8th Chance

37 11 0
                                    

8th Chance

Gabi na ako nakatulog sa araw na iyon, kaya naman tanghali na ng magising ako. Dahil nakaramdam ako ng gutom ay dare-daretso ako papunta ng kusina, hindi alintana ang itsura ko.

Nasa huling baitang na ako ng hagdan ng mapansin ang tawanan mula salas. Ganoon nalang ang panlalaki ng mata ko ng makita si Gelo sa aking harap. Nakatayo ito na tila ba kanina pa ako hinihintay.

"Good morning." he greeted me.

Mabilis akong napatakip sa aking bibig at napaatras. Kakagising ko lang, hindi pa nakakabihis, nakakatoothbrush o nakakapagsuklay manlang. Akmang tataas na sana muli ako ng bigla akong mapaisip. Bakit ako babalik sa kwarto ko para lang maligo at magbihis para sa kaniya? Sus, crush ko lang naman siya.

Mabilis akong humarap muli sa kaniya. Hindi na inalintana ang itsura.

"Anong ginagawa mo dito?" masungit kong tanong sa kaniya.

"Like what I've said, pupunta ako dito." he answered.

Tinaasan ko siya ng kilay bago umirap.

"Kahapon iyon at hindi ngayon." Sambit ko at agad na tinungo ang kusina. Sumunod naman siya agad.

"Yeah, I know. Nagpunta naman ako, pero tulog ka."

Agad akong natigilan sa sinabi niya. Nakatulog nga ako kahapon pag tapos namin magtanghalian at hapon na nang nagising kaya gabi na ako nakatulog.

"Tss."

"Kahit itanong mo pa kay Ate Nadine."

Hindi ko ito pinansin pag dating ko ng kusina. Daretso ako sa lalagyanan ng mga ulam at mabilis na naghain para sa sarili ko. May pritong hotdog at itlog doon.

Hindi ko alam kung naiinis ba ako sa sinabi niya o natutuwa. He really came like what he said. Pero masaklap lang at tulog ako. Nasa pala ay hindi nalang ako natulog. Aish!

"Hindi ka pa kumakain? May dala akong pagkain para sayo."

Agad akong pinamulahan sa sinabi, hindi ko na napigilan ang aking ngiti ng tumalikod ito sa akin at iniwan ako sandali sa kusina. Nakaupo ako sa isang upuan na pinaka counter kesa sa hapag na katabi nito.

Para akong baliw dahil sa ngiti. Pinipilit kong ngumuso para pigilan ang aking ngiti, sakto lang na naabutan ako ni Gelo na ganoon. May dala siyang isang paper bag.

"Here, nagluto ako ng ginataang adobo at mango pie para sayo."

Muli akong pinamulahan sa sinabi niya. Para sa akin? Totoo?

"Sus! Bulaan ka. Baka nga pagpiprito ng itlog hindi mo kaya!"

"Edi wag kang maniwala. Basta ako nagluto nito." he said and open the two containers in front of me.

Amoy na amoy ko ang mga ito na lalong nagpagutom sa akin. Lalo pa akong nagutom ng siya mismo ang maglagay sa plato ko ng ulam na mabilis ko ding nilantakan. Lalo akong hindi na niwalang luto niya iyon, dahil masarap.

"Masarap?" natigilan ako ng itanong niya iyon.

Hinarap ko siya.

"Oo. Halatang hindi ikaw nagluto." sagot ko na tinawanan niya lang.

Busog na busog ako ng matapos kumain. Mukhang iyon na din ang tanghalian ko.

"Next time na pupunta ako dito, tuturuan kitang magluto para maniwala kang ako ang naglito nitong ulam."

"Hmm, sige." pagsang-ayos ko.

"Lalo na nitong mango pie. Para pag nagkaboyfriend ako, ipagluluto ko din siya." malawak ang ngiti ko ng iduktong ko iyon.

Say Or Regret (Eleazar Series#2) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon