9th Chance

31 11 0
                                    

9th Chance


"Ano bang gusto mo? Yung picturan nalang kita o kung live talaga kasing ido-drawing?" tanong ni Gelo sa akin.

Saktong kakatapos lang naming magtanghalian ng dumating si Gelo kasama ang kuya niya. Nakaligo na ako at nakabihis. Kahapon pa ako nag-iisip ng pose para sa ido-drawing niya sa akin at mga tatlo ang naisip ko.

Pwede kayang tatlo? Hmm?

"Pagpinapwesto kita dito at nagsimula na, hindi ka na pwedeng gumalaw. Mas okay kung picturan nalang kita. Para hindi ka din mangalay." pangungumbinsi niya.

Napaisip naman ako sa sinabi niya. He has a point. Tsaka pwede ko pa siyang panuodin kung paano gawin. Mabilis akong tumango sa kaniya.

"Pero kaninong cellphone ang gagamitin?" taka kong tanong.

Kahit na ang totoo ay balak kong cellphone nalang niya. At hindi ko pa naman nga sina-suggest ay nagprisinta na siya na ang kaniya ang gamitin.

"Akin nalang, para magawa ko sa bahay." ngumuso ako para itago ang ngiti sa sinabi niya.

"Pwesto ka na ng gusto mo at kukuhanan kita." mabilis pa ako sa alas kwartong umupo sa upuan kong hinanda.

Ginawa ko ang mga pose na naisip ko at pati na din ang pumasok sa isip ko. Madami ang kaniya mga kinuha, siguro ay para madami ding pagpipilian. Malawak ang ngiti ko habang kunukuhan niya ako. Hindi ako sanay sa mga ganitong bagay pero ewan ko ba pagdating sa kaniya ay nagiging confident ako.

Agad na nagwala ang dibdib ko ng lumapit ito sa kinauupuan ko at inayos ang akong buhok. Pakiramdam ko ay tumigil ako sa paghinga dahil sa paglapit niya.

"Final pose na. Mamimili nalang ako sa mga kuha ko." he said and smile at me. Para akong kuting na walang nagawa kundi ang tumango sa kaniya.

Tulad ng sinabi niya ay last pose ko na, kaya naman ginawa ko ang pinaka napili kong pose. Malawak ang ngiti. Pakiramdam ko ay ako ang model niya at siya ang photographer ko. Medyo totoo din naman dahil sa model naman din niya akong matatawag dahil ako ang ido-drawing niya, hindi nga lang siya photographer. But still, I'm his model.

"Okay na." he announced.

"Wait lang. Dapat may picture di tayong dalawan!"

"Huh? Hindi naman na kailangan nun." sambit niya pero hindi ko siya pinansin at basta nalang kinuha ang cellphone niya sa kaniya.

Luckily, wala siyang password at isang swipe lang ay bukas na iyon. Agad akong tinap ang camera at puwesto sa tabi niya.

"Hindi na naman kasi kailangan."

"Just smile, okay?"

Wala naman siyang nagawa kundi ang ngumiti nalang sa camera bago ko pindutin ang captured. It's just a 3 shots pero gaganda ang kuha.

Malawak ang ngiti ko habang tinitignan ang mga iyon. Ang isa ay sinet ko pang lock screen niya at humanap ako ng maganda kong picture at ginawang wallpaper niya. Mabilis kong kunuha ang cellphone ko at pinasa ang mga pictures namin.

"Akin na yan, para masimula ko na."

"Wait lang."

"Hay nako. Ano ba kasing ginagawa mo?" tanong niya at sumilip sa hawak ko.

Imbis na sumagot ay ngumiti lang ako at nagpatuloy sa ginagawa ng matapos ay ibinalik sa kaniya ang cellphone.

"Thank you." I said with a wide smile.

Tumango lang ito at mabilis na kinalikot ang cellphone. Muntik na akong mapahagalpak ng biglang kumunot ang kaniyang noo sa nakita, pero naroon ang ngiti ng hinarap ako.

"Pinalitan mo?"

Tanging mahinang tawa ang ang isinukli ko sa kaniya.

"Bakit?" he asked.

"Para magselos ang girlfriend mo pag nakita yan." I joked.

"Wala na kong girlfriend."

"Edi pagnagkaroon." sabi ko at tumawa pa.

"Ganoon mo ba talaga ako kaayaw magkagirlfriend?" agad na napawi ang ngiti ko sa tinanong niya iyon.

"Hindi naman. Ayoko lang sa babaero." I said and tried to laugh again.

"Hindi naman ako nagsasabay-sabay ng babae."

"Kahit sabihin mong hindi sabay-sabay at isa-isa lang yan, papalit-palit pa din. Kaya babaero ka pa din."

"Ano bang gusto mo? Matagalan? Yung tipong taon?"

Natigilan ako sa sinabi niya at napatigin nalang sa kaniya. Bahagya pa itong tumawa.

"Pag ganoon ba, hindi mo na ko tatawaging babaero?"

Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi na maaalis sa akin na ganoon siya kahit pa siguro magseryoso siya sa babae. Unless, ako yung maging girlfriend niya?

"I guess, hindi na mababago yung tingin mo sa akin." he said and cackled.

"Wag kang mag-alala, papatunayan kong hindi na ako ganun. Hindi na ako magg-girlfriend tulad ng gusto mo. I wait for the right girl for me." sabi niya at ngumiti pa sa amin.

Pilit ang ngiti kong tumango sa kaniya. Wala akong masabi. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang sinabi niyang ayoko siyang mag girlfriend, pero ng binalikan ko ang mga pag-uusap namin ay hindi na ako nagtaka. Halos lahat ng iyon ay lumalabas na ayoko nga siyang maggirlfriend, kahit pa hindi ko iyon daretsong sinabi.

"Don't feel guilty okay? Choice ko din namam ito. Tsaka, dapat pa nga akong magpasalamat sayo dahil pinarealize mo sa aking hindi ko dapat ginagawa iyon." sabi niya ng na pansin ang pagiging tahimik ko was habang nagdo-drawing siya.

Napayuko nalang ako. Pero mabilis niyang hinawakan ang baba ko at inangat ang tingin ko.

"Like what I've said, it's also my choice." he whispered and smile.

"Smile na, okay?" he tried to pinch my cheeks for a smile, pero ngumuso ako para mapigilan.

"O'come on. Smile na."

Sinubukan niya pang sundutin ang aking tagiliran. Mabilis akong napatawa sa kaniya ginawa. Malakas ang kiliti ko at isa iyon sa kahinaan ko.

"Napatawa din kita." he said and smile. Ngumiti nalang din ako sa kaniya at pinanuod siya sa ginagawa.

Mabilis ang pagguhit niya na inamamangha ko. Hindi ka taka-taka kung pagdating ng araw ay maging successful architect nga siya tulad ng pangarap niya. And I'm always here to support him.

"Next week, dadalhin ko to. Tapos na." he said proudly.

Tumango ako sa kaniya bilang pagsang-ayon. Hawak ko ang sketch pad niya, tinitignan ang iba niya pang gawa. Madami ang mga nakalagay doon, mga super hero na drawing niya at characters sa isang laro.

"Dapat lang! Dahil next week, tuturuan mo naman ako kung paano magluto!"

"Oo naman, basta ako lang ipagluluto mo." he said and laughed, napatawa din ako.

Isinara ko ang hawak at ibinalik sa kaniya.

"Sure!" ikaw lang naman talaga ipagluluto ko ehh. Gusto ko sanang iduktong, pero hindi ko na ginawa pa.

"Siguraduhin mo ahh?"

"Oo nga. Lakad na, hinihintay ka na ni Kuya Leo."

Tumango naman siya ang mabilis na sumunod kay Kiya Leo. Hindi tulad ng mga nakakaraan ay nagtatanong pa si Kuya at Ate sa kung ano ang meron sa amin ni Gelo, pero ngayon ay tila wala nalang.

Pag pasok ko ng kwarto ay kinuha ko agad ang aking cellphone. Mabilis na lumawak ang ngiti ko roon ng bumungad ang picture naming dalawa.

It's the first shot, kung saan nakatingin ito sa akin habang ay malawak ang ngiting nakatingin sa camera.  Kung titignan mo iyon ay tila ba may gusto si Gelo sa akin, kahit na ang totoo ay wala at nagkataon lang. Pero sino ba ang nakakaalam kundi kaming dalawa, kaya kung makita man iyon ng iba ay ganoon nga ang iisipin.

I hope that's true. That he's in love with me.

Naiiling na natawa nalang ako sa naiisip. Baliw na yata ako.

Say Or Regret (Eleazar Series#2) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon