7th Chance

39 11 0
                                    

7th Chance

"Oh? Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Ate Nads ng makita akong pababa sa hagdan.

Madalang akong lumabas ng aking kwarto lalo na pag may bisita si Ate Nads at Kuya Sean. Pero iba ngayon, mabilis pa sa alas kwarto akong nababa para lang tignan kung sino ang bisita.

"Wala, iinom lang ako ng tubig." palusot ko.

Sumilit pa ako sa salas at tinignan kung kaninong bisita ang dumating. Ganoon nalang ang pagkadisappoint ko ng makitang puro babae iyon at iilan lang ang lalaki. Mga bisita ni Ate. May iilang bumati pa sa akin ng makita ako.

Ang iba sa kanila ay madalas na dito dahil naging ex ni Kuya at dati din niyang kaklase ang ibang kaklase ni Ate.

"Tutal pupunta ka nalang din naman ng kusina ay tulungan mo na akong magdala ng pagkain sa kanila." at bago pa ako makaapila ay tumungo na siya ng kusina.

Naabutan ko siyang nagtitimpla ng juice sa isang pitchel. Sandali ko siyang tinignan bago tumungo ng fridge para sa tubig ko. Pumwesto ako sa harap ni Ate at pinanuod siya sa ginagawa.

She have a long wavy hair, and fair skin. Maganda si Ate at madaming manliligaw, ganoon din naman ako pero hindi ko ini-intertain dahil bata pa naman ako at wala sa isip ang mga ganoon.

"Bunso, kuha mo nga ako ng mga baso." utos nito sa akin.

Tinungo ko ang lalagyan ng baso at kumuha ng sapat para sa kaniyang mga bisita. Mag-iisang linggo nang wala si Manang kaya kami lang tatlo sa bahay. Wala rin sila Mama at Papa dahil sa ibang bansa ang trabaho nila.

"Padala nalang dun, susunod ako para sa pagkain." mabilis akong tumango sa sinabi ni Ate.

Nang maihatid ang juice ay mabilis akong umakyat patungo sa kwarto ko. Ganoon ang naging araw ko simula noong nakausap ko si Gelo. Nagbabaka sakaling mapaaga ang pagpunta ng kuya niya at hindi na umabot ng friday. Kaya ng isang araw bago mag biyernes ay ganoon nalang ang kaexcited ko.

Maaga akong naligo sa aras na iyon, kumpara sa halos magdidilim na ay doon palang ako nakakaisip na maligo. Pinili ko ang paborito kong damit para suotin at nag-ayos ng kaonti. Saktong kakatapos ko lang magsuklay ay narinig ko na ang ingay sa baba, siguradong mga kaibigan na iyon ni Kuya.

Nagmamadali akong bumaba ng hagdan para sana tignan kung tama ako kahit na sigurado na akong sila nga iyon. Nakakailang baitang palang ako ay dinig na dinig ko na ang kanilang tawanan. Agad na bumagal ang hakbang ko, mga boses babae ang mga iyon at hindi puso lalaki.

Ganoon nalang ang panglulumo ko ng tama ang naging hinala ko. Na mga kaibigan ni Ate ang mga nandoon.

"Criz, ikaw pala." si Ate Era ng makita ako.

Binati pa ako ng ibang kaibigan ni Ate. Kilala naman na nila ako dahil hindi tulad ng mga kaibigan ni Kuya ay mas madalas sila dito sa bahay.

"Dalagang dalaga ka na." puri sa akin ng baklang kaibigan ni Ate na si Miggy.

"Siguro may boyfriend ka na noh?" duktong pa nito.

"Naku, wala po. Wala pa sa isip ko ang mga ganyan." mabilis akong umiling.

"Naku, dapat lang. Bata pa itong kapatid ko noh!" biglang sumulpot si Ate Nads sa kung saan.

Agad na nagtawanan ang kaniyang mga kaibigan at kinantsawan siya.

"Sus! Hiyang hiya sayo, Nads!"

"Parang g7 o g8 palang may boyfriend ka na!"

"Hoy, iba yun noh! Hindi naman seryoso yon!" apila ni Ate at nagtawanan pa sila. Maging ako ay nakitawa na din.

"At ngayon? Seryoso na?"

Natigilan ako sa pakikinig sa kanila ng mahagip ng mata ko si Kuya Sean. Nakabihis ito at bagong ligo.

Saan siya puunta?

Walang sasabi sabi ko itong hinabol sa labas ng bahay. Hindi pa ito nakakalabas ng gate at iang hakbang pa ang layo roon.

"Kuya." tawag ko sa kaniya na agad niyang ikinalingon.

Katulad namin ni Ate ay may itsura din si Kuya. Habulin ng babae. Hindi kataka taka kung bakit ganoon nalang din ito kabilis magpalit ng girlfriend.

"Saan ka punta?"

"Dyan lang. Bakit?"

Napakamot ako sa ulo. Hindi ko alm kung paano ko itatanong sa kaniya.

"Hindi ba pupunta mga tropa mo?"

Nakita ko ang pagtataka niya sa tanong ko pero pinili pa ding sumagot.

"Hindi.." sambit nito at tinignan ako ng mabuti. Sinusuri sa kung ano ang magiging reaksyon ko.

I'm a bit disappointed, pero nagawa ko pa ding ipakitang wala lang.

"Kaka break lang ni Leo at ng isa sa mga kaibigan ni Nadine, kaya hindi sila pupunta dito." duktong nito at napatango nalang ako sa sinabi nito.

Akmang aalis na ng muli akong magtanong.

"Kailan sila pupunta?"

"Hindi ko alam. Bakit?" nahimigan ko ng pagdududa ang boses niya.

"Hindi nga? Kailan nga?"

Impossibleng hindi niya alam kung kailan.

"Bakit? May crush ka ba sa mga iyon? Dahil kung oo, hindi ko na sila papapuntahin kahit kailan dito." mabilis akong umiling sa sinabi ni Kuya.

"Hindi! Wala! May usapan lang kami ni Gelo."

"Sus! Siguraduhin mo lang."

"Totoo iyon, kaya sabihin ko na kung kailan." pangungulit ko at umirap pa sa kaniya.

"Bukas o sa isang araw." iritado nitong sagot at tila ba atat na atat ng umalis.

"Wala bang specific?"

"Wala bang specific? Really, Criz? Sabihin mo nga sa akin, si Gelo ba talaga ang kausap mo? O isa sa tropa ko?"

"Si Gelo nga!"

Napairap nalang ako sa kaniya at mabilis na tumalikod pabalik ng bahay. Kahit na niya masagot ang tanong ko, wag lang marinig ang kung ano pang sasabihin niya.

"Naku, malaman ko lang na hindi totoo yang dahilan mo. Malilintikan ka sa akin."

Naiiling nalang ako habang papasok ng bahay. Hindi naman ako nagtataka kung bakit ganoon nalang ang ayaw ni kuya sa akin para sa mga kaibigan niya. They're 6 years older than me. At halos lahat sila ay kilalang nagpapaiyak ng babae. Ang hindi ko lang maintindihan, kung bakit madami pa din ang nagkakagusto sa kaniya kahit na ganoon.

Naabutan ko pa ding nagtatawanan sila Ate ng makapasok ako. Kaibahan lang ngayon ay nanunuod na sila ng movie. Dadaretso na sana ako sa hagdan ng maagaw ng atensyon ko ang isa sa mga kaibigan ni Ate. Hindi ko ito madalas na papansin, ngayon lang.

Tahimik lang ito sa isang tabi, at siya lang ang hindi tumatawa sa buong grupo. Mabilis na bumalik sa isip ko ang sinabi ni Kuya.

"Kaka break lang ni Leo at ng isa sa mga kaibigan ni Nadine, kaya hindi sila pupunta dito."

Hindi kaya siya ang sinasabi ni kuya? Agad akong napairap sa hangin. Ibig sabihin lang siya ang dahilan ng hindi pagpunta ni Gelo dito ngayon. Tss.

"Ano ginagawa mo?" halos mapatalon ako ng marinig si Ate Nads.

Nakakunot ang noo nitong tinitignan ako. Doon ko lang napansin na matalim na pala ang tingin ko sa isang kaklase ni Ate. Mabilis akong umiling sa kaniya.

"Pumunta ka ng kusina, tulungan mo si Manang sa paghahain ng tanghalian natin." pag-uutos niya.

Mabilis akong tumango sa kaniya at pupunta na ng kusina, pero muli akong tumingin sa kaklase niya. Si Ate Rhia. Maganda ito at madaming manliligaw. Isa din siya sa hinahangan ko noon kaya minsan ko na ding sinabi kay Kuya na ligawan ito pero hindi niya ginawa. Siguro dahil sa tropa niya. Nagkibit balikat nalang ako at dumaretso ng kusina.

Say Or Regret (Eleazar Series#2) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon