5th Chance

35 12 0
                                    

5th Chance

Naglalakad kami palabas ng school, kasama sila Franz at Mika. Hawak ko ang paper rose na galing kay Gelo, pinagmamasdan ang mga sorry na nakasulat dito.

"Sigurado ka bang hindi nanliligaw sayo si Gelo?" kanina pa paulit-ulit na tanong sa akin ni Franz at paulit-ulit din ang tanggi ko pero tila ba hindi siya naniniwala.

"Bakit ka bibigyan ng ganyan? At puro sorry? Ano yan? Wala lang?" she said, sarcastic.

Napairap nalang ako. Patuloy pa ding pinagmamasdan ang hawak. Isang simpleng papel na may kulay at sinulatan lang ito pero kita ko ang effort. Ilan na kayang babae ang na bigyan niya ng ganito? Siguradong madami na.

Ngumiti ako ng mapait sa naisip. But some how I feel happy about this paper flower and I don't know why. May mga natanggap na akong totoong bulaklak pero ang parang sa tingin ko ang nabigyan ko ng importansya.

"I think she's right, Franz." hindi ko pinansin ang pagsang-ayon ni Mika sa kanina ko pang pagtanggi at hindi pa din maalis ang tingin sa hawak.

I think, this kind of paper flower is more appreciable than those roses that we can buy in a store.

"Paano mo naman nasabi?" ani Franz.

"Look, Gelo is with Momo." agad akong natigilan sa sinabi ni Mika.

Mabilis na hinanap ang itinuturo niya kay Franz. Magkasama silang naglalakad tulad namin na palabas din ng school. Nagku-kwentuhan at tumatawa pa. I can't help but let go a bitter laugh. Muli kong ibinalik ang tingin sa hawak, halos na punit na iyon dahil paggusot ko at nawala na sa pormang rosas.

Did I say this a more appreciable? Of course not! This isn't appreciable! This is so cheap! Sa halagang piso ay makakabilis ka na ng colored paper at tutupi-tupiin mo lang ay makakagawa ka na ng rosas na papel! Walang-wala sa mga rosas na mabibili mo sa flower shop. Has a real petals and smells of the flower even if it's expensive.

I let out another laughed and look around. Humahanap ng basurahang maaaring pagtapunan. Hindi naman ako nabigo dahil agad na nakakita.

"Teka, saan ka pupunta?" natatarantang tanong ni Franz sa akin ng makita ang paglayo ko sa kaniya.

"Itatapon ko lang." ipinakita ko ang hawak at nagpatuloy sa balak.

Nakita ko ang pagkagulat sa mga nila. Tila ba nagtataka kung ano iyon pero nang siguro naisip na nilang pareho kung ano iyon ay nagkatinginan nalang at hindi na nagtanong pa sa akin.

Muli kong nilingon sila Gelo ng maitapon ang bigay niya. Agad akong nanlamig ng makita ang mga tingin niya sa akin bago sa basurahang nasa tabi. Mabilis akong umiwas doon at nanguna sa paglalakad kina Franz.

Papasok palang ako ng room ng mabilis akong harangin ni Anna. I scowled at her. Ano bang problema nito?

"Nanliligaw si Gelo sayo?" mabilis akong nagpakawala ng tawa sa tinanong niya. Kita ko ang pagkalito sa kaniya.

Hindi niya ba nakita ng lalaki kahapon? He's with Momo, and I'm sure nililigawan niya ito.

"Of course not!" muli akong tumawa.

"Anong hindi? Wag mo ng itanggi. Nakita ko kayi noong isang araw, magkasabay kayo umuwi."

Agad akong nakaramdam ng pait sa pinaalala niya. I want to correct her, pero hindi ko ginawa.

"E, kahapon ba? Nakita mo kung sino kasabay niya? Tss." napairap nalang ako ng hindi ito nakasagot.

Magpapatuloy na sana ako sa room ng muli niya akong pingilan. Muli ko siyang nilingon. Iritado na.

"What?" iritado kong tanong at tinignan ang kamay niyang nakahawak sa akin. Unti-unti naman niya iting niluwagan.

"Ibig bang sabihin walang namamagitan sa inyo?"

Muli akong napairap at tumawa ng mapait.

"Of course! There's nothing between me and Gelo."

Tatalikod na sana ako ng muli siyang magsalita.

"S-Sino ang kasama nya kahapon?"

"At bakit ko naman sasabihin? Find it woth yourself!" iritado akong sambit.

Papasok na sana ng tuluyan sa room ng biglang bumukas ang faculty na katabi ng room namin at iniluwa si Gelo doon. Kita ko ang pagkatigil niya ng makita akong naroon. Hindi ko napigilan ang pagkabilog ng mga mata ko lalo na ng makita ang buong atensyon niya ay napunta sa akin. Mabilis akong pumasok sa room ng makabawi, nasa loob na ako ng muli akong lumingon sa labas. Ganoon nalang ang pagka gulat ko ng makitang nakatingin pa din sa aking si Gelo.

Parang may kung anong bagay ang naglalaro sa tyan ko ng magtama ang aming mga mata. Tila ba may gusto itong sabihin pero hindi niya ginawa at dumaretso sa lakad. Napunta ang tingin ko kay Anna na nasa labas pa din dahil sa gulat. Nakita ko pa ang pagtawag niya kay Gelo pero nilampasan lamang siya nito. Tila ba walang nakita o narinig.

Agad akong nararamdam ng awa para sa kaniya. Hindi ko man alam ang nakaraan nila ay nakikita kong hindi pa din siya nakakamove on sa lalaki. But at the same nainis din ako sa kaniya, hindi na dapat siya umaasa sa lalaki dahil alam naman naming lahat na may pagkababaero ito at buwan-buwan yatang nagpapalitan ng girlfriend.

That was my last interaction with Gelo in that year. Mabilis kong tinapos ang lahat ng kailangan para matapos ang clearance at hindi na bumalik pa ng school. Ayaw na makasalubong pa ito.

Maaga ang naging bakasyon ko dahil doon, na mabilis ko ding pinagsisihan dahil maaga din akong nakaramdam ng pagka bored sa bahay. Wala ding sila Franz at Mika, parehong nasa bakasyon ang pamilya kaya wala din akong mapuntahan.

Maingay ang buong salas kung nasaan sila kuya at ang mga kaibigan niya. Mga naglalaro ng online games at kung ano-ano pa. Minsan lang silang magsama-sama dahil magkakaiba na ng pinasukang eskwelahan ngayong kolehiyo kaya ganoon nalang ang ingay nila pagmagkakasama.

Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagtawag sa akin ni kuya. Mukhang may iuutos. Mabilis akong bumaba ng hagdan pero agad ding natigilan ng makita ang lalaking dahilan ng maaga kong pagkaboring sa bahay. Si Gelo may dala itong kung ano at nakatingin kina kuya.

"Kuya." tawag ko kay kuya ng makababa.

Kita ko ang pagkagulat ni Gelo ng nakita ako, pero hindi ko ito pinansin.

"Criz, samahan mo ang kapatid ni Leo sa kusina. Nagpadala siya ng pagkain para sa amin." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni kuya.

WTF? Bakit ako pa?

"Dali na, wag ng sumimangot dyan!" napairap nalang ako sa sinabi pa nito.

Wala akong nagawa kundi ang magmarcha patungo ng kusina kasama si Gelo. Tss.

Say Or Regret (Eleazar Series#2) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon