39th Chance

35 8 0
                                    

39th Chance

"Naku, lagot ka. Kanina ka pa nyan hinahanap tapos makikita kang kasama si Calvin. Malamang magseselos yun." sabi ni Franz.

"Oo nga, siguradong LQ yan yan. Naku, kakaamin nyo palang sa isa't-isa kagabi." duktong ni Mika. Sinumangutan ko nalang sila at pumunta ng cottage.

Si Jhay lang ang naroon. Malaki ang ngisi niya sa akin.

"Makikipagkita ka pala kay Calvin kaya ka lumabas ahh. Kaya pala hindi mo sinasagot yung tanong ko kanina gawa pala ni Calvin." sabi niya at tumawa pa.

Kumunot ang noo ko sa kaniya, nadagdagan pa ng inis sa sinabi niya. Pero imbis na tigilan ako ay lalo pa niya kong inasar. Kaya sa inis ko ay dinampot ko ang basong nasa harap ko at nagkunwaring ibabato sa kaniya.

"Oy! Joke lang! Ito naman pikon!" tumawa siya. Umirap ako.

"Bwisit ka kasi." singhal ko at binaba ang bason

Kinakabahan na nga ako kay Gelo na baka nga magalit ito sa akin, inaasar pa ako ni Jhay. Nakakairita lang.

"Makaalis na nga dito. Baka mabato pa ko ng baso." natawang sabi ni Jhay. Muli akong umirap.

"Babatuhin talaga kita, kung hindi mo ko titigilan!" tumawa lang ito.

Ilang sandali pa akong naiwang mag isa sa cottage. Nawalan ako nang ganang magswimming dahil nasa isip ko ang ipapaliwanag kay Gelo. Nakatingin lang ako sa basong hawak ko kanina.

"Tita Criz, san ka galing? Hindi ka magsi-swimming?" napalingon ako kay Mark ng lumapit ito sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya at kinalong siya. Basa ang damit niya kaya nabasa din ako.

"Naglakad-lakad lang ako, baby. Magsi-swimming din ako pagbalik mo dun. Sasamahan kita." sagot ko sa kanya at inayos ang buhok niyang basa.

"Ehh sino po yung kasama mo kanina?"

"Kaibigan ko lang yun." tumango-tango siya

"Ahh. Akala ko po boyfriend mo ehh." umiling ako.

Nang bumalik siya sa dagat ay sumama na ako, inalis ko lang ang dress na suot ko. Sa mababaw lang kami kasama sila Jace. Nang mag lunch ay dinala ng mga katiwala nila Bea ang mga pagkain para sa cottage kami magtanghalian.

Hawak ko si Mark sa kamay nang umahon kami sa tubig. Nagulat ako ng salubungin kami ni Gelo, kanina pa ito umahon. Binalot niya sa tuwalya si Mark at binuhat patungo sa cottage, agad akong napasimangot. Akala ko meron din ako.

Napalingon ako kina Jace na nasa mababaw na parte  parin ng tubig, kasama nito si Franz. Tila ayaw nitong umahon. Hindi ko mapigilan ang pagtawa dahil sa inis ni Franz sa anak.

Napailing nalang ako at tinungo ang cottage, nagulat ako ng makita si Gelo sa harap ko. Malamig ang tingin nito sa akin nang ilagay niya ang tuwalya niya sa balikat ko at ibalot iyon sa akin para matakpan ang dibdib ko bago siya tumalikod sa akin papuntang cottage. Para akong naistatwa sa ginawa niya at pinanuod siyang maglakad, pero ilang sandali lang ay tumigil ito at lumingon sa akin. Nang makitang hindi ako nalasunod ay bumalik ito at hinawakan ang kamay ko at hinila ako patungong cottage. Parang nag slow motion ang lahat at sinabayan pa ng kaba sa aking dibdib.

Kitang kita ko ang ngisi ni Jhay nang makadating kami sa cottage. Pinanliitan ko lang ito ng mata at umupo na din para kumain

Pagkakain ay nag-aya agad si Mark sa akin na bumalik ng dagat. Mga alas tres ng hapon nang masiahunan na kami dahil alas kwatro ang dating ng Van na susundo sa amin.

"Mauna na kayong maligo, baka lamigin pa si Mark." sabi ko kay Gelo, tumango lang ito at pumasok sa CR kasama si Mark.

Inayos ko ang mga madumi kong damit at ang iba pang gamit. Ang iniwan ko lang na nasa labas ay ang pampalit ko pag tapos maligo. Nang matapos sila ay ako naman ang naligo.

Say Or Regret (Eleazar Series#2) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon