2nd Chance

58 14 0
                                    

2nd Chance

"Wahhh! Ang saya! Nakasurvive tayo sa 1st grading!" masayang pahayag ni Franz. Napailing nalang ako, bakas sa kanilang mukha ang kanilang tuwa.

"Huy!! Hindi ka ba manlang natutuwang tapos na ang pagdudusa natin?!" tanong sa akin ni Franz na tila ba hindi makapaniwala sa reaksyon ko.

Ni hindi ako nagdidiwang o mukhang natutuwa. Bagkus, mas nagmumukha pa kong pinagsakluban ng langit at lupa.

"Bakit? Ano bang gusto mong makita? Magtatatalon ako sa tuwa? O magpahanda ako? I'm sorry to tell you, I don't have a money to that. Duh!" mataray kong sabi.

Hindi ako natutuwang tapos na ang first grading, dahil first grading lang naman ang natapos may 2nd, 3rd at 4th pa. Kung matapos man yun, hindi pa din ako matutuwa. Grade 9 kami at may grade 10, senior high at College pa, hanggang hindi pa kami tapos ay hindi ko magdidiwang. Masasayang lang ang energy ko mas mabuti ng sa pag-aaral ko ito igugugol kesa sa iba.

"Grabe naman! Wala namang masamang mag saya kahit minsan! Try mo! Para di ka natatabunan ng kadiliman!" asik nito sa akin. Napairap nalang ako at umub-ob.

Wala pa naman ulit ginagawa ngayon. Siguro dahil kakatapos lang ng exam. Sa ngayon eenjoyin ko muna ang aking pagtulog.

"Hindi ka ba sasama samin pumunta ng canteen?" napaangat ako ng tingin kay Mika na nagtanong sa akin.

Nakatingin ito sa akin at tila hinihintay ang aking isasagot. Tanging iling lamang ang aking isinukli bago muling umub-ob sa aking arm chair. Natatamad akong lumabas, gusto ko munang matulog.

Mabuti nalang at hindi naman nila ako pinilit na sumama. Ilang sandali pa ay agad kong naramdaman ang pagkauhaw. Sinubukan kong magpabili sa mga kaklase kong maaaring pumunta ng canteen pero wala. Kaya naman, no choice kung hindi akong mag isa ang punta roon.

Hays! Sana pala nagpabili na lang din ako kina Mika.

Kung sa iba, nakakahiyang maglakad mag isa sa hallway papunta ng canteen. Para sa akin ay hindi, sanay na naman akong mag-isa pero dahil madalas na nandyan si Franz at may nakakasamang na napagtiisan ako.

Madaming estudyante ang nasa canteen, ilang sandali akong napatigil para tignan kung naandoon ba sila Franz, nang makita kong wala ay sinubukan ko sumiksik sa mga kapwa ko estudyante. Nakakailang hakbang pa lamang ako ng may bigla akong naramdamang kamay na humawak sa palapulsuan ko.

"Halika na nga. Ililibre na kita." sabi ng humila sa akin.

Boses iyon ng isang lalaki, at tila marinig ko na iyon dati. Mabilis akong natangay ng kanyang paghila, papunta sa tapat ng mga pagkain na tinda.

"Pili ka na. Ano bang gusto mo?" muli niyang tanong.

Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa lalaking humila sa akin. Parang tumigil ang mundo ko ng mamukhaan kung sino iyon. Siya ang lalaking nakita kong nakatayo sa labas ng isang room at siya rin ang lalaking pasaway na bigla nalang nagkunwaring may pinulot sa aking harapan. Tsk.

May kung anong kaba akong naramdaman sa aking dibdib. Pero agad ding nawala dahil sa aking mga naalala.

"Heto---Sino ka?!" gulat niyang tanong ng biglang lingunin ako.

Nagulat. Marahil dahil hindi niya inaasahang ibang tao ang kaniyang hinila. I can't help but to rolled my eyes.

"Tss. Double check mo kasi minsan kung tama bang tao ang hinihila mo. Para naman hindi ka makapang istorbo ng iba." malamig kong sabi na may halong inis.

"Oh? Edi para hindi sayang oras mo. Ililibre pa din kita." he said with a smile.

Para akong na hypnotize sa kanyang mga ngiti, from his thin redish lips plus his tan skin. Sama mo pa yung height niyang may pagkataas para sa kaniyang edad.

"So what do you want?" he asked again.

Hindi sana ako sasagot, pero dahil libre niya ay susulitin ko na.

"Sigurado ka ahh?" pagsisigurado ko at tumango naman siya habang nakangiti.

I smirk secretly and looked around. Swerte, madami pa naman akong gustong kainin ngayon.

"Gusto ko ng isang burger, turon, egg pie, prutees, banana chips, vinegar bangus, chocomucho, delight at tubig. Yun lang." malamig ko pa ding sabi sa kaniya, nakita ko naman ang pagngiwi niya na ikinataas ng aking kilay.

Bakit? Masyadong madami noh?

"Ang dami naman. Wala nakong pera ihh." awkward na sambit niya at nagkamot pa ng ulo.

Kahit alam kong madami talaga ang sinabi ko ay hindi ko pa din maiwasang mabigla. Sinabi niya talaga iyon ng walang pag-aalinlangan at parang hindi nahihiya sa akin. Parang gusto kong matawa at maawa at the same time sa kaniya dahil doon.

"Then, tubig nalang." final kong sabi.

"Joke lang. Sige na, hintayin mo ko sa isang tabi, bibilhin ko lahat ng sinabi mo." natatawa niya sabi na ikinunot ng noo ko.

What? Gagawin niya talaga? Like what the heck?!

Tatawagin ko palang sana siya upang pigilan ngunit agad na siyang nakalayo at natabunan ng mga estudyanteng nagsisidaan.

Wala na akong nagawa kundi ang mapakamot na lamang ng ulo at tumulala sa court. Wala naman akong inisip kundi ang lalaking ililibre ako ngunit hindi ko pa alam ang pangalan.

Ilang sandali pa ay napatulala ng may isang lalaking nag abot sa akin ng isang plastic bag at dalawang bote ng tubig. Hindi ko maiwasang mamangha sa kaniya. He really did it!

"Seryoso kang sakin lahat 'to?" pagsisigurado ko. Hindi parin ako makapaniwalang sineryoso niya.

"Yeah,"

"Babayaran ko to lahat. Nakakahiya."

"Hindi na. Saan ba ang room mo? Ihahatid nakita." sabi niya pang muli na lalo kong ikinagulat.

Aangal pa sana ako, pero dahil nilibre niya ako at ayaw pabayaran ay sinabi ko nalang din.

"Section H." sagot ko naman sa kanya.

Walang pag aalinlangan niya akong sinamahan hanggang sa pinto ng aking room. Parang may kung anong pagkagusto sa kanya ang nabuo sa loob ko.

"Ahh, thank you nga pala ulit sa paglilibre. Ingat ka nalang sa susunod para hindi na maulit yung ganun nangyare." awkward na sabi ko. Nakita ko naman ang pagtango niya.

"Pasensya na din talaga. By the way, I'm Angelo, Gelo for short." nakangiti niya sabi at naglahad pa ng kamay na agad kong tinanggap.

"Crizza." pakilala ko din.

Parang may kung anong kuryente akong naramdaman sa paghawak ko sa kanyang kamay. Napakalambot noon para sa isang lalaki, nahiya naman daw ako dahil doon.

"Huuuyyy! Kaya pala ayaw mong sumama samin ha."

"Oo nga! May iba ka palang kasama!"

"Shet! Ang gwapo beh! Nakita namin! Nag shakehands kayo! Ayiiieee!" sunod-sunod na panggagatong sa akin nila Franz ngunit hindi ko inimik ang topic na iyon, lalo na ng asarin pa nila ako dahil sa mga pagkain na bitbit ko.

Mas na una pa nilang pinagtitignan ang laman kesa sa akin, na hinayaan ko naman. Hay nako.

Muling bumalik sa alaala ko ang pagse-shake hands namin. Doon ko lamang naramdaman ang ganoon, tila ba nagkakaroon ako ng gusto sa kaniya. Kaagad!

Say Or Regret (Eleazar Series#2) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon