36th Chance

34 10 0
                                    

36th Chance

Tahimik lang kaming naglalakad ni Gelo patungo sa resort. Buhat-buhat ko si Mark at si Gelo naman ang may dala ng mga gamit ko at gamit nilang mag-ama. Tahimik lang ako at hindi umiimik, lalo na sa huli naming na pag-usapan.

Sa isang ancestral house ng girlfriend ni Paolo sa Batangas kami. Sabi kasi ni Paolo ay madami silang memories doon kaya ito ang napili niya. Sa labas palang ay kitang kita na ang ganda ng bahay at malaki talaga.

Pagpasok namin ay nakita ko agad sila Franz doon, hindi pa nakakapasok sa mga room nila dahil nandoon pa ang mga gamit nila. Pakiramdam ko tuloy ay hindi totoo ang sinabi ni Gelo na halos 30 minutes na din silang bumabas ng Van dahil narinig ko pa ang pagsara noon.

Nang makita nila kami ay narinig ko agad ang mahihinang panunukso nila sa akin. Sumimangot lang ako at tumabi kay Franz sa bakanteng upuan malapit sa kaniya. Gising na si Jace at nakikipaglaro na sa anak ni Mika, Anne at Momo. Pagkaupo ako palang ay agad na gumalaw si Mark at nagising ito.

"Tita Criz?" tawag nito sakin.

"Yes, baby?" umiling ito at luminga-linga sa paligid na tila ba may hinahanap. Nang hindi nakita si Gelo bigla itong umiyak at yumakap sa akin ng mahigpit.

"Why baby? Do you had nightmare? Shhh." niyakap ko siya at inalo. Paulit ulit kong sinabi sa kaniya na hindi iyon totoo at panaginip lang iyon. Hanggang sa lumapit na si Gelo sa amin.

"Bakit siya umiiyak?" agad niyang tanong

"Nanaginip." mabilis niyang kinuha sakin si Mark pero masyadong mahigpit ang pagkakayakap nito sa akin kaya wala na siyang nagawa kundi ang pumunta nalang sa likod ko para makita si Mark.

Sinabi niyang tumahan na ito at hindi totoo ang panaginip nito, ganoon din ako. Hanggang sa unti-unti na itong kumalma at tumahan. Sumama na ito kay Gelo at kalaunan ay nakipaglaro na din kina Jace.

"Lagi ba siyang ganyan?" tanong ko kay Gelo habang pinapanuod na makipaglaro ai Mark. Umiling ito.

"Hindi naman. Ngayon lang." sagot niya. Napabuntong hininga nalang ako habang napapatango.

"Guys, nagka problema tayo sa mga rooms. 10 yung meron pero ginawa na palang bodeha ang isa, kaya 9 rooms nalang yung available ngayon." biglang sumulpot si Paolo at sinabi iyon sa amin.

Agad akong napaisip kung bakit madami ang rooms ang kailangan. Bigla kong naalala na wala akong ka share sa room at ganoon din si Jhay. Si Gelo naman ay si Mark ang kasama. At 7 silang may pamilya at kasamang jowa.

"Daddy, pwede ko bang katabing matulog si Tita Criz?" nagulat ako ng biglang itanong iyon ni Mark kay Gelo sa harap ng mga kaibigan namin. Agad na may sumilay na ngiti kay Paolo at kina Franz.

"Okay na pala, guys. Alam ko na kung sino yung magsi-share ng room." nanlaki ang mata ko sa narinig.

Agad akong kinabahan. Sandali nilang pinahanda ang rooms sa mga katiwala doon hanggang sa hinatid na kami ng mga ito sa kaniya kaniyang kwarto. Nagulat nalang ako ng sabi ni Paolo sa akin na share ako sa kwarto nila Gelo tutal ay gusto akong katabi ni Mark. Makikisingit pa sana si Jhay sa usapan ng hilahin ito nila Franz at Mika.

Kaya wala na akong nagawa ng nasa room na kaming tatlo nila Mark at Gelo. Tuwang tuwa si Mark na tumalon sa malaking kama, habang ako ay napapalunok nalang. Walang sofa o kahit ano doon, kama lang, isang upuan sa harap ng tukador at kabinet. May CR na din sa loob ng kwarto.

Kinuha ko ang bago ko at nagsimula nang mag ayos ng gamit ko sa kabinet kahit na bukas ng hapon ay uuwi na din naman kami. Maya maya ay tumabi sa akin si Gelo at inayos na din ang gamit nilang mag-ama.

"Okay ka lang ba na kasama mo ko sa kwarto?" tanong niya sa akin habang nag-aayos.

"I don't mind." pag sisiinungaling ko kahit na paulit-ulit pa din sakin ang sinabi niya kanina.

"Bakit hindi mo nalang ako pakasalan? Para mas maalagaan mo siya ng ayos?"
"Bakit hindi mo nalang ako pakasalan? Para mas maalagaan mo siya ng ayos?"
"Bakit hindi mo nalang ako pakasalan? Para mas maalagaan mo siya ng ayos?"

Saktong pagtapos naming mag-ayos ng mga gamit ay kumatok ang isang katiwala para sabihing kakain na ng lunch. Tanghali na din kasi ng dumating kami.

Nauunang maglakad si Gelo at Mark sa akin. Kitang kita ko ang saya kay Mark, parang ngayon lang yata nga makakabonding ng matagal ang Daddy niya.

Madaming pagkain ang nakahain sa lamesa. Puro meat at may mga sweets din. Napamura nalang ako sa isip ko. Siguradong sira ang diet ko nito.

"Kain lang kayo, guys. Mamaya swimming tayo sa dagat." sabi ng girlfriend ni Paolo. Tumango ako kahit konti lang ang kinuha ko para sa akin.

Nilingon ko si Mark, wala pang laman ang plato niya kaya ako na ang kumuha ng kaniya. Dinamihan ko iyon para naman tumaba siya at maging malusog.

"Ubusin mo to ahh? Para maging strong ka tulad ni Captain Barbell na malaki ang katawan." sabi ko kay Mark, tumango naman ito at nag-umpisang kumain. Narinig ko ang tawa ni Franz sa gilid.

"Captain Barbell nga ba o ibang Captain?" natawa nalang ako sa sinabi niya at hindi siya pinansin tsaka kumain.

Nagulat ako ng dagdagan ni Gelo ang laman ng plato ko.

"You should eat more No diet muna." he whispered, napasimangot nalang ako.

"Naku, sira ang bikini photos ni Criz niyan." dinig kong sabi ni Anne na hindi ko inaasahan. Nagtawanan ang mga babae, at nagkaingay na dahil pare-pareho kaming madami ang laman ng plato.

Nang matapos sa pagkain ay nagpuntahan muna kami sa kaniya kaniyang kwarto para magpalit. Sa CR ako nagpalit at ang mag-ama ay sa labas nalang.

Two toned 2 piece ang sinuot ko, black and white halter top at nagknitted see through for cover up. Paglabas ko ay nakabihis na si Gelo at Mark, tulad sila ng suot at design. Bulaklakin na polo na may nakasabit na salamin at swimming shorts.

"Look, Tita. Tulad kami ni Daddy." sabi ni Mark at tinuro ang damit nilang mag-ama.

"Wow, oo nga. Ang gwapo mo lalo. Bagay na bagay sayo!" I compliment him. Tuwang tuwa siyang lumabas para ipakita iyon sa mga kalaro.

Maging sila Anne ay tuwang-tuwa din dahil tulad si Gelo at Mark. Doon ko lang din nalaman na ito ang unang beses na ginawa niya ito at ang unang beses na sinama ang anak sa outing na kasama ang barkada.

Madami ang tao sa dagat dahil sa gilid ng ancestral house ay may resort. Nagpapapicture kay Franz ng lumapit si Jace sa kaniya at nagsabing napupupu ito kaya binalik ni Franz ang cellphone ko sakin. Tinitignan ko ang mga kuha niya ng lumapit si Gelo.

"Kailangan mo ng taga kuha ng picture?" agad akong umiling sa kaniya.

"Hindi na, okay na to. Mamaya nalang ulit pagkapalit ko." sabi ko habang tinitignan pa din ang mga kuha ni Franz. Hindi na nagtangkang sulyapan pa ito dahil sa kaba. Wala na ang suot nitong polo kanina.

"Bakit? Ilan bang two piece ang dinala mo?"

"5?" hindi siguradong sagot ko at naglakad pabalik ng cottage.

Kasama ni Anne si Mark dahil nasa dagat ito kasama ang anak niyang si Prince. Walang tao sa cottage pag dating ko doon, nakasunod pa din si Gelo sa akin. Nagpi picture ako para pang-myday ko ng agawin niya ang cellphone ko at siya ang kumuha ng litrato.

Kinakabahanman ay nagawa ko pa ding ngumit at magpose para sa picture.

"Tag mo ko pag pinost mo." napakunot ako ng noo sa sinabi niya.

"Hindi pa kita kita friend."

"Edi accept mo na ko para ma-tag mo ko." at dahil sa pangungulit niya ay napilitan akong i-accept siya at i-tag sa myday ko.

Halos magwala ang puso ko ng makitang nagreact siya dito ang nire-myday ang picture ko. Naglagay siya ng mga puso roon at may nakasulat na 'my beautiful sight.'. Nilingon ko siya pero ngiti lang ang isinukli nito sa akin, napasimangot nalang ako para itago ang ngiti ko.

Say Or Regret (Eleazar Series#2) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon