31st Chance

26 7 0
                                    

31st Chance

"Oh, ayan. Hindi lang ikaw ang single sa outing. Tatlo kayo." napasimangot nalang ako at uminom ng beer ko.

Matagal din kaming nag stay dun. Kwentuhan at kung ano ano pa. Doon ko lang din nalaman na may plano pala si Paolo sa araw ng outing at iyon ang dahilan kung bakit nagtagal kami sa bar.

They talked about the plan. Mag po propose siya sa araw na iyon at lahat kami ay kasabwat kaya pala bawal ang bata. Mga bandang 10pm ng may tumawag sa cellphone ko, medyo tipsy na din ako noon kaya walang sasabi-sabi ko iyong sinagot at hindi na nag abalang lumayo pa sa kanila.

"Hello, sino to?" tanong ko sa tumawag. Agad akong tumalikod sa mga kasama ko ng makita ang pagtingin nila sa akin ng marinig iyon.

"Crizza, it's me Calvin." agad akong napangiti ng malamang si Calvin iyon.

"Oh, Captain, Saan ba ang naging flight mo?"

"Kakalapag lang ng flight namin dito sa Caticlan. Tatanong ko na ba kung nakauwi ka na?" napakamot ako ako sa pisngi ko.

"Hindi pa, Cap. Nagkayayaan lang uminom ng onti, pero uuwi na din ako maya maya." I told him.

"Ahh, good." napatango nalang ako kahit hindi niya nakikita at handa na sanang patayin ang call pero mili siyang nagsalita.

"Crizza?"

"Yes, Cap?"

"Kailan ka ulit available?" agad akong napakunot ng noo sa tanong niya.

"For next date?" I said and cackled.

"Seems like that?" muli akong natawa ng mahimigan ang hiya sa kaniya.

"Akala ko ba i-che-check mo lang ako kung safe ba akong naka uwi? May pa don't get me wrong ka pa." hindi ko alam kung anong demonyo ang sumapi sa akin ng sabihin ko iyon. Marahil dahil sa alam.

"Yun ay kung okay lang naman. Pero kung hindi..." he paused, "Okay lang din."

"Okay, Cap. Saturday, same time same place. Bye, good night." mabilis kong sabi at agad na pinatay ang tawag. Napapikit ako ng madiin at bahagyang napayuko dahil sa hiya at gigil sa hindi ko malamang dahilan.

"Shit. Taena ka, Crizza." bulong ko sa sarili ko.

Ilang sandali pa akong nakatayo doon at huminga muna ng malalim bago humarap muli sa lamesa namin. Halos mapatalon ako ng lahat sila ay nakatingin sa akin na tila pinapanuod ko. Malaki ang ngisi ni Mika at Franz sa akin na tila ba may ibig sabihin.

"Why are you all looking at me?" iritadong sabi ko at mabilis na bumalik sa aking upuan.

"Kilig na kilig? Sino yung si Calvin? And anonnga ulit yun? May date kayo sa Saturday?" sunod-sunod na sabi ni Franz na agad nagpainit ng aking mukha.

"So? Ayaw nyo nun, mag kaka love life na ko." natatawa kong sabi para maitago ang hiya.

"Good for you." nagulat ako ng sabihin iyon ni Jhay.

"We are all happy na finally, sinusubukan mo ng i open ang puso mo para sa iba." duktong pa nito at pasimpleng tumingin kay Gelo. Kaya hindi ko din maiwasang mapatingin dito.

Nagtama ang mga mata naming dalawa. Hindi ko alam pero malamig na titig lang ang nakita ko sa kaniya. Siya ang unang umiwas ng tingin at uminom sa kaniyang inumin.

"Yeah, right. Happy kami for you." sabi naman ni Franz.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay alam nila ang nararamdaman ko noon for Gelo. Pero sabagay, hindi naman iyon tago, sadyang indenial lang ako.

Say Or Regret (Eleazar Series#2) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon