Prologue

180 14 4
                                    

Prologue

Pinagmamasdan ko ang isang invitation na natanggap ko sa Facebook. It's an invitation for a high school reunion.

"Huy, ano ba yang tinitignan mo? Kanina ka pa nakatingin dyan sa cellphone mo." sita sa akin ng aking kaibigan na si Jane.

"W-Wait! Don't tell me, lovelife na yan kaya ka napapatulala? Sa wakas!!" masayang duktong nito at pumalakpak pa, ngunit nanatili akong nakatingin sa aking cellphone at hindi pa rin siya kinikibo.

"Hindi ba? Ano ba yan?" lumapit ito sa akin para tignan iyon.

"O' anong problema sa high school reunion? Masaya yan, yung mga dati mong kaibigan makakasama mo." pagkumbinsi niya sa akin, I looked at her.

"Sa tingin mo masaya?"

"Oo naman! Yun ay kung wala kang masaklap na nakaraan." agad akong nanlumo sa sagot niya.

Mabilis na nagwala ang puso ko. Madaming pumasok sa isip ko, mga nakaraan na nagpasaya sa akin at ang nakaraan na nagpalungkot sa aking ng lubos.

"Bakit? May problema ba?" tanong niya, iiling palang sana ako nang muli siyang magsalita.

"Don't tell me, pupunta dun si Gelo kaya ka nagkakaganyan? Still him, I guess? Kaya ba wala ka pa ding nagiging jowa hanggang ngayon?"

Mabilis kong ginulo ang buhok ko sa mga sinabi niya. Totoo ang lahat ng iyon, isang lalaki lang ang kayang magpanginig ng buong katawan ko lalong lalo na ng puso ko. Sinubukan kong makipag date pero wala, siya pa din.

"So pupunta ka ba o hindi?" muli niyang tanong.

"I dunno."

"Pumunta ka!" halos mapatalon ako sa sinabi niyang iyon, para akong aatakihin sa sobrang pagkabigla.

"Bakit pa?"

"Diba sabi mo nga, makikita mo siya. I think this is the right time! Confess your feelings to him! Baka eto na yung chance mo! Bes, eto na yung lovelife mo!" masayang sabi niya. Muli akong natigilan sa sinabi niya.

May be she's right. May be this isa the right time for us. May be this time pwede na. Wala ng hadlang.

"Okay. Pupunta ako." final na sabi ko, kasunod noon ay ang pagpalakpak niya.

"Bes, siguraduhin mong aamin ka ahh? Wag mong sasayangin ang pagkakataon na to. Baka eto na yung last chance mo." pagchi-cheer sa akin ni Jane. Tumango ako sa kanya bago bumaba ng kanyang kotse.

Sabi niya kasi wag daw akong magdala ng kotse para pag uwian na ay ihatid ako ni Gelo. Umiling ako sa naisip.

Tinignan ko ang labas ng hotel kung saan gaganapin ang aming reunion. Madaming napasok doon, mga namumukhaan ko pero hindi ko maalala kung anong pangalan.

Pinaghandaan ko talaga ang araw na ito, nagshopping kaming dalawa ni Jane at nagpaayos ng buhok, we do manicure too at iba pang pampaganda.

Pumasok ako sa hotel at iginaya ako ng isang receptionist kung saan gaganapin ang aming reunion. Maingay ang buong hall, dahil sa mga tawanan at kwetuhan sa bawat lamesa. Inilibot ko ang aking buong mata sa buong hall para maghanap ng mga dating kakilala para makiupo, at hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko sila Franz at ang iba pa naming kakalse.

"Crizza, ikaw na ba yan? Ang ganda mo na!" bungad sa akin ni Mika ng makalapit.

"Naku naman, nambola agad!" tugon ko naman at tumawa.

"Ay waw! Nagbago kana talaga, hindi kana binabalot ng kadiliman." sita naman ni Franz sa akin, ngumiti lamang ako sa kanya at umupo.

Konting kamustahan ang nangyare sa aming lamesa, madami na talagang nagbago. Lahat sila ay successful na at may mga pamilya na ang iba naman ay may jowa at malapit na ding mag-asawa. Nakakabigla pa ang iba dahil yung magjojowa sa batch namin ay sila pa din ang nagkatuluyan.

Say Or Regret (Eleazar Series#2) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon