35th Chance

35 9 0
                                    

35th Chance

"Ikaw pala yung teacher ni Mark?"

"Ano lang, nabilin lang sila sakin last week. Madalas ko din kasing nakikitang walang sundo si Mark kaya sinasamahan ko." pagpapaliwanag ko dahil iyon ang totoo.

"Salamat." he said and smile at me.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa mga oras na iyon. Pakiramdam ko ay hihingalin yata ako dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

"You know her, Daddy?" biglang tanong ni Mark.

"Oh, yes baby. She's my highschool friend at kasama natin siya sa outing." sagot ni Gelo sa anak.

"Really?"

"Yes, baby."

"Yey, kasama natin si Teacher."

"You should call her Tita instead."

"Wow! Totoo teacher? Can I call you Tita?" natatawa akong tumango sa kaniya.

Napaka cute at inosente niya talaga.

"Ako na magbuhat niyan, nandun na sila sa Van." kinuha niya ang ecobag na dala ko at itinuro ang pinanggalingan nilang mag-ama.

Nakahawak lang si Mark sa akin habang nauuna namang maglakad si Gelo. Hindi ko maiwasang mapangiti sa naiisip na mukha kaming isang pamilya.

Agad akong pinagtutukso ni Franz at Mika nang makarating kami ng Van. Kumpleto na silang lahat doon at parang ako nalang talaga ang hinihintay.

"Huy, ano yun ha? Bakit ikaw ang may hawak sa anak niya kanina? May continuation na ba ang love story nyo?" bulong sa akin ni Franz. Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Wag ka nang magulo, baka marinig ka ng mga bata." tumawa lang ito at umupo na sa pwesto niya.

Nilaro ko sandali ang anak ni Franz at Mika bago Binati ang mga nasa loob, binati din ako ni Anne at Momo. Binati din ako nila Jake at Harold na kasama din ang mga girlfriend nila.

Sumilip ako sa loob kung saan pa ang bakante, sa likod nakaupo sila Anne at Momo kasama ang mga asawa nila, nasa 2nd row naman si Jake at ang girlfriend niya sa 3rd row naman sila Harold at ang puro bakante doon ay tabi lang ng bintana dahil 3 seats lang ang 2nd&3rd row. Sa 1st row naman ay sila Mika at Franz katabi ang mga asawa nila. Sa tabi naman ng driver si Jhay nakaupo at sa hiwalay na sasakyan sila Paolo at ang girlfriend niya.

Papasok na sana ako at para makaupo sa 2rd row dahil mas open ang bintana doon nang marinig ko si Mark.

"Daddy, san tayo uupo? Gusto kong katabi si Tita Criz."  agad akong napalingon nina Franz at Mika. Halos mapunit na ang mga pisngi nila sa narinig. Kaya inirapan ko lang sila pero tinawanan lang nila ako.

Pumasok na ako sa Van at umupo sa tabi ng bintana. Wala ng bakante sa tabi ko kaya kampante akong hindi ko makakatabi si Gelo.

"Sige, tatabi tayo kay Tita Criz mo. Pero promise mo sakin na behave ka lang." dinig ko pang sabi ni Gelo sa anak.

Nagulat ako ng kausapi niya si Jake na kung pwede umupu siya sa tabi ko at hindi naman ito umangal pati ang kaniyang girlfriend at lumipat ito sa tabi ng girlfriend ni Harold. Kaya nung umalis na ang sasakyan ay magkatabi kami ni Gelo habang kalong ang anak. Maingay sila Franz at Mika sa unahan, halata mong full energy pa dahil kakaumpisa palang ng byahe.

"Tita Cris?"

"Hmm?" nakatingin lang ako sa labas.

"Bakit hindi mo sinama sila Cath at Benj?" napalingon ako sa kaniya ng itanong niya iyon. Napatingin din ako kay Gelo na nakatingin din sa akin.

Say Or Regret (Eleazar Series#2) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon