19th Chance

29 8 0
                                    

19th Chance

That night, wala akong ginawa kundi ang umiyak sa aking kwarto. Hindi ko na siya kinausap pa at pumasok nalang sa aming bahay. Puro pagkukulong sa kwarto ang ginagawa ko kahit pa lagi akong tinatawag nila Ate at sinasabing nasa baba siya ay hindi ko siya binababa.

Kahit ang binili kong regalo sa kaniya ay itinapon ko sa basurahan sa aking kwarto. Wala na akong planong ibigay pa iyon sa kaniya o ano pa yan. Basta ang alam ko lang ay gusto kong mapag isa buong bakasyon.

Sa mga sumunod na linggo ay hindi na din siya pumunta sa amin. Sa mga panahong iyon at napag-isip isip din ako sa mga bagay na meron kami. Naiinis ako sa sarili ko sa inasta ko sa araw na iyon, hindi dapat ganoon ang naging reaksyon ko dahil kaibigan lang naman ako. Pero doon ko din napatunayan ang nararamdaman ko sa kaniya. I like him.

Sa bahay lang ako buong bakasyon, hindi na din umasang pupuntahan niyang muli ako o ano. Hanggang sa kailangan kong pumunta ng school para mag enroll.

"Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Ate ng makita akong pababa ng hagdan.

Ipinakita ko sa kaniya ang hawak kong envelope kung saan nakalagay ang aking mga requirements at iba pa.   Wala namang sinabi si Ate nang makita ang hawak ko at hindi na nagtanong pa.

Paglabas ko palang ng gate ay mabilis akong pumara sa tricycle na dumaan. Pag dating ko ng school ay madami na ding estudyante ang nandoon. Ang iba ay mga bagong mukha, marahil mga mag-g-grade 7 at ang iba naman ay mga sa tingin ko ay kabatch ko lang din.

"Crizza!" agad akong napalingon ng may tumawag sa akin. Mabilis ko ding pinagsisihan iyon ng makita si Jhay na nakangiti at kumakaway sakin. His with Gelo and Momo.

Hindi ko alam kung paano ko sila babatiin. Ni hindi ko na isip na paano pagnakasalubong ko sila rito sa school at eto na nga, nasa harap ko na sila. Pero imbis na talikuran sila at hindi pansinin ay binati ko silang lahat at nginitian.

"Ngayon ka palang din ba mag-e-enroll? Gusto mo sumabay ka na samin." si Jhay. Nagdalawang isip ako nang umpisa pero hindi na ako tumanggi pa, hindi ko na din tinignan pa sila Gelo. Ayokong isipin nilang apektado ako sa relasyon nila, kahit na totoo naman iyon.

Dahil magkakaiba naman kami ng strand ay pagdating sa ibang part sa pag enroll ay nagkahiwalay hiwalay kami. May mga ilang dating kaklase naman akong nakasabay kaya hindi naman ako naging mag-isa. Hindi ko na din sila hinanap pa at nauna nang umuwi. Hanggang sa magpasukan na, as expected we're in the same building but I never expect that my room will be beside of there room.

Naghahanap ako ng room ng makasalubong ko si Gelo kasama si Momo. Tinanguan ko lang sila bilang pagbati at dumaretso sa room ng humss at sila naman ay tumaas sa next floor. Nakatingin ako sa labas ng makita ko ang pagdaan ni Gelo at pumasok sa katabi naming room. Doon ko lang narealize na stem ang sa kabila. What a coincidence?

"Tara sa canteen?" aya sa akin ng isa kong kaklase. Sasagot na sana ako pero nang makitang naglabasan ang kabila ay nagpabili nalang ako ng makakain sa breaktime na iyon.

"Pabili nalang ako, may susulatin pa kasi ako."

"Ahh, sige. Kami nalang."

Laging ganoon ang gawain ko. Halos hindi ako lumalabas ng room para lang hindi ko makasalubong si Gelo. Mabuti nalang at madami din naman ako laging ginagawa.

Hapon na nang lumabas ako para umuwi. Wala na masyadong estudyante kaya hindi pumasok sa isip ko na makakasalubong ko ang isa sa kanilang tatlo. Pero hindi pa ako nakakalabas ng building ng makita ko si Gelo, nakatayo sa gilid ng hagdan. Nakatutok ito sa kaniyang cellphone at hindi ako napansin kaya mabilis ko siyang nilagpasan na parang wala lang pero bago ko pa siya malampasan ay agad akong natigilan ng tawagin niya ako.

"Criz." sandali akong natigilan pero hindi ko siya nilingon. Naghihintay lang sa sunod niyang sasabihin, nang wala naman ay akmang hahakbang na muli ako.

"Iniiwasan mo ba ko?" doon ako napalingon sa kaniya.

"Crizza, iniiwasan mo ba ko? Akala mo ba hindi ko napapansin? Iisang school tayo, sa iisang building at magkatabi pa room natin pero ni anino mo hindi ko makita!"

"Wag ka ngang assuming, Gelo." I said and laughed at him.

"Madami akong ginagawa kaya hindi ako mo ako nakikita. Sige na, uuwi na ako." hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at mabilis na akong lumakad palayo sa kaniya, pero bago pa ko tuluyang makalayo sa kaniya ay narinig ko ang sinabi niya.

"Kung talagang hindi mo ako iniiwasan, sumabay ka sakin ng lunch araw-araw."

Say Or Regret (Eleazar Series#2) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon