KHEN'S P.O.V.
Gaya ng sinabi sa akin ni Mildred, ako ang nag serve ng pagkain mula sa table 10 na inuukupa ni Agnes at ng mga kaibigan nito.
"Ahm, excuse me, here's your order," nakangiting bati ko sa kanila sabay lapag ng mga pagkaing inorder nila.
Naiilang man ay pinilit ko paring maging casual ang kilos sa harapan nila. Ayaw kong makahanap sila ng butas para hiyain ako o ang mga kaibigan ko sa teretoryo ko.
"Wow! Looks delicious, yung waitress lang ang mukang hindi hihihi" biglang banat ng isa sa mga kaibigan ni Agnes.
"Yeah right hahaha, kaya nga pinipilit niyang agawin ang fiancé nitong si agnes eh,, kase feeling niya yummy siya hahaha" dag dag pa ng isa. Habang si Agnes ay tila nagmamalaking naka ngisi sa kinauupuan niya, habang nilalaro laro ang straw ng juice sa baso niya. Na para bang may binabalak na hindi maganda.
"Excuse me, kung wala na kayong kailangan babalik na ako sa pwesto ko. Paalam ko na pilit itinago ang inis at agad na tumalikod. Ngunit hindi pa man ako nakaka ilang hakbang, ay muli nanamang nag salita ang isa sa alipores ni Agnes.
"Wait! Why?masakit ba? Masakit bang marinig ang katotohanan na hindi ka nababagay kay Yohan. Anito.
Napalingon ako sa paligid. Sa lakas ng boses ng espasol na ito ay siguradong matatawag nito ang atensyon ng mga costumers.
Sa halip na patulan ay nag paalam na ako sa mga ito.
"Enjoy your meal maam. Magalang sa paalam ko saka mabilis na tumalikod.
"Okay ka lang? Tanong ni Mildred.
"Yeah. I'm okay.
"Tsk! Bwisit talaga yang bruhang yan eh. Sarap ipamukhang ikaw ang nag mamay ari ng resto nato". Gigil na sambit ni Mildred na agad ko namang pinigilan dahil baka may makarinig.
"Kalma okay. Okay lang ako. Natatawa pang sabi ko. "Di pa ito ang tamang panahon para malaman nila kung sino talaga ako. Kaya kalmahan mo lang. Sige na babalik muna ako sa kitchen. Paalam ko kasunod ng bahagyang pag tapik sa balikat niya, saka naglakad pabalik sa kusina. Habang ito naman ay bumalik na sa pag i istima ng mga bagong dating na costumer's.
Hindi ko mapigilan ang mapa buntong hininga ng makabalik ako sa kusina. Sa totoo lang ay nahihirapan ako sa sitwasyong kinakaharap namin ni Yohan. Pero pinipilit kong magpakatatag at mag mukang okay lang ang lahat sa harap ng mga kaibigan namin. Dahil ayaw kong maka apekto sa kanila lalong lalo na sa trabaho.
"Ayos ka lang ba? Nag aalalang tanong ni Mamita na hindi ko manlang namalayan na nasa tabi ko na pala.
"Opo, naman po. Nakangiting sagot ko.
"Wag ka nang magkaila anak. Alam kong hindi ka okay at nag aalala ako para sa'yo. Napag alaman ko na hindi biro ang pagkatao ng pamilya ng babaeng iyan. Anito na ang tinutukoy ay si Agnes.
"Alam ko po. Pero wag po kayong mag alala sa akin. Kaya ko po ang sarili ko". Nakangiting sagot ko kay mamita.
"Hayy,, anak,, hindi mo mai aalis sa akin ang pag aalala. Alam mo naman na simula ng tanggapin mo ako dito sa Sheyli's itinurin na kitang anak. At alam mo kung gaano kita ka mahal. Ayaw kong danasin mo ulit ang sakit at pagkabigo noong lokohin ka ng nobyo at ng best friend mo". Mahabang pahayag pa nito.
Bigla akong natahimik. Nakaramdam ako ng lungkot at takot ng maalala ko kung paano ako niloko ni Dave at ni Sabrina noon. At maging ako ay ayaw ko ng maulit uli iyon.
Ayaw ko ng maramdaman ulit ang sakit na ipinaramdam sa akin ng best friend ko at ng ex boyfriend ko.
Pero bakit ganon. Bakit parang nauulit ang nakaraan. Bakit parang nakatandahana na akong masaktan.
Ng paulit ulit.
Pero pilit kong inalis sa isip ko ang lahat ng masasakit na ala ala ng nakaraan.
"Mamita, okay lang po ako. At saka naniniwala po ako na, hindi na mauulit ang nakaraan. Alam ko pong mahirap. Mahihirapan ako. Pero this time pipiliin kong lumaban at ipaglaban yung pag mamahal ko kay Yohan".
"Eh paano kung siya na ang kusang bumitaw at sumuko?". biglang singit ni Chan sa usapan. And i was caught off guard. Hindi ako agad nakasagot.
"Alam kong mahal ka ni Yohan. Ramdam ko yun, ramdam naming lahat. Pero hanggang kailan? Hanggang kailan ka niya ipaglalaban? Hanggang kailan ka niya ipaglalaban? Lalo na sa sitwasyon na kinakaharap niya. Alam kong alam mo Khen, na kahit gaano pa ninyo kamahal ang isat isa kapag buhay at kinabukasan na ng pamilya ang nakasalalay kahit na anong mangyare, kahit na gaano ka pa katapang, susuko at susuko ka. Para sa pamilya. kahit na anong dahilan pa ang meron ka, pamilya parin ang mananaig". Pagpapatuloy pa nito na lalong naka pag patahimik sa akin.
"See? Alam kong aware ka sa sitwasyon ni Yohan. At alam ko rin na alam mong mahihirapan siyang mamili kapag dumating ang araw na kailangan niya ng mamili between you and his family. At alam ko Khen. Alam na alam kong hihilingin mo na pamilya niya ang piliin niya over you". Pagpapatuloy pa nito.
"Hindi ko sinasabing tumigil ka na or isuko mo na siya kay Agnes. What i am saying is mag li low ka muna. Umiwas ka muna kay Agnes lalo na kay Yohan. Habang nag iisip ka ng paraan para maayos ang problema.
"May punto si Chan anak. Magpalamig ka muna ika nga. Dahil habang dumudikit ka kay Yohan lalong nag iinit ang dugo sa'yo ni Agnes at lalong maiipit sa sitwasyon si Yohan. Bakit hindi mo subukang dumistansiya. Let her think na sumuko ka na at nagpaubaya. Tutal hindi pa naman sila kasal dahil napaka bata pa nila. May chance pa na maayos at maibalik sa dati ang lahat. Wag kang mag alala anak. Nandito kaming lahat para sa'yo.
Agad na nangilid ang luha ko Dahil sa sinabi ni mamita. Isipin ko palang na isusuko ko na si Yohan parang hindi ko na kaya. Pero may punto sila. Bakit nga ba hindi ko naisip agad yun?. Bakit hindi ko naisip ang mga pwedeng mangyari lalo na kay Yohan?. Pero naisip ko rin na tama sila mamita at si Chan. And for sure sasang ayon din si Mildred sa kanila kung nandito siya.
Ilang minuto nang wala sa harap ko si Mamita at Chan pero nanatili parin akong walang kibo. Mabuti nalang at wala pang pumapasok na mga order.
Ilang sandali pa akong nanatiling naka tunganga. Bago ko sinulyapan ang pwesto nila Agnes mula sa maliit na salaming bintana dito sa kusina. Habang sa isip ko ay bumubuo ng plano. Plano na hindi ko man sigurado kung magtatagumpay pero susubukan ko parin. Hindi lang para sa amin ni Yohan kundi para narin sa mga taong malalapit sa amin.
~~♡~~
BINABASA MO ANG
Stone Heart
Hayran KurguBest friends simula pa pagkabata at halos magkapatid na ang turingan nina Khen at Sab. Magkasama sa lahat ng lakad,magkaramay sa hirap at saya, magkasangga salahat ng bagay at kalokohan. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, dahil ang mag best friend...