Last Chance

75 8 1
                                    

Last Chance

Nag-i scroll ako sa facebook ng mahagit ang mata ko ng isang post. Post iyon ni Crizza, sandali ko iyong tinitigan. She's wearing a uniform of Flight Attendant with a big smile on her face. Matagal na din akong walang balita sa kaniya so I stalked his facebook.

Six years na din ang lumipas nang umalis ako ng hindi nagpapaalam sa kaniya para umuwi ng probinsya at doon mag-aral. Hindi ko manlang nasabi ang tunay nararamdaman ko para sa kaniya dahil alam kong may iba naman siyang gusto at hindi ako iyon. I know that she like Jhay at kung nandyan ako ay hindi uusad ang relationship nila.

I've been watching her since then, I've been curious about her. Lagi kong sinusubukanga magpapansin sa kaniya, lahat na yata ng kalokohan nagawa kopl para lang mapansin niya. At mukha namang effective.

"Halika na nga. Ililibre na kita." hinila ko siya ng makita kong mag-isa lang siya sa canteen. Grade 9 lang kami noon.

"Pili ka na. Ano bang gusto mo?" tanong ko ng nasa harap na kami ng pagpipilian ng pagkain.

"Heto---Sino ka?!" gulat kong sabi ng humarap ako sa kaniya para hindi siya magduda. Nakita ko ang pag kainis sa mukha niya dahil doon, at parang gusto ko nalang biglang mag sorry sa kaniya dahil sa ginawa ko.

"Tss. Double check mo kasi minsan kung tama bang tao ang hinihila mo. Para naman hindi ka makapang istorbo ng iba." masungit niyang sabi sa akin. Napangiti nalang ako sa kasungitan niya.

"Oh? Edi para hindi sayang oras mo. Ililibre pa din kita."  sabi ko at nilibre siya. Iyon ang ginawa kong move para mapalapit at makilala niya.

"Pasensya na din talaga. By the way, I'm Angelo, Gelo for short." nakangiting pakilala ko sa kaniya at naglahad pa ako ng kamay para mas maging pormal. Nakita ko ang pag aalangan niya noong una sa pakikipag kamay sa akin pero agad niya pa ding tinanggap.

"Crizza." she said.

Para akong baliw noon habang pabalik sa sarili kong classroom. Inaamoy ko pa ang kamay kong hinawakan niya, at amoy na amoy ko ang bango na nang galing sa kaniya. Idagdag pa ang lambot ng mga iyon ay hindi ko makalimutan.

Nanligaw pa ako ng kaklase niya para may dahilan ako lalong laging pumunta sa room nila bukod sa paglalaro ng mobile games kasama ang pinsan ko at mga tropa niya.

I always watched her everytime I went to their section. Napansin ko ang pagiging madalas niyang mag isa kahit na may mga close siyang kaibigan, she always choose to be alone.

"Sa mid tayo. Dali!" sigaw ng taga ibang section na kalaro din namin sa mobile games.

"Hoy, bawal maingay dito. May natutulog." agad ko siyang sinaway bago sinulyapan ang pwesto ni Crizza, tulog ito. Medyo nagulat pa ako ng tumingin ito sa gawi ko, mabilis akong ngumiti sa kaniya.

"Wait, lilipat ako ng pwesto." bulong ko sa mga kaklase nila at lumapit ako kay Crizza, para doon umupo.

Nakaub-ob ito.

"Sorry, maingay kami." mahinang sabi ko na alam kong narinig niya din naman dahil sa paglingon niya sa akin.

I was about to open a topic when Ana came. Parang gusto ko nalang siyang paalisin noon dahil nag uusap kami ni Crizza, pero hindi ko ginawa. I'm her boyfriend, ayokong isip ni Crizza na wala akong kwentong boyfriend.

After a week ay nakipag hiwalay din ako kay Ana. I know I hurt her but I don't even like her. I like Crizza, kaya nang makita ko itong pauwi mag isa at walang kasabay maglakad ay walang pag dadalawang isip ko siyang kinulit at sinundan kahit na iba ang way ko papunta sa kanila.

"Ano bang kailangan mo? Sabhin mo na." nagkunwari akong nag iisio bago siya sinagot.

"Baka naman pwede mo kong ilakad sa bestfriend mo?" hindi ko alam kung anong kabobohan ang pumasok sa isip ko at sinabi ko iyon. Agad akong nagsisi dahil nakita ko ang galit sa kaniya.

Say Or Regret (Eleazar Series#2) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon