21st Chance

29 7 0
                                    

21st Chance

"Parang hindi ko na nakikitang napunta si Gelo dito."

Bahagya akong natigilan nang magsalita si Ate Nads habang nasa hapagkain kami.

"Oo nga, akala ko dito yun napunta. Lagi daw wala sa kanila sabi ni Leo." na dinuktungan naman ni Kuya Sean.

Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanila. Kaya imbis na masalita ay tinignan ko lamang silang dalawa at nagkibit balikat tsaka nagpatuloy sa pagkain.

It's been a months since that lunch happened. Tulad nung nakaraan ay nagpakabusy ako sa lahat ng bagay hanggang sa matapos ang first sem. Nagkukunwaring hindi sila nakikita pagnagkakasalubong kami sa school.

"I heard, he had a girlfriend. Is that real, Criz?" tanong pa ni Ate Nads. Napatigil ako sa pagkain at tumingin sa kaniya.

"Yes,"

"May girlfriend nga daw iyon ngayon. I think mag 6 months or 7 months na sila. Akala ko pa naman ay si Criz ang gusto noon, kaya nagulat ako nung sinabi ni Leo sakin iyon." si Kuya.

May kung anong kirot akong naramdaman pero natabunan iyon ng ka bitteran ko.

'Magbe break din kayo.' sa isip ko. At pag nangyari iyon sisiguraduhun kong babalik si Gelo sa akin at hindi ako magdadalawang isip na sabihin ang nanaramdaman ko sa kaniya.

Buong semester break ay nasa bahay lang ako, pumunta lang ako sa school para ayusin ang enrollment ko sa 2nd sem. Kakatapos lang ng tanghalian ng nagpunta ako ng school. Kakaunti na ang mga estudyante, madami sa kanila ay pauwi na samantalang ako ay kakarating palang. Kaya mga hapon na ng natapos ako.

Mag-isa akong naglalakad palabas ng school ng matanaw ko si Gelo na nakatayo sa gilid ng gate. Tila ba may hinihintay ito.

Agad akong nakaramdam ng kaba, kahit alam ko namang si Momo ang hinihintay niya at hindi ako. Mas lumalakas pa ang kaba ko sa bawat hakbang ko palapit sa pwesto niya, halos hindi na ako makahinga ng mapadaan sa harap niya, lalo pa ng makita ko ang pag sulyap niya sa akin ng dumaan ako. Pero imbis na lingunin siya pabalik ay nagkunwari akong may ginagawa sa aking cellphone at dare-daretso palabas ng school.

Ibinaba ko lang ang cellphone ko paglabas ko ng gate. Pakiramdam ko ay matutumba ako sa panglalambot ng aking tuhod at kaba. Mabuti nalang at napahawak agad ako sa pader na katabi ko.

"Crizza." agad akong napaayos ng tayo ng marinig ang tawag niya sa akin at mabilis na naglakad palayo.

"Wait, Criz. Let's talk."

Natigil lang ako ng hawakan niya ang braso ko. May kung anong kuryente ang dumaloy sa akin mula sa kamay niya. That makes my heart beat more faster.

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin at hinarap siya.

"Anong pag-uusapan natin?"

"Galit ka ba sakin?"

Gusto kong matawa sa tanong niyang iyon. Hindi ba obvious? Tss.

"Is it about what happened last time? Yung pinapatigil ko si Jhay? I'm sorry, alam kong matagal mo na siyang gusto at malaking opportunity iyon para sa iyo."

Halos magsalubong na ang kilay ko sa sinasabi niya  Gusto ko si Jhay? Kailan ko iyon sinabi sa kaniya?

Muntik ko nang mahampas ang sarili ng maalala sa sinabi sa kaniya dati na crush ko si Jhay. Hindi ko alam na seseryosohin niya iyon.

"Aaminin ko, ayoko si Jhay para sayo." nanliit ang mata ko sa idinuktong niya.

Paano kung sabihin kong ayoko din si Momo para sayo? Gusto ko sanang sabihin iyon pero pinigilan ko ang sarili.

"At sino ang gusto mo para sakin aber?"

"Uggh! Basta hindi siya."

"Tss. Sinong gusto mo ikaw? Asa ka!" I said and rolled my eyes.

"N-No! Of course no! Basta hindi si Jhay. Babaero iyon."

"Ikaw, hindi ba? Babaero ka din diba? Hindi ka nakatiis na mag girlfriend." iritado kong sabi sa kaniya at tumingin sa malayo.

"Wala na kami, Criz."

Agad na nagwala ang puso ko sa narinig na sinabi niya.

Is that for real?

"So?" I looked at him and raise my eyebrow.

"Gusto ko lang malaman mo na wala na kami at para na din makapag sorry ako sa hindi pagsabi sayo na may girlfriend na ako."

Muli akong umirap para hindi makita ang sayang nararamdam ko.

"Okay, you're forgiven." mabilis kong sabi.

"Kung wala ka nang sasabihin, uuwi na ako." duktong ko at mabilis na humarap sa daang patungo sa amin. Ganoon nalang ang tuwa ko ng sinabi niya.

"Hatid na kita."

"At bakit?"

"Gusto kong ibalik yung pagkakaibigan natin. Yung dati."

"No thanks, kaya ko na. Sanay nako."

"Edi sasabay nalang ako sayo."

Muli akong napairap sa kaniya para itago ang saya.

"Hindi ito ang way ng pauwi sa inyo."

"I know. Pero may pupuntahan din naman ako dun, kaya okay lang."

Hindi na ako umangal pa sa kaniya. Tutal hindi naman ako mananalo sa mga dahilan niya. Pagdating ko ng saking kwarto ay wala akong ginawa kundi ang magpagulong-gulong sa aking higaan sa kilig.

Hindi ko maintindihan ang sayang nararamdam ko ng mga oras na iyon. Lalo pang nadagdagan ng kinabukasan ay pumunta siya sa amin, katulad ng dati.

"Bakit ka nandito?" bungad ko sa kaniya pagkababa ko ng hagdan.

"I told you, gusto kong ibalik yung dating friendship natin."

Say Or Regret (Eleazar Series#2) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon