20th Chance

29 6 0
                                    

20th Chance

Nakatingin ako pagkaing nakahain ngayon sa canteen. Namimili ng gusto ko.

"Ano sayo, Criz?" tanong sa akin ni Gelo, bahagya akong lumingon sa kaniya, hindi siya nakatingin sa akin o sa mga ulam sa harap kundi sa katabing si Momo. Hindi ko na iwasan ang pag irap bago sumagot.

"Chicken curry nalang at isang kanin."

"Sige."

Ilang sandali pa akong nasa tabi nilang dalawa ng matanaw ko ang isang bakanteng lamesa. Mabilis kong nagpaalam sa kanila na mauuna na roon, hindi naman nila ako pinigilan kaya agad naman akong umupo.

Kakaunti ang tao sa canteen dahil hindi naman sabay ang lunch namin sa junior high. Mula sa kinauupuan ko ay tanaw na tanaw ko ang mga grade 12 na naglalaro sa covered court ng school. Mukhang mga walang gawaing naghihintay sa kanila.

Napabuntong hininga ako sa naisip. Dapat sa mga oras na ito ay tapos na akong kumain at gumagawa na ng mga kailangan kong gawin.

"Criz?" agad akong napalingon ng marinig ang pangalan ko.

I saw Jhay standing at my side, he's looking at me while smiling. Ngumiti din ako pabalik.

"Himala, nandito ka. First time yata kitang nakita dito!" bulalas niya at hinila ang upuan sa akin tabi para umupo.

"Mag-isa ka? Patabi ako." duktong niya pa, bahagya nalang akong natawa sa kaniya dahil nakaupo na siya bago pa niya sabihin iyon.

"Ehem, hindi siya mag-isa. Kasama niya ako." pareho kaming napalingon nang dumating si Gelo sa aming table, hawak ang pagkain ko at ang kaniya.

Parang may kung anong tuwa akong naramdaman sa dibdib ko. He said I'm with him! OMG! Nakalimutan niya bang kasama din namin si Momo?

"Excuse me, kasama din ako." singit ni Momo na nasa likod niya.

Agad akong napairap ng marinig ito. Panira talaga! Tss.

"Ow!" si Jhay at agad na humalakhak ng tawa habang nakatingin kay Gelo.

"May bago na pala kayong chaperone!" duktong pa niya at muling tumawa. Sinamaan ko siya ng tingin, nang mapansin niya iyon ay agad siyang tumigil.

"Joke lang." bigla nitong sabi sa akin na tila nilalambing pa ako. Medyo na gulat pa ako sa ginawa niya dahil hindi naman kami close.

"Samahan nalang kitang maging chaperone nila, para kunwari double date tayo." duktong pa niya at bahagya akong tinisok sa tagiliran, napakislot ako sa kiliti at bahagyang natawa sa kaniyang ginawa.

"Oo na." sambit ko habang natatawa pa sa kaniyang pangingiliti.

"Stop it, Jhay." suway ni Gelo na ikinatigil ko sa pagtawa at pagtigil ni Jhay sa pangingiliti sa akin.

I looked at Gelo. Matama siya nakatingin sa akin na tila ba may mali akong nagawa. Inirapan ko siya at nag-umpisa nang kumain.

"Hayaan natin sila, babe. Bagay naman sila. Tsaka malay mo maging sila din sa huli." sambit ni Momo na nasa tabi niya. Muli akong napairap.

Malay mo kami sa huli? Bakit? Para masolo mo si Gelo? Asa ka girl!

"Talaga, Momo?" si Jhay.

"Bagay kami? Sa tingin mo pag niligawan ko si Criz, sasagutin ako?"  nanlaki ang mata ko sa narinig kay Jhay at nilingon si Gelo. Bahagya pa akong nagulat ng makita siyang nakatingin sa akin, na para bang binabantayan ang reaksyo ko sa narinig.

Nang makabawi ako sa tingin niya ay nilingon ko si Jhay na malawak ang ngiti sa akin. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

Tama bang itanong iyon harap ko? Alam ko namang alam niya kung anonang nanaramdam ko para kay Gelo.

"Why don't you asked her? Hindi naman ako ang makakasagot dyan." Momo said and cackled.

Agad akong nakaramdam ng inis. Pero bago pa man ako makapagsalita ng kung ano kay Momo ay naunahan na ako ni Gelo.

"I said, stop!" parehong natahimik si Momo at Jhay. Ako naman ay agad na lumingon sa kaniya. Kita ko ang inis sa kaniyang mukha.

"Just kidding, bro." sambit ni Jhay at humalakhak.

Akmang babalik ako sa pagkain ng maramdaman ang pag-akbay ni Jhay sa'kin.

"Pero malay mo naman may pag-asa ako. Diba, Criz?" sabi pa ni Jhay.

"I said, stop it! Or I will punch you!"

Humalakhak si Jhay sa narinig at agad na inalis ang kamay sa akin.

"Easy lang, bro. Titigil na nga." sabi pa nito.

Lalo akong nainis kay Gelo sa inasta niyang iyon. Tila ba wala akong karapatang magkaroon ng manliligaw o boyfriend, samantalang siya okay lang!

"It's okay to me, wala namang masama sa mga biro ni Jhay." matapang kong sabi at tumingin sa kaniya.

Nang magtama ang mga mata namin ay parang gusto ko nalang bawiin ang sinabi ko. Pero hindi. Nakipagtigasan ako ng tingin sa kaniya.

"She's right, babe." sambit ni Momo.

Doon lang ako napabitiw ng tingin sa kaniya. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng ganang kumain. Hindi yata talaga dapat ako sumabay sa kanila.

"Busog na ko. Mauna na ako. Salamat sa lunch." Mabilis akong tumayo sa aking upuan at agad na nagpaalam sa kanila.

Narinig ko pa ang pagtawag ni Jhay sa akin pero hindi ko na sila nilingon pa at dumaretso sa aming classroom. Pagkaupong-pagkaupo ko palang sa aking upuan ay agad nang nagbagsakan ang aking mga luha.

Naiinis ako. Naiinis ako kay Gelo. Ehh ano naman sa kaniya kung manligaw si Jhay sa akin? May girlfriend na siya! Wala na dapat siyang pakealam sakin!

Say Or Regret (Eleazar Series#2) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon