18th Chance

28 6 0
                                    

18th Chance

Masakit ang binti kong naupo sa isang bench. Kanina pa ko paikot-ikot dito sa Mall pero wala pa din akong nahahanap na pwede iregalo kay Gelo.

I slightly massage my legs while looking around. Naghahanap ng iba pang shop na hindi ko pa napupuntahan nang may nahagip ang mata ko na isang pamilyar na mukha. Kakalabas lang nito sa store malapit sa akin at mukhang may binili. Sakto namang dumako ang tingin niya sa akin ng humarap siya sa banda ko. Isang malawak na ngiti ang iginawad niya sa akin, kaya ganoon din ang ginawa ko.

"Ikaw lang mag-isa? Anong ginagawa mo dito? Kasama mo si Gelo?" sunod-sunod na tanong sakin ni Jhay ng makalapit. Bahagya akong napairap sa mga tanong niya bago sumagot.

"Bawal ba kong pumunta mag-isa rito?" I joke but can't help to be sound more irritated.

Obvious naman na mag-isa ako. Nagtanong pa siya!

"Hindi naman sa ganoon. What I mean is baka magkasama kayo ni Gelo. You know? Lagi kayong magkasama."

Well, hindi ko naman sila masisisi kung ganoon ang kanilang isipin. Lalo na at alam nilang lagi kaming magkasabay sa pag-uwi at pumupunta siya sa bahay. At sumasama din sa akin kung may pupuntahan ako.

"So, anong ginagawa mo dito? Mukhang pagod kana kakalakad." muli niyang tanong ng mapansin ang hindi ko pagsagot at tumingin sa binti kong hawak-hawak ko. Mabilis kong itinigil ang ginagawa at umayos ng upo.

"Naghahanap ako ng regalo para sa birthday ni Gelo. Ikaw? Bakit ka nandito?"

"Same?" he said at ipinakita ang paperbag na hawak nito na binili sa pinanggalingang store.

"Anong laman?" I asked in curiosity.

Kanina pa ako pa ikot-ikot pero wala akong maisip  at mahanap na pwedeng iregalo sa kaniya, pero siya meron na! Walang dudang magbestfriend nga sila!

Nanlaki ang mata ko ng ngumiti ito sa akin at itinago ang hawak. Sumunod ang mata ko roon ng itago niya sa likod ang hawak na tila ba ano mang oras ay aagawin ko iyo sa kaniya.

"Bakit ko sasabihin?"

Umayos ako sa pagkakatayo at tinignan siya.

"Nagtatanong lang!"

"Sus! Ang sabihin mo wala ka lang maisip!" he said and cackled.

Medyo nairita ako sa pagtawa niya kaya hindi ko naiwasang hindi mapairap.

"Tss!"

Agad na may pumasok sa isip ko ng makita ang store na nasa likod niya. Walang sabi-sabi akong humakbang patungo sa pwesto niya. Nakita ko ang pagkatigil niya sa ginawa ko na nagpaatras sa kaniya. Gusto kong matawa sa reaksyon niya pero pinigilan ko at nagpatuloy sa paghakbang.

"W-What are do..." nabitin ang sasabihin niya ng bigla ko nalang siyang nilampasan at dare-daretsong pumasok sa loob ng National Book Store.

Malwak ang ngiti ko ng lumabas ng store. Dala-dala ng nabiling regalo para kay Gelo.

Sana magustuhan niya.

"Nakabili ka na?" halos mapatalon ako ng marinig si Jhay na magsalita.

Hindi pa din pala ito umaalis at talagang hinihintay ako. Tumayo ako ng maayos ng at hinarap siya.

"Oo. Bakit? Hinihintay mo ko?"

"Hmm.. Sa tingin mo?" nanliit ang mata ko sa kaniya.

"Obvious naman na hinihintay mo ko."

"Alam mo naman pala. Tara na at nagugutom na ako." nanlaki ang mata ko sa sabi niya, lalo na ng bigla akong hilahin nito.

"H-Huy! Anong nagugutom? Uuwi na ko!" mabilis kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin at bahagyang lumayo sa kaniya.

"Oo nga. Sasabay nako sayo, pero samahan mo muna akong bumili ng pagkain. Nagugutom na ko." saktong pagkasabi niya noon ay nakaramdam ako ng gutom kaya hindi na ako tumanggi pang sumama sa kaniya.

I order a milk tea for myself and some snack. Iaabot ko na kay Jhay ang bayad ko pero hindi niya tinanggap.

"Libre ko na sayo." he said and smile at me.

"Sure ka?"

"Oo nga." he said and cackled.

"O'edi sige. Salamat." nahihiyaman ay natawa nalang ako.

Nang maka order ay naupo kami sa waiting area habang hinihintay ang order at nang makauwi na din. Konting kamustahan at usap tungkol sa school na papasukan ngayong senior high. Doon ko na laman ba parehong school lang din kami ng papasukan ko, tulad niya ay hindi din siya lilipat.

"Sayang lang at hindi naman din tayo magiging magkaklase dahil magkaiba tayo ng strand." he said.

"Okay pa din. Isang school at iisang building lang tayo  noh."

"Sabagay, lagi ko namang kasama si Gelo kaya makakasama din kita." he said and smile. I smile back at him and nod.

Siya ang kumuha ng order namin. Mabilis din kaming tumayo ng maiabot na niya sa akin ang order ko. Handa na para umalis, nasa tapat na kami ng pinto ay pareho kaming natigilan ng makita ang kasalubong naming dalawa.

Napako ang tingin ko sa kanilang dalawa, lalo na sa braso niyang kinakapitan ni Momo. They're laughing but he stopped when he saw me.

"Oy, pre. Ikaw pala." I heard Jhay greet Gelo. Parang doon lang niya nakitang kasama ko si Jhay at nagpabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa at nang magrealize na magkasama nga kami ay binati niya pabalik si Jhay at pati na din ako.

Nagawa ko pang ngumiti pabalik sa kaniya at ngitian silang dalawa ni Momo kahit na ang totoo ay gusto ko silang irapan. Pakiramdam ko ay nawala ako sa mood, ang saya at excitement kong ibigay sa kaniya ang regalo ay nawala.

"Ahh, sige pre. Una na kami ni Crizza, ihahatid ko pa siya ehh." paalam ni Jhay at hindi na hinintay ang sasabihin nito at mabilis na akong inakbayan at inilayo roon.

Hindi maalis sa isip ko ang nakita. Pakiramdam ko ay kahit malayo na ako sa kanila ay naiwan pa din ako sa harap nila. Namalay ko nalang na nakasakay na pala kami ng jeep ng marinig ko siyang magbayad ng para sa aming dalawa.

"Ayos lang naman kahit hindi mo na ako ihatid sa amin, kaya ko namang umuwi." sambit ko ng marinig na dalawa ang ibinayad niya sa kanto ng bahay namin.

"No, it's okay. Hindi naman ako nagmamadaling umuwi." sabi niya at ngumiti pa sa akin, pero imbis na ngitian ko siya pabalik ay sumimangot ako.

I don't know but I'm not in my mood. Suddenly I remembered what he said, 'Hindi na ako magg-girlfriend tulad ng gusto mo. I wait for the right girl for me.' hindi kaya si Momo na yung babaeng sinasabi niya? Pero ano iyong mga pinapakita niya sa akin?

"Hey, are you okay?" nagulat ako ng bigla niya akong tanungin, napakurap-kurap muna ako bago lumingon sa kaniya.

"Huh?" wala sa sarili kong sambit.

Nakababa na kami ng jeep at naglalakad na patungo sa aming bahay. Hindi ko makalimutan ang nakita.

"Iniisip mo pa din si Gelo at Momo?" agad na kumunot ang noo ko sa tanong niya. Mabilis ang iling ko sa kaniya.

"Hindi ahh."

"Edi ano pala?"

"Wala!" himuminto ako at hinarap siya.

"Umuwi ka na. Dito na ang bahay namin." sabi ko sa kaniya  at itinuro ang bahay na nasa harap namin.

Nakita ko pa ang pag-aalangan niya sa sinabi ko pero sa huli ay tumalikod na din ito at iniwan ako. Pinanuod ko siyang maglakad palayo sa akin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Napaupo nalang ako sa panglulumo, parang gusto ko nalang biglang umiyak. Masakit sa dibdib lalo na pag naaalala ang nakita kanina.

"Criz." natigilan ako nang marinig ang boses niya.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kaniya para masiguradong siya nga iyon at hindi nga ako nagkamali. He's standing in front of me. Malungkot ang tingin niya sa akin, kita ko ang guilt sa kaniya mukha. Peri imbis na tuwa ang maramdaman ko nang makita siya ay sakit ang aking naramdaman. Namalayan ko nalang na naiyak na pala ako habang nakatingin sa kaniya.

"I'm sorry." lalo pa akong napaiyak ng marinig ang mga katagang iyon mula sa kaniya.

Say Or Regret (Eleazar Series#2) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon