30th Chance

23 7 0
                                    

30th Chance

Mabilis akong kumaway sa kanila at lumapit. Madami sila doon at hindi lang sila ni Mika.

"Namiss ko kayo." sabi ko agad at niyakap silang dalawa ni Franz.

"Namiss ka din namin. Ang tagal mong hindi nag paramdam. Wala kaming kabali balita sayo!" sabi naman ni Mika.

"Sorry na. Busy lang sa trabaho." sabi ko pag tapos namin mag yakapan.

Binati din ko ng ibang nasa lamesa. Doon ko lang napansin na kasama nila ang mga asawa nila. Ang iba ay wala, nagulat din ako ng makitang nandoon si Anne kasama si Joseph na asawa din nito at ang tropa nya noon na sila Jake, Harold at Paolo na kaklase ko naman sa HUMSS. Nanduon din si Momo, Ana, Jhay at Gelo.

Agad akong nakaramdam ng kaba ng mapatingin sa kaniya pero nagawa ko pa din siyang batiin. Medyo nagtaka pa ako dahil wala ang asawa niya. May be, busy from taking care to their children?

Pagtapos ko silang batiing lahat ay nagulat pa ako ng nalaan sila ng isang upuan para sa akin.

"Hala, may kasama ako." nahihiyang sabi ko habang nakatingin sa upuan na nilaan nila.

Agad na nag tawanan ang mga lalaki.

"May kasama daw, isang upuan pa." sabi ng isa at agad na nagdagdag pa ng isang upuan.

Mabilis akong lumingon kay Calvin, sakto namang nakatingin ito sa akin kaya sinenyasan ko nalang siya na dito kami uupo, at kung okay lang? Nang tumango siya ay alam ko na agad na payag siya.

"Sino yung kasama mo? Boyfriend mo?" pang iintriga sa akin ni Franz.

"Gwapo yun ahh. Sino yun?" na dinagdagan pa ni Mika. Ngumiti lang ako sa kanila.

"Boyfriend mo?" nagulat ako ng pati si Jhay ay tanungin ako ng ganoon. Bahagya lang ako tumawa sa tanong niya.

"Ay, pa starstruck ang lola mo!" dinig kong sabi ni Franz. Natigil lang ang panunukso nila sa akin ng dumating sa lamesa namin si Calvin.

Agad siyang binati ng mga kasama ko at ganoon din ang ginawa niya.

"Okay lang na dito kayo?" tanong ni Mika ng makaupo si Calvin.

"Baka date may date kayo ahh? Tapos ma istorbo namin kayo." duktong pa ni Jhay. Hindi ko mapigilang matawa sa kaniya.

"Hindi naman. Diba Captain?" sabi ko at tinignan si Calvin.

"Oo naman, ayos lang kami dito ni Ma'am." he said and looked at me with a smile. Agad na nanliit ang mata ko sa tinawag niya sa akin.

"Captain? Ma'am?" in chorus na sabi ni Mika at Franz. Nahimigan ko ang malisya sa kanina.

"Asaran lang yun. Ano ba?" natatawa akong sabi.

"Yeah, sabi ko kasi sa kaniya wag niya kong tatawaging Captain. Because if she do, I'll call him Ma'am." paliwanag ni Calvin., kaya bahagya ko siyang siniko.

"Ahh, so paano kayo nagkakilala?" nagulat ako ng itanong iyon ni Jhay.

"Oo nga. Paano? Pilot ka?" duktong ni Franz.

"Ano ba kayo? Bakit nyo ba tinanong nangganyan si Calvin." pagpapatigil ko. Baka mamaya masabi pa niyang nag blind date lang kami ngayon ehh.

"Paanong hindi si Calvin ang tatanungin namin ehh, hindi mo sinasagot yung mga tanong namin." si Mika.

"Oo nga. Curious din kami. Ang tagal naming walang balita sayo tapos ngayon na nandito at may ka date." nagulat ako ng pati si Momo ay nakita tanong na din.

Say Or Regret (Eleazar Series#2) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon