29th Chance

25 5 0
                                    

29th Chance

Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa pinto ng aking unit. Ayoko mang bumangon pero nakakahiya sa mga kapitbahay ko na naaabala din.

"Bakit ba? Ang aga-aga eh!" iritado kong sabi kay Jane ng makitang siya ang kumakatok.

Sabado ngayon, kaya wala akong pasok. Pero heto siya at nambubulabog sa bahay ko.

"Naku naman, teacher. Tanghali na po." sabi niya at walang sabi-sabing pumasok ng unit ko. Napairap nalang ako habang sinasara ang pinto.

"Ano bang kailangan mo? Wala ba kayong date ng asawa mo? Umuwi kana at alagaan mo ang anak mo." iritado kong sabi sa kaniya. Tumawa siya.

"Ay, grabe siya! Iba na talaga pag malapit nang maging matandang dalaga." sabi niya at tumawa.

"Tsaka, for your information. Nasa biyenan ko ang anak ko kaya wala akong problema at nasa trabaho ang asawa ko." duktong pa niya.

She got married 3 years ago. Samantalang ako ay nagresign sa airlines na pinagtatrabahuhan ko at tinuloy ang pagtuturo sa mga bata. Dahil iyon naman talaga ang gusto ko.

"Alam mo? Kung mambu-bwisit ka lang, umalis kana."

"Kaya lang naman ako nandito ay para ipaalala sayong may date ka ngayon. Remember?" paalala niya.

Nanliit ang mata ko sa sinabi niya. At naalala ko ang sinabi niya noong nakaraan na may ipapadate siya sakin na kakilala niya.

"Ngayon ba yun? Pwede bang bukas nalang?"

"Hindi pwede, Criz! 29 kana oy! Sa mga kabatch natin, ikaw nalang ang napag-iiwanan!" agad akong napasimangot sa sinabi niya.

It's been 5 years when Gelo's got married. Simula nung araw na iyon dumalang na ako lalong umuwi sa bahay. Humanap ako ng place na malapit sa pinagta-trabahuhan kong airline. Sinubukan kong maging independent at nagawa ko naman, once a month ako kung bumisita sa bahay dahil nandoon na sila Mama at Papa. I stay there for 1-2 days and back to my place.

Simula ng lumipat ako malapit sa trabaho ko at hanggang ngayon ay wala na akong naging balita kay Gelo at sa asawa niya. Ang huli ko lang na nalaman ay sa Manila sila nanirahan dahil doon ang trabaho ng babae.

After 3 years in that situation, I decided to pursue my passion which is the teaching. Humanap ako ng mapapasukan ko na malapit na school sa bahay para doon nalang muna mag stay bago ako mag hahanap ng lilipatan ko. Habang bakante pa ako at wala pang trabaho ay nagreview ako for exam. And now I'm teaching at elementary school.

"Anong oras ba yun?" tanong ko.

"5pm."

"What? 5? Ano namang gagawin namin dun?? Hindi ba pwedeng 6? or 7? Para naman dinner, tapos uuwi na ako agad." inis kong sabi.

"Yan tayo ehh. Kaya siguro wala kaang nagiging boyfriend sa mga bina-blind date ko sayo dahil dyan!" napabuntong hininga nalang ko at pumayag sa gusto niya, dahil sa takot na baka ibalik niya pa ang lahat.

Simula ng kasal ni Gelo ay lalo akong nawalan ng ganang magka boyfriend. Kahit na halos sa isang buwan ay dalawang blind dates ang sine setup ni Jane para sa akin ay wala pa din. Madalas ay hindi ko sinisipot at nagdadahilan.

"I-sesend ko sayo ang place kung saan kayo magkikita at kung anong kulay ng suot niya. Mag dress ka ahh. Dapat red." sabi niya pa bago lumabas ng unit ko. Napairap nalang ako sa kaniya.

"Oo na."

"Wag mong subukang mag-iba ng kulay, naku!" napairap muli ako sa kaniya.

"Oo na, umalis ka na. Liligo nako." alos na kasi at ngayon niya lang siya aalis dahil susunduin niya pa daw ang baby niya.

Say Or Regret (Eleazar Series#2) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon