38th Chance

34 8 0
                                    

38th Chance

Naalimpungatan ako ng maramdaman ang mahigpit na yakap sa aking bewang. Ramdam na ramdam ko ang init ng balat nito, kaya agad nagdilat. Halos manlaki ang mata ko ng ilang inchss lang ang layo ng mukha sa akin ni Gelo. Nakangiti ito sa akin.

"Good morning." bati niya sa akin at mabilis na binigyan ako ng halik.

Biglang bumalik sa alala ko ang nangyari kagabi. Yung pag-amin ko sa kaniya at ang pag-amin niya sa akin. Then he kissed me and everything's happened!

"Nasan si Mark? Anong oras na?" agad akong kinabahan at bumangon.

"Wala, nasa kwarto ni Jhay. Doon na tulog. 7 palang, mamaya na tayong bumangon." muli niya akong hinila pahiga pero agad din akong bumangon.

"Anong mamaya na? Baka anong isipin nila kung tayo lang dalawa ang wala. Tsaka si Mark!" asik ko sa kaniya, pero tinawanan niya ako.

"Bakit? Ano naman kung anong isipin nila? Diba totoo naman? May nangyari satin at girlfriend na kita." malawak ang ngiti nitong sabi. Nanliit ang mata ko sa kaniya para maitago ang kaba.

"At sinong nasabi sayong tayo na?"

Nakita ko ang pagkawala ng ngiti sa kaniya. Gusto ko nalang biglang tumawa dahil sa biglang pagkasimangot niya.

"Hindi pa ba? May nangyari na satin at umamin na tayo sa isa't-isa ahh." imbis na sagutin siya ay agad tumayo ako dala kumot at kumuha ng damit ko bago pumasok ng banyo.

Malawak ang ngiti ko ng humarap sa salamin. Ramdam ko pa din ang sakit sa baba. He's my first.

Mabilis akong naligo bago lumabas ng CR. Nakabihis na din siya paglabas ko. Nalikom na din niya ang kama.

dumaretso ako sa tukador at nagsuklay sandali doon

"Hindi pa ba talaga tayo?" imbis na sagutin sya ay dumaretso ako sa tukador at nagsuklay sandali doon bago nilagpasan si Gelo at lumabas ng kwarto.

Nakasunod siya sa akin at paulit-ulit na sinasabi ang bagay na iyon pero paulit-ulit ko din siyang hindi sinasagot at pinapansin. Hanggang makababa kami. Dinig na dinig ko ang tawanan sa hapag kaya doon ako dumaretos, naka sunod pa din ai Gelo sakin. Pagkakita nila sa amin ay bigla siyang nagtahimikan, malaking ngiti ang ipinakita sakin ni Mika at Franz. Tumigil din si Gelo sa pangungulit.

"Daddy! Tita Criz!" si Mark ang nagbasag ng katahimikan. Nakaupo ito sa tabi ni Jhay habang kumakain.

"Kain na kayong dalawa, mukhang pagod na pagod kayo ehh." makahulugang sabi ni Franz na nasundan ng pang aasar ng iba sakin pero sumimangot lang ako at punta sa malapit sa upuan ni Mark pero nag-iwan ako ng isang space para kay Gelo.

Hihilahin ko na sana yung upuan pero inunahan ako ni Gelo na hilahin ito para sakin. Nanliit ang mata ko sa kaniya pero umupo pa din ako. Naupo na din si Gelo sa tabi ko nagsimula nang kumain at ganoon din ako.

"Daddy, I slept in Tito Jhay's room. Do you slept in our room with Tita Criz?" mahina ang ang pagkakatanong ni Mark pero umabot sa akin.

Bigla akong nabilaukan sa narinig, inabutan lang ako ni Gelo ng tubig at hinamas sa likod. Parang may anong kuryente ang dumaloy sa likod ko dahil sa kaniyang haplos.

"Naku, Mark. Magkaka mommy ka na." muling nanlaki ang mata ko sa narinig.

Halos bulong lang iyon ni Jhay kay Mark pero dinig ko pa din iyon. Agad na tumingin si Mark kay Gelo.

"Daddy? Is that true?" tawa lang ang naging sagot ni Gelo.

"Baby, kumain ka na muna okay? Mags-swimming tayo pagtapos." sabi lang nito sa anak.

Say Or Regret (Eleazar Series#2) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon