Kinabukasan ay maaga parin ang nagising kahit na halos hindi ako nakatulog nang nagdaang gabi.
Hanggang ngayon ay hindi parin nawawala sa isip ko ang emahe ng patay na pusa na nakalagay sa kahon at inilagay sa locker ko. Palaisipan parin sa akin kung sino ang gumagawa ng mga bagay na iyon at kung ano ang motibo niya o kung ano ang kasalanang nagawa ko sa kanya para gawin niya ito sa akin.
Ganun ba katindi ang galit niya para umabot sa ganitong klase ng pananakot ang abutin ko.
Nag buga ako ng malalim na buntong hininga bago marahang tumayo at tinungo ang sarili kong banyo. Napakabigat ng pakiramdam ko ngayong araw. Pakiramdam ko ay hinang hina ako at tinatamad pumasok. Pero dahil kailan lang ng muli akong naka balik sa pag pasok ay pinilit kong kumilos at naligo. Nag ayos ng sarili at nag handa ba sa pag pasok.
Ngunit talagang napaka bigat ng pakiramdam ko. Sinalat ko ang aking nuo at... " mainit" bulong ko. Kaya naman muli akong bumalik sa banyo at kumuha ng paracetamol saka bumaba na upang mag agahan. Saka ko na iinumin ang gamot kapag naka pag agahan na ako.
Agad akong tumuloy sa kusina upang tingnan kung naka luto na si yaya o si Mommy. Nadatnan ko si yaya na naghahalo ng sinangag. Mabango pero pakiramdam ko wala akong ganang kumain.
"Morning yaya". Bati ko sa kanya saka naupo sa stool na nasa kitchen counter.
"Good morning hija". Ang aga mo naman atang nagising, nagugutom ka na ba? Pero hindi pa ako tapos mag luto kaya gatas nalang muna ang inumin ko ha. Sandali lamang at ipagtitimpla kita. Dere-deretsong anito saka hininaan ang kalan at tinungo ang cabinet kung saan naroon ang gatas at kumuha ng baso sa lalagyan.
Napangiti nalang ako habang pinag mamasdan si yaya. The best talaga siya sa lahat.
Habang hinihintay ko ang gatas ay iginala ko ang aking paningin sa kabuuan ng kusina. Napakalaki nito. Halos kasing laki na ito ng aking silid. Pinasadya ito ni mommy dahil bukod sa garden ay ito ang pinaka paboritong niyang parte ng bahay. Pareho kami. Gusto niya kasi ng maluwag na kusin para daw malaya siyang makakilos lalo na kapag marami siyang lulutuin.
Napadako ang paningin ko sa coffee maker ni daddy na sa Japan pa niya binili nung minsang may business trip siya roon.
"Oh, heto na ang gatas mo Khendra. Magdahan dahan ka at mainit pa yan. Ani yaya matapos ilapag sa counter ang baso na naglalaman ng mainit na gatas na tinimpla nito. Saka bumalik sa pagluluto.
"Thanks yaya. Aniko saka kinuha ang baso at dahan dahang ininom ang gatas.
Muli akong napasulyap sa gawi ng coffee maker at naagaw ang atensyon ko ng mga sobre na nakalapag sa tabi niyon. Out of curiosity ay tumayo ako at tiningnan isa isa ang mga sobre. Karamihan doon ay pawang mga bills ng kuryente tubig at kung ano ano pa.
Ilalapag ko na sanang muli ang mga sobre at envelope ng mapansin ko ang isang sobre na ang nakalagay lamang ay " MR. AND MRS. LOPEZ"
"Kanino naman kaya nanggaling to?" Wala sa loob na usal ko saka binuksan ang puting sobre.
Kulang ang salitang pag ka bigla ng tumambad sa akin ang laman ng sobre. At nanginginig ang katawan ko ng isa isahin ko ang laman niyon. Pawang mga stolen picture's ko ang mga iyon. Kuha mula sa ibat ibang bahagi ng school. Meron habang naglalakad kasama ang mga kaibigan ko., sa pool habang nag pa practice, sa field, sa library habang kumukuha ng libro, merong sa labas habang papasakay sa kotse ni Yohan. At ganun nalamang ang naramdaman kong takot at kaba nang tumambad sa akin ang pinaka huli at pinaka malaking larawan. Nanginginig kong pinag masdan iyon. Hindi ako maaring magkamali. Kuha iyon nung gabi ng foundation ball, sa mismong gitna ng entablado kung saan duguan akong naka handusay at wala nang malay. Habang nakadagan pa sa akin ang malaking LED screen.
BINABASA MO ANG
Stone Heart
Fiksi PenggemarBest friends simula pa pagkabata at halos magkapatid na ang turingan nina Khen at Sab. Magkasama sa lahat ng lakad,magkaramay sa hirap at saya, magkasangga salahat ng bagay at kalokohan. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, dahil ang mag best friend...