25th Chance

27 7 0
                                    

25th Chance

"Really?" he said, surprisingly. Tanging tango lamang ang naging tugon ko.

"Wow, hinding-hindi ka magsisising sinagot mo ako." he said and kiss my forehead before hug me. Medyo na gulat pa ako sa ginawa niya pero kalaunan ay binalewala ka nalang. May be he's to happy.

Masaya ang buong gabi, si Jhay ang first dance ko hanggang sa mangalay ang paa ko at nagyaya na akong maupo. Akala ko makakapag pahinga na ang paa ko pero hindi pa nag-iinit ang puwet ko sa upuan ay may nag-aya na sa aking makipagsayaw. I looked at Jhay first for his permission. Hindi naman niya ako pinigilan, nagsabi pa siya sa akin na makikipagsayaw din siya sa iba na tinawanan ko lang.

Hindi ko alam pero gumaan bigla ang pakiramdam ko kay Jhay. Siguro kasi siya nandyan sa tabi ko at natutulungan niya din akong makalimot kahit papaano.

Ang pagpayag kong makipagsayaw sa iba ay nasundan nang nasundan. Hanggang sa last two song nalang ang papatugtugin bago i-announce ang prom king and queen. Nagulat nalang ako ng si Gelo ang kumuha sa akin sa huli kong kasayaw.

Agad na nagwala ang puso ko ng makita siya. Parang bigla nalang nawala yung sakit na dinulot niya sa akin kanina.

"You look so beautiful tonight." unang salitang sinabi niya sa akin habang magkasayaw kami.

Agad na nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Tila ba nawala sa isip na may girlfriend ito na maaaring sinabihan niya din noon kanina.

"Thanks." pagtapos kong sabihin iyon ay hindi na naduktungan pa ang aming usapan. Tanging sayaw lang aming ginagawa, katulad lang nga mga nakipagsayaw sa akin kanina. Pero ang iba sa kanilanay tinanong kung pwede ba silang manligaw but I told them na hindi na pwede dahil may boyfriend na ako. At si Jhay iyon.

I slightly feel awkward everytime I told them na boyfriend ko si Jhay. Lalo na pagsinasabi nila ang,

"Congrats. Kaya pala madalas ko kayong makitang magkasama nitong nakaraan. Kaya pala parang ang close nyo kasi nanliligaw pala siya sayo. Akala ko pa naman si Gelo yung manliligaw mo, hindi pala. Pero buti pinayagan ka niyang isayaw ng iba ngayon?" and instead of answering him, I just smile.

Last music na nang muling magsalita si Gelo.

"I'm sorry if hindi ko nasabi sayong si Momo na ang partner ko."

Agad kong nalasahan ang pait sa akin.

"Okay lang. Hindi ko din nasabi sayong si Jhay na ang partner ko."

"Kaya nga ehh. Hindi din sinabi saking nanliligaw siya sayo." nahimigan ko ang pagtatampo sa boses niya, kaya napayuko nalang ako.

"Actually, he's already my..." naputol ang sasabihin ko nalang lumapit si Jhay samin para kunin ako kay Gelo.

"Tol, can I dance my girl? Gusto kong ako ang maging last dance niya." sabi ni Jhay. Sandali siyang tinignan ni Gelo.

"Ikaw na ang first dance niya diba? I'm her best friend, so give the last dance to me." may kung ano insekto ang lumilipad sa tyan ko ng marinig iyon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sinabi niyang best friend ko siya o matatawa dahil hanggang best friend lang ako para sa kaniya.

"Yeah, you're the best friend but I'm his boyfriend." madiing sabi ni Jhay.

"Since when? Nanliligaw ka palang, ngayon boyfriend na?"

"Kanina lang." proud na sabi ni Jhay.

Kita ang matalim ni Gelo sa akin nang tumigil kami sa pagsasayaw. Pakiramdam ko ay nanliit ako bigla sa mga tingin kaya napayuko nalang ako at kinagat ang labi. Ilang sandali lang ay bigla nalang siyang umalis sa harap ko at iniwan kami ni Jhay doon.

The pain from my heart spread to my whole body. Gusto ko siyang sundan, pero hindi ko na nagawa dahil mabilis na hinawakan ni Jhay ang bewang ko at sinayaw ako. Aangal na sana ako na pagod na ko pero agad akong na guilty ng makita ang malaki niyang ngiti habang nakatingin sa akin.

"Anong pinag-uusapan nyo ng mga nakipag sayaw sayo?" he asked to start a topic.

"Wala naman."

"I saw you smile at them." imbis na matawa sa sinabi niya ay nagkibit balikat lang ako sa kaniya. Wala na ako bigla sa mood. Ang tanging gusto ko nalang ngayon ay ang umuwi at matulog.

"Sino ang nagtangkang manligaw sayo sa mga iyon?" he asked again. Bigla akong napaisip sa tanong niya.

"O ilan sa kanila?" duktong niya pa.

Halos lahat sa nakipagsayaw sa akin ay tinanong ako kung pwedeng manligaw. Mga nasa dalawa o tatlo lang ang hindi nagtanong, kasama na si Gelo doon.

"I told them that you're my boyfriend." sabi ko oara tumigil na siya, at hindi nga ako nagkamali dahil ang laki ng ngiti niya hanggang sa matapos ang music at bumalik kami sa lamesa namin.

Nakita ko agad sa Gelo na nakaupo sa tabi ng upuan ko kung saan siya kanina, tulad ng kanina ay nasa tabi niya pa din si Momo at magkahawak sila ng kamay. Pakiramdam ko ay naging awkward ang lahat ng makaupo ako.

Tulala lang ako sa lamesa habang nag-a announce ang MC sa harap ng mga nanalo sa raffle. Medyo inaantok na din ako dahil 12 na ng gabi, pero dahil sa nangyari kanina ay kahit yata anong antok ko ay hindi ako makakatulog.

"The Prom King and Queen are Mike Angelo Eleazar and Maria Moana Enriquez!" para akong nabingi ng marinig iyon. Hindi naman sa umaasa akong ako ang maging partner ni Gelo, kundi dahil...

"Kiss! Kiss!" pagtaas nila ng stage at maisuot ang sash at crown.

They need to kiss because that's a part of tradition as prom king and queen. Bumilang ng 123 ang MC bago sila ng kiss sa stage. Parang nagunaw ang mundo ko ng makita iyon. Super sakit. Hindi ko ata kakayanin. Kaya walang sabi sabi akong tumayo at mabilis na umalis doon.

I heard Jhay's call, pero hindi na ako nag-abalang lumingon pa sa kanya at mabilis na tumakbo palabas ng venue. Hindi naman na din ako pinigilan mga bantay doon dahil may mga nag-uwian na din kanina.

Pagdating ko sa labas ay agad na nagpatakan ang mga luha ko. I tried to call Kuye Sean pero masyadong blurry ang paningin ko dahil sa luha. Napaupo nalang ako sa isang tabi at doon umiyak.

Natigilan lang ako ng may umilaw na sasakyan sa harap ko ang bumikas ang bintana. Hindi ko man aninaw kung sino ito ay nalaman ko din ng magsalita siya.

"Buti naman lumabas ka na. Kanina pa ko naghihintay sayo dito." si Kuya Sean. Wala akong nagawa kundi ang humagulgol sa loob ng sasakyan hanggang sa makauwi. Hindi naman nagtanong si kuya but he keeps comporting me.

Say Or Regret (Eleazar Series#2) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon