26th Chance

25 5 0
                                    

26th Chance

Buong maghapon akong nagkulong sa kwarto ko kinabukasan. Pinagdadala lang ako ni Ate Nads at Kuya Sean ng pagkain sa kwarto. Hindi naman sila nagtatanong kung anong nangyari kagabi, na naging pabor sakin dahil ayokong umiyak ulit.

Pagdating ng lunes ay hindi ako nakapasok dahil hindi ako ginising ni Ate. Nagtataka nalang ako ng magising ng tanghali. Mabilis akong lumabas ng kwarto sa pagtataka kung bakit walang gumising sa akin. Pero walang tao, tanging almusal sa lamesa na may kasamang sulat lang ang nakalagay roon.

Note:
Hindi ka na namin ginising. Baka ayaw mo munang pumasok para makapag pahinga ka. Kumain ka na dyan. Love ka namin ni Kuya.
-Ate mong maganda at sexy :)

Halos matawa ako sa note na nakalagay doon. Talagang may nakalagay na maganda at sexy. Hay nako, si Ate talaga.

Wala akong ginawa maghapon kundi ang manuod ng movie mag isa at kumain. I tried to read my notes para hindi ako mabakante pero in the end naging kalat lang iyon sa lamesita sa harap ko.

"Bunso, gumising ka. Hapon na." nagising lang ako ng dumating si Manang. Nakatulog pala ako habang nanunuod ng movie.

"Anong oras na po?"

"Naku alas kwatro na. Nga pala, nasa labas ang kaibigan mong si Jhay." agad na kumunot ang noo ko nang sabihin iyon ni Manang.

"Po? Pasabi nalang po na masama ang pakiramdam ko at ayokong makipag usap muna sa iba." pagkasabi ko noon ay pandalas akong tumaas ng hagdan patungo sa aking kwarto.

Bukod sa nahihiya akong harapin siya ay guilty din ako sa pagsagot sa kaniya kahit na halatang halata naman na si Gelo ang gusto ko. Tapos iniwan ko pa siya nung gabing iyon. Hays.

Ilang sandali pa akong nakaupo sa aking kama nang maisipan kong sumilip sa bintana ko, para makita kung nakaalis na ba si Jhay roon. Medyo nagulat pa ako nang hanggang ngayon ay naroon pa din siya at kausap si Manang, kitang kita ko ang lungkot sa kaniyang mukha na lalong nagpaguilty sa akin.

Napabuntong hininga ako nang maiwan siyang mag-isa sya sa labas dahil pumasok na si Manang sa loob. Ngunit nagulat ako ng bigla dumapo ang tingin niya sa bintana ko kung nasaan ako. Nakita ko pa ang pilit na ngiti nito bago ako nagtago sa gilid ng bintana. Nang sinubukan kong muling sumilip ay wala na siya. Siguro ay umalis na.

Halos buong linggong iyon ay tamad na tamad ako sa pagpasok. Halos salitan ang araw nang pagpasok ko, hanggang sa namalayan ko nalang na halos mag i-isang buwan na pala akong ganoon. Hindi naman ako napapag iwanan sa mga topic dahil lagi kong sinisiguradong may pagkukuhanan ako ng source everytime na a absent ako.

"Pag may naghanap sakin, pasabi absent ako." sabi ko sa katabi kong si Paolo.

"Sus. Tinataguan mo na si Jhay? Hanggang kailan mo yan gagawin?" tanong niya sa akin. Agad akong napalingon sa kaniya.

"Hanggang graduation? I guess?" wala sa sariling sabi ko.

Ilang linggo nalang naman ay graduation na.

"Bakit hindi mo nalang sabihin sa kaniyang hindi mo siya gusto kesa ang paasahin mo siya ng paasahin?" agad akong naisin nang sabihin niya iyon.

"Teka nga. Bakit ka ba nangingialam?" iritado kong sabi.

"Tsaka, hindi ko siya pinapaasa. Kaya nga ko umiiwas, para hindi niya mis interpret ang kung anong meron samin!" duktong ko pa.

"Yan. Yan nga yung gusto kong sabihin sayo. You should tell him. Dahil hangga't di mo sinasabi sa kaniya iyan. Kahit sabihin mong hindi mo siya pinapaasa ay aasa at aasa pa din siya dahil kayo, diba?" bigla akong natahimik sa kaniya. But still, I ignore his words and I continue the way I avoid Jhay.

Hanggang sa lumipas ang ilang linggo. Medyo tinitigilan na din ako ni Jhay kaya naging kampante ako na hindi na talaga niya ulit ako pupuntahan at kakausapin. Nagulat nalang ako nang isang hapon ay nasa labas si Jhay ng room ko. Nung makita ko siya ay agad akong nagkunwaring di siya nakita, pero nang tawagin niya ako ay natigilan ako at naglakas loob na kausapin siya.

"Pwede bang mag usap tayo?" mahinang pagtango ang tinugon ko sa kaniya.

Hinintay namin maubos ang tao sa hallway bago siya nagsalita.

"Mag a anim na linggo mo na kong iniiwasan. Akala ko ba tayo na?" natahimik ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa mga kamay ko. I feel guilty.

"Akala ko din ehh." sabi ko.

"Sorry. Sorry, na dala ako ng nararamdaman ko. Akala ko kasi kaya kitang bigyan ng chance. Akala ko makakalimutan ko yung totoong nararamdaman ko, pero nakakailang oras palang hindi na. Sobrang na durog yung puso ko ng makita yung kiss." hindi ko na napigilang mapahikbi nang sabihin iyon. Kahit naka ilang linggo na ang lumipas, sobrang fresh pa din sa isip ko ang lahat.

"I'm sorry. Hindi ko naman gustong paasahin ka. Hindu ko naman gustong gamitin ka. Nadala lang ko ng sitwasyon. Pasensya na. Sorry." hindi ko na napigilang mapahagulgol sa harap niya.

Nagulat nalang ako ng yakapin niya ako at aluhin.

"It's okay. Shhh. You're forgiven. Alam ko naman na wala talaga kong pag-asa, sinubukan ko lang. Shhh. Wag ka nang umiyak, baka sabihin nila inaaway kita." he said continue to tap my shoulder.

Imbis na tumahan ay lalo pa akong napahagulgol ng iyak. Parang ngayon lang ako nakaiyak ng sobra matapos ng lahat. Hanggang sa huminahon ako, labas na ang halos buong senior high kaya wala na din masyadong tao sa school building namin, mga 4pm pa ang sunod na labasan ng junior high. We still stay in the same position.

"Ayos lang kayo?" halos matulak ko si Jhay ng marinig si Momo. Agad kong pinunasan ang natitirang luha sa mga mata ko, bago humarap sa kanya. Hindi naman ako nagulat ng makitang magkasama sila ni Gelo. Wala namang bago.

"Did you two broke up?" she asked again.

Nagkatinginan kami ni Jhay dahil doon. Naghihintay ako ng sasabihin niya.

"It seems like that?" he said and cackled before smile at me.

"We decided to be a friends first before go to the next level." he continued na sinang-ayunan ko nalang kahit alam kong hindi na iyon mangyayare.

"Aw. But good for the both of you." sabi pa ni Momo bago nagpaalam sa amin.

"Una na kami? Pasensya na at naabala pa namin kayo."

Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa ng maiwan kami roon. Hindi ko alam kung may dapat pa ba kaming pag-usapan. Kaya nung sa tingin ko ay wala na ay agad na akong nagpaalam sa kaniya.

"Mauna na din ako?" paalam ko.

"Hatid na kita?"

"No. Ako nalang." pag tanggi ko.

"Please? Kahit ngayon lang. Kahit ito na yung last." pamimilit niya na hindi ko na hinindian pa.

Tahimik lang kaming naglalakad. Wala lang nagtatangkang magsalita. Marahil dahil sa nangyari sa kanina. Tsaka lang siya nagsalita ng malapit na kami sa bahay.

"Salamat sa pag payag na ihatid kita kahit sa kahuli-hulihang sandali. Pasensya na din kung napaiyak kita kanina. Tanggap ko na. Sorry." he said. Nagulat pa ang ng makita ang pasimple niyang pagpunas ng luha sa mata. I feel so guilty.

"Sorry din." I said and for the last time, I hug him before entering our house.

Now that I already talked to Jhay. Should I tell Gelo about my feelings? Of course, Criz! You should do that! Kahit na may Momo na siya!

Say Or Regret (Eleazar Series#2) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon