Kanina pa akong gising.
Kanina pa rin akong nag mumuni muni.
Kanina pa akong nakahanda sa pag pasok ko sa school.Isang araw nanaman ang palilipasin ko .
Isang araw nanaman ang dadag dag sa paghihirap ng kalooban ko at ang sakit na ibibigay ko sa prinsesa ko. Ngunit kung nasasaktan ko siya dahil sa pag iwas ko,triple ang sakit na nararamdaman ko.Kung pwede lang sana na umalis nalang ako at lumipat sa ibang school ay ginawa ko na. Ngunit hindi pwede. Dahil magiging mas kumplikado lang ang lahat kung lilipat ako at iiwan ko ang prinsesa ko dito.
"Anak? Malelate ka na for school!. Muling tawag ni mama. This time bumangon na ako.
Kinuha ang bag ko at saka walang kibong lumabas ng silid.
Ganito ang eksena namin ni mama araw araw. Gigisingin ako. Ipagluluto. Pero aalis akonh walang kibo.
Hindi ako galit. Pero nagtatampo ako. Dahil pakiramdam ko pinagkaisahan nila ako. Nasasaktan ko si mama alam ko yun. At sa twing nakikita ko siyang nasasaktan higit pa sa doble ang nararamdaman kong sakit. Ngunit kahit anonh gawin ko,, hindi ko na magawa pang ibalik sa dati ang lahat. Hindi ko na magawa pang maginh normal ang kilos ko.
Tuloy tuloy akong bumaba ng hagdan.
Gaya ng dati walang balak mag almusal.
Pipihitin ko na sana ang seradura ng pinto ng may magsalita sa likuran ko.
"Aalis ka ng hindi manlang kumakain ng breakfast? Malambing na anang isang tinig.
Tinig na hindi ko na kailangan pang lingunin upang malaman kung kanino.
Tinig na hinahanap hanap ko.
Tinig na nakakapag papalambot sa buong pagkatao ko.
Ang tinig ng pinakamamahal ko.Tumingala ako ng bahagya at mariing pumikit upang pigilin ang mga luhang nagbabadyang bumuhos mula sa aking mga mata. Saka walang emosyong lumingon sa pinanggalingan ng tinig ng prinsesa ko.
"What are you doing here at this early? Walang ganang tanong ko. Sa babaeng kaharap ko na suot suot pa ang apron ni mama. Pinipilit kong pigilan ang anumang imosyong nararamdaman ko. Ngunit sa kaloob looban ko ay sobra sobrang tuwa ang nararamdaman ko.
Gustong gusto ko siyang sugurin at yakapin ng walang kasing higpit kagaya kagabi. Gustong gusto kong iiparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Ngunit pinipigilan ko ang sarili ko na gawin iyon.
"I cooked breakfast for you. Sabi ni tita hindi ka daw halos kumakain lately so ipinagluto kita. Come on lets eat. Lumalamig ang pagkain. Nakangiting anito. Ngunit nanatili lamang akong nakatayo sa harap ng pinto.
"Yohan?
"Hindi ako nagugutom. Sagot ko saka akmang muling pipihitin ang doorknob.
"Kapag hindi ka kumain ng breakfast kasama ko ngayon, i swear hindi ako kakain maghapon hanggang bukas o hanggang kailan ko gusto.
Napamaang ako. Pilit itinatago ang pag aalala. Kilala ko ang prinsesa ko. Wala siyang binibitawang salita na hindi niya ginagawa. Sinikap kong tatagan ang loob ko ng muling magsalita.
"Do what you want Khen, the hell i care. Saka tinalikuran ito.
Ngunit....
"Yohan! Nanaway na Sigaw ni Mama mula sa likuran ng Prinsesa ko.
What?
"Pwede mong tanggihan si Khen kung gusto mo pero hindi mo siya kailangan bastusin ng ganito! Bulyaw ni mama.
"Tita its okay. I understand po. Masyado lang siguro talaga akong makulit wag nyo na pong pagalitan si Yohan.
"Pero hija?
Okay lang po ako tita. Sige po mauuna na po kami. Wag po kayong mag alala. Magiging maayos din po ang lahat.
Dinig ko pang sabi ng prinsesa ko ngunit tinalikuran ko na ang mga ito.
Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kotse ko ng may pumigil dito.
"Sa akin ka sasabay" nakangiting ani Khen.
"What are you doing?
"I came here early to cook for you and to fetch you. Kaya sa kotse ko ikaw sasakay.
"Nahihibang ka na ba Khen? Alam mong hindi pwede!
"I know and i dont care Yohan. So please tigilan mo na ang pag iinarte mo . Sa ayaw at sa gusto mo sasabay ka sa akin.
"Khen please! I'm begging you. Pinipilit kong layuan ka, iwasan ka, para sa ikabubuti mo. Ayaw kong mapahamak ka. Please. Please prinsesa ko. Mahinang usal ko. Ha- hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla ako nitong yakapin ng mahigpit.
"Yohan please, ako ang nakikiusap sa'yo. Alam kong kapakanan ko lang ang iniisip mo. Pero sana, sana hayaan mo naman akong ipaglaban ka. Gusto na kita. Hindi! Mahal na kita Yohan. At hindi ko na hahayaan na mawalan ng minamahal sa ikalawang pagkakataon kaya please. Let me fight for you. Ganting bulong nito.
"Pero prinsesa ko, mahirap kalaban ang pamilya ni Agnes. Alanganing sagot ko.
Nakakabading man pakinggan, pero sa pagkakataong ito mukang kailangan kong ipagkatiwala ang kinabukasan ko sa babaeng pinakamamahal ko. Hindi ko alam kung sa paanong paraan niya gagawin ngunit wala na akong pagpipilian dahil maging ako ay nauubusan na ng paraan..
"I know. But i can handle this. Just trust me on this. I promise, i will not let go of this hand, not until you ask me to let go. ...
BINABASA MO ANG
Stone Heart
FanficBest friends simula pa pagkabata at halos magkapatid na ang turingan nina Khen at Sab. Magkasama sa lahat ng lakad,magkaramay sa hirap at saya, magkasangga salahat ng bagay at kalokohan. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, dahil ang mag best friend...