10th Chance

33 9 0
                                    

10th Chance

Sa sumunod na linggo ay tinuruan niya nga akong magluto. Hindi naman kami nahirapan sa ingredients dahil meron na sa bahay. Siya ang naghiwa ng mga mangga at ako naman ang sa tinapay. He demo how the mango pie fried before my turn. Sa unang attempt ko ay sunog ang tinapay ng mango pie. Sobrang itim nito at hindi mo na makakain pa.

"Isa pa." sabi niya at hininaan ang apoy.

Ginagawa ko naman ang sinabi niyang subukan ko ulit. Naka ilang try pa ako hanggang sa nagawa ko naman na talaga ng ayos. Tuwang tuwa ako, pati na din si Gelo.

"You did it!" he announced.

Tumawa ako ng pumalakpak pa ito at nakipag apir sa akin. Hindi din mawala ang kasiyahang nararamdaman ko kahit na lumipas na ang ilang araw. Minsan ay pinagluluto ko noon sila Ate at Kuya bilang meryenda namin, tinutulungan naman ako ni Manang para kung sakaling masunog.

"Enrollment nyo na ahh. Sinong kasama mong mag enroll? Si Gelo ba?" tanong ni Ate Nads sa akin, isang hapon habang nagme-meryenda kami.

Agad akong napatingin sa kaniya. Hindi si Gelo ang kasama ko, may usapan na kami nina Franz na magsasabay-sabay kami sa pag-e-enroll tulad ng dati. At sigurado din akong kasama ni Gelo ang mga kaibigan niya sa pag-e-enroll.

"Sila Franz ang kasama ko."

"Hindi si Gelo?"

Uminom muna ako sa juice ko bago umiling. Hindi namin napag-usapan ang pag-eenroll ngayong pasukan. Ni hindi ko din alam kung ganto pa din ang turing niya sa akin pag nasa school na.

Sunod-sunod ang tawag na natanggap ko mula sa mga kaibigan sa sumunod na araw. Sabay-sabay kaming magpapaenroll at tumawag sila para sabihin papunta na sa amin.

"Oo na, hintayin ko kayo." mabilis kong sabi at agad na pinatay ang tawag.

Maliligo palang ako dahil sa tinanghali ng gising. Kinuha ko isang itim na pantalon at isang pink tops. Gagala kami pagtapos mag-enroll. Iyon ang plano dahil ngayon nalang nalang ulit kami nagkita-kita ngayong bakasyon.

"Akala ko ikaw ang maghihintay sa amin, yun pala ay kami ang maghihintay sayo." sabi ni Franz ng makapasok ng kwarto ko.

Nagsusuklay palang ako ng dumating sila at ngayon ay nagsasapatos na.

"Ewan ko ba. Kanina pa yan inip na inip. May kikitain yata sa school!" ani Mika.

Doon ko lang sila nilingon. Pareho silang may dalang envelope pero ang kapansin-pansin doon ay ang suot ni Franz, na hindi naman niya pormahan.

"Wala ahh!" apila ni Franz.

Naiiling nalang ako. Kunwari ay naniniwala ako, at hindi na nagsalita.

"Sus, kunwari pa ehh. Para namang hindi ka namin kilala." sabi ni Mika at tumawa pa.

Tumayo ako ng matapos magsapatos at dinampot ang envelope ko kasama ang aking bag. Nang lingunin ko silang pareho ay nasa harap na sila ng salamin ko.

"Gusto mong itry?" ipinakita sa akin ni Mika ang isang liptint.

Kumunot ang noo roon at tinignan lamang. Hindi naman bago sa paningin ko ang ganoong bagay dahil kat Ate Nads. Nakikita ko siyang ginagamit niya ito dati.

"O'come on, para lang mawala yan paggiging maputla mo." nagkibit balikat lang ako sa sinabi niya.

"Tsaka, grade 10 na tayo. Hindi na to bawal, dali na." pamimilit niya na hindi ko na din naman hinindian sa huli.

Siya ang naglagay noon sa akin tsaka kami umalis ng bahay. Dahil hindi na naman ito ang 1st day ng enrollment ay konti nalang ang mga estudyante doon. Kaya mabilis din kaming natapos. Sinilip lang namin ang dating classroom at nagkayaan na kaming gumala.

"Ayala tayo ahh? Tapos Fora, may bibilhin ako." ani Mika.

Tumango nalang ako. Samantalang si Franz naman ay busy sa pagce-cellphone. Unti-unting bumangal ang lakad ko ng matanaw ang grupo nila Gelo. Lima silang puro lalaki at isang babae na si Anne. Ang tatlong lalaki sa kaniya ay kaklase din namin at ang isa ay si Jay.

"Iyon na ata ang kausap mo." dinig kong sabi ni Mika kay Franz.

Pati ko ay napatingin sa itinuro niya. Isang lalaki na malapit sa grupo nila Gelo. Nang bumalik ang tingin ko sa grupo nila ay nakita ko ang tingin niya sa akin. Bahagya pang itong ngumiti sa akin, pero hindi ko iyon masuklian.

"Sila Gelo." dinig ko sambit ni Mika na tila ba gulat ng makita ito matapos magpaalam ang apat naming kaklase at maiwan sila ni Jay.

Kita ko kung paano nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Gelo. Samantalang si Franz ay lumapit sa lalaki ka kakita niya yata. Nakikita na namin ito dati na kausap ni Franz.

"Ano meron?" taka pa nitong sa tanong ni Mika sa akin pero imbis na sagutin at nagpatuloy ako sa paglalakad patungo kita na Franz.

"Saan kayo punta?" napatigil ako sa paglalakad ng bigla siyang magtanong. Si Gelo.

"Ayala. Bakit?" si Mika ang sumagot.

Nang lingunin ko si Gelo ay nakatingin ito sa akin. Pakiramdam ko ay lalagutan ako ng hinga dahil sa kaba. Hindi ko alam na kahit na nasa school na ay walang magbabago. Akala ko ay hindi ako papansinin kaya eto ang ginagawa ko, pero mali pala ako.

"Sama ako?"

Gusto kong tumawa sa sinabi niyang iyon pero hindi ko ginagawa. Umiwas nalang ako ng tingin at hindi siya sinagot. Doon ako napatingin kay Jay. Tulad ni Gelo ay nakatingin din ito sa akin at nakangiti pa.

He smiled at me when I looked at him.

"Sama din ako." prisinta niya din pero mabilis na pumwesto so Gelo sa harap niya kaya sa kaniya na punta ang tingin ko.

"Hindi pwede, umuwi ka na." sabi nito sa kaibigan.

Hindi ko maiwasan ang pagtaas ng aking kilay sa pagtataka. Ano bang problema niya?

"Hindi, ayos lang naman kung sumama kayo." si Mika.

"No, ako lang ang sasama." mabilis na pahayag ni Gelo at walang sasabi niya akong inakbayan bago ginulo ang aking buhok.

Tumawa pa ito ng makita ang pagkainis ko. Pero kalaunan ay namalayan ko nalang na tawa kami ng tawang dalawa, tila ba may sariling buhay. Puro kami ang magkausap at nai-isapwera ang dalawa kong kaibigan. Mabuti nalang at kasama ni Franz si Ace at silang dalawa ang magkausap. Habang si Mika naman ay tahimik lang na nakamasid sa amin kahit katabi niya si Jay ay hindi niya ito kinakausap.

Nasa isang cafe kami nakatambay. Sumimsim ako sa aking strawberry shake bago muling humarap kay Gelo. Nakataas ako ng kilay ng makita ang tingin niya sa aking shake.

"Mukhang masarap yang shake mo. Pwedeng patikim?"

Medyo na gulat ako ng sabihin niya iyon pero nagkibit balikat lang ako at iniabot sa kaniya ang inumin. Pinanuod ko siyang uminom sa aking straw, ng matapos ay isinoli sa akin.

"Masarap pala yan. Eto ding mango shake ko, masarap. Gusto mong tikman?" sabi niya at inilahad sa akin ang shake.

Bahagya akong natawa sa kaniya. Sino ba naman ang hindi nakakaalam ng lasa ng mango shake? Pero kahit na ganoon ay kinuha ko pa din iyon.

"Tss. Sino ba namang hindi alam ang lasa ng mango shake?" dinig kong sabi ni Mika pero hindi ko iyon pinansin at sumimsim sa straw ni Gelo.

Mabilis na nag-init ang mukha ko dahil doon. Pumasok sa isip ko ang indirect kiss. Uminom siya sa shake ko at ako naman sa kaniya. Hindi ba indirect kiss ito?

Nang matapos akong uminom sa kaniya ay ibinalik ko iyon sa kaniya. Ngumuso pa ako para pigilan ang ngiti sa akin.

"Sarap diba?"

"Oo, masarap." sayo ehh, duduktong ko pa sana pinigilan ko lang ang sarili.

Say Or Regret (Eleazar Series#2) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon