12th Chance

31 9 0
                                    

12th Chance

Napatingin ako sa cellphone ko ng magtext si Mika. Today is our first day for being a grade 10 students.

Mika:
Bilisan mo. Nasa room na kami ni Franz

          Oo na! Nasa gate na!

Tabi-tabi tayo ng upuan, bilisan mo at may sasabihin pa kami sayo

Napairap nalang ako sa nabasa at ibinulsa ang cellphone. Bakit hindi nalang nila sabihin sa text? Bakit kailangang hintayin pa talaga ako at madaliin.

Pagpasok ko palang ng gate ay madami na agad akong nakasalubong na estudyante, ang iba ang kasabay pumasok ng gate. Madami grade 7 ang nasa gym para tignan kung ano ang section at room nila, ang iba roon ay mga senior nakatambay at nagtatawanan.

"Psst!" agad akong napalingon ng may simitsit.

Hindi man siguradong ako ang sinisitsitan ay napatingin pa din ako. Madami akong kasunod na napalingon din. Daretso ang tingin ko sa entrance ng canteen kung saan narinig ang sitsit, isang lalaki ang kumakaway sa akin. Si Gelo. Natatawang napailing nalang ako sa kaniya.

Ang aga ay nasa canteen agad siya at may iniinom na lemonade. Mag-isa lang siya, walang tropang kasama.

"Ang aga ah?"

"Here, pang good luck ko sa first day mo." inilahad niya sa akin ang isang delight.

Tinaasan ko siya ng kilay at natatawang tinitigan lang delight na ibinibigay sa akin. Ang aga namang panlilibre to. Baka maging buong taon niya kong ilibre dahil ito.

"Tanggapin mo na, wag mong isiping libre ko to. Pang good luck ko nga diba?" pangungumbisi niya.

Nagtataka man ay tinanggap ko iyon. I remembered na isa iyon sa pinabili ko sa kaniya noon aksidente niya ako ng nahila sa canteen. That's one of the most unforgettable moment with him. Doon kami nagkakilala, formally.

Sabay naming tinungo ang building kung saan ang grade 10.

"Magkaharap lang room natin." bahagya akong napalingon sa kaniya and sip on my delight. Naghihintay ng iduduktong niya.

"Tapos magkaklase na tayo sa TLE."

"So?"

"Edi lagi na kitang makikita! At makakasama! Araw-araw."

Agad na may sumilay na ngiti sa akin ng marinig iyon. It's like he have crush on me. Pero agad ko ding iwinala iyon sa isip ng nasa tapat na kami pareho ng room.

"Pasok na ako sa room namin. Bayiieee!" mabilis kong paalam sa kaniya at hindi na siya nilingon pa.

Mabilis na hinanap ng mga mata ko si Mika at Franz. Nang makita sila ay doon agad akong lumapit. Malapit iyon sa bintana at talagang sa dulo ang binakante nila para sakin.

"Nakita namin iyon. Ang aga ahh!" bungad ni Mika sa akin.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at dumaretso sa upuan ko.

"Alam mo bang sa tapat ang room nila?" duktong niya pa.

"I know."

"At kaklase natin sila sa Agriculture!"

"Yeah, I know. Sinabi na ni Gelo." sabi ko at tumikhik.

"Ano namang reaksyon mo?" doon ako napatingin ng si Franz na ang magtanong.

Agad na may sumilay na ngiti sa akin. I tried to hide it but I can't.

"Wala." sabi ko at ngumuso.

Bumalik sa isip ko ang sinabi niya.

"Edi lagi na kitang makikita! At makakasama! Araw-araw."

Pakiramdam ko ay nag-iinit ang mukha ko sa nararamdaman. I think I'm blushing right now!

"Really? So what's with that smile? And wait, you're blushing!" pakiramdam ko ang lalo akong pinamulahan sa sinabi ni Mika.

Shit! Masyado bang obvious? Grr!

"H-Hindi ah!" tanggi ko at inirapan pa siya.

"Sus. Ano pang sinabi niya?" tanong ni Franz.

Muling nag init ang mukha ko.

"W-Wala na!" mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanila at sa bintana nalang tumingin.

"O'come on. Meron pa. So what is it? Tell us."

"Wala nga."

"Okay, kung ayaw si Gelo nalang natatanungin namin."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mika. Akmang aalis na sila ng lumingon ako. Kaya mabilis ko silang pinigilan.

"Sabi niya, edi lagi na kitang makikita! At makakasama! Araw-araw." parang gusto ko nalang magpakain sa lupa ng sabihin ko iyon.

Sa akin nalang dapat iyon ehh! Bakit kailangan pa nilang malaman? Grr!

"OMG! I knew it!" bulalas ni Franz.

"I think he likes you!"

"Wag nga kayong ano!" suway ko sa kanila.

Nakatingin na din kasi ang iba naming kaklase sa amin, lalo na si Ana.

"Tss." kahit malayo ito ay narinig ko ang pag smirk niya.

Lahat ng sayang nararamdaman ko ay nawala. Napalitan ng hiya. She's one off the ex, maiintindihan ko kung magagalit siya sa akin at ayawan ako.

"Hayaan mo yan isang yan, ingit lang yan sayo." bulong ni Mika sa akin ng pumasok ang teacher.

Our first day went well, hindi naman busy dahil puro introduce yourself. Tulad ng dati ay kami kami lang din ang magkakasama.

"Huy, nasa pinto si Gelo. Ayiiieee." napakislot ko ng sundutin ni Mika ang tagiliran ko.

Kinunot ko ang noo para ipakitang naiinis ako kuno. Kahit na ang totoo ay natutuwa ako.

"Hinihintay ka, sasabay siguro satin papuntang TLE." nagpatuloy ako sa pag aayos ng gamit, hindi pinansin ang sinabi ni Franz.

Napatingin kaming tatlo ng bigla nalang may padabog na nag-isod ng upuan. Masama ang tingin ni Ana sa akin, hindi nakatakas ang pag-irap niya ng makita ang tingin ko sa kaniya.

"Don't mind her, okay?" bulong sa akin ni Mika.

Tumango at ngumiti ako sa kanila. I'm really lucky to have them.

Paglabas palang namin ng room ay mabilis na lumapit sa amin si Gelo. Tama nga sila dahil sasabay ito sa samin papunta sa next class.

"Tabi tayo." natawa ako ng ibulong niya iyon sa akin kahit na nakaupo na naman siya sa aking tabi.

"Nakaupo ka na ahh?" I cackled.

"Sabay din tayo pauwi."

"Hindi naman tayo parehas ng way." natatawa kong sabi.

"Hahatid kita."

Parang may kung anong paru-paro ang lumipad sa tyan ko. Nakakakiliti at hindi mapigilan ang ngiti sa akin.

"Bakit? Hindi mo naman kailangang gawin yun."

"But I want to."

"Bakit?"

"Basta gusto ko lang." naiiling nalang ako habang nakangiti sa sinabi niya.

Hindi ko alam kung ako lang ba yung nakakaisip nito. Pero sa tingin ko tama sila Franz. I think he likes me too.

Say Or Regret (Eleazar Series#2) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon