22nd Chance

36 7 0
                                    

22nd Chance

"Oy. Ano yan?" tanong ko sa kaniya ng makita siyang may dino drawing. Tulad ng dati ay nagiging madalas siya dito sa amin. Para bang walang naging issue sa amin at lalo pa kaming napalapit.

"Bahay." simple niyang sagot nang may ngiti sa labi.

Tinaasan ko siya ng kilay at tinignan ang kaniyang gawa nang mailapag ko ang meryenda namin.

"Bahay? Para saan?" naguguluhan kong sambit.

"Dream house ko."

"Ohh?" hindi makapaniwalang sabi ko at pinagmasdan ang gawa niya. Tapos na iyon at buo na ang itsura. Hindi naman maliit at nasa tatlong palapag ang bahay.

"Sino namang ititira mo dyan?"

Muntik pa akong matawa sa sarili kong tanong. Malamang si Momo! Duh! Crizza nag-iisip ka ba?! I smirk bitterly at my thoughts.

"Ikaw. Gusto mo ba?"

Natigilan ako sa narinig.

"Ha? Anong sinasabi mo?" bahagya pa akong tumawa.

"Wala. Sabi ko, ikaw ba? Sa dream house mo, sinong isasama mong itira doon?"

"Hmm, syempre yung magiging boyfriend at asawa ko!"

"Edi dalawa? Boyfriend at asawa?"

Natawa ako sa sinabi niya.

"Loko. Hindi, isa lang syempre. Boyfriend muna bago asawa."

"E' sino bang gusto mong maging boyfriend?"

Ikaw. Gusto ko sanang sabihin pero pinili kong ngumiti nalang at pag masdan ang drawing niyang bahay.

Parang eto na din yung dream ko. Pwede naman siguro kaming magtulad diba? Malay natin, hindi lang magkatulad dahil iisa lang pala. Hihi.

"Naku! Si Jhay ba? Wag na yun! Wala kang mapapala doon!"

"Ganda ng dream house mo. Eto na din dream house ko. Okay lang ba?" sabi ko at hindi pinansin ang sinabi niya.

"O-Oo naman. Gusto mo dyan ka na din tumira ehh. Para magkasama tayo."

Mabilis na nag-init ang mukha ko sa narinig. Agad akong lumingon sa kaniya.

"Talaga? Okay lang ba? Baka magalit yung asawa mo noon." tawa ko.

"Hindi ka naman siguro magagalit."

"H-Ha?" pagkukunwari kong hindi narinig, kahit ang totoo gusto ko nalang magwala sa kilig.

"E' yung magiging asawa mo ba? Magagalit?" balik na tanong niya sa akin.

Sandaling nagtama ang mga mata namin. Mabilis akong nag-iwas doon bago sumagot.

"Hindi naman siguro."

Ikaw naman iyon ehh. Magagalit ka ba?

"Baka sapakin ako noon pag nalaman na ako ang kasama mo sa bahay." natawa ako sa sinabi niya.

Hindi ko maisip na makita siyang sinasapak ang sarili niya.

"Gutom lang yan. Kumain ka nalang." inilahad ko ang meryenda sa kaniya.

Hindi mawala ang ngiti ko habang pinapanuod siyang kumain at uminom ng juice na gawa ko. Kung papapiliin ako kung siya ba o ibang lalaki, sa tingin ko siya lang ang pipiliin ko. Wala nang iba.

"I...." nakataas kilay siya ng lumingon sa akin ng marinig ako.

Ngumiti ako sa kaniya.

"I white you." sambit ko at sumulyap sa puting damit niya.

Say Or Regret (Eleazar Series#2) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon