17th Chance

32 7 0
                                    

17th Chance

"Woy, meron ulit?" mabilis akong napatingin sa upuan ko ng sabihin iyon ni Mika.

Kakabalik lang namin galing practice para sa moving up, pero dahil nagugutom na ang dalawa ay dumaretso kami ng canteen ng hindi napapansin ng mga teacher.

Tulad ng sinabi ni Mika, natagpuan ko ang brownies at delight doon. At nasisiguro kong galing iyon kay Gelo. Simula ng magsimula kaming mag practice ng pag ma-marcha para sa moving up ay ganoon na ang ginagawa niya. Noong una ay harapan niyang ibinibigay sa akin pero ng lagi akong wala ay iniiwan niya nalang doon.

"Sigurado ka bang hindi kayo? O hindi mo siya manliligaw?" bahagya pa akong natigilan ng tanungin iyon ni Franz.

Hindi kami at hindi din siya nanliligaw sa akin. Iyon ang alam ko. Ilang beses ko ng sinubukang tanungin siya kung ano kami at kung ano ako sa kaniya pero lagi nalang na sa tuwing gagawin ko iyon ay nauunahan niya ako at sinasabing masaya siya at naging kaibigan niya ako. In short lagi nalang niya akong nape-friendzone, medyo masakit noong una pero sa tuwing kasama ko siya ay nawawala din iyon sa isip ko. Ang ipinagtatakha ko lang ay kung bakit wala pa din siyang girlfriend, minsan tuloy naiisip kong masyado niyang sineseryoso iyong sinabi niya dati pero ayos na din iyon kesa magkaroon ng kaagaw sa kaniya.

"Hindi nga." sambit ko at umupo na sa aking upuan tsaka doon umub-ob.

Sinubo ko ang pop corn sa bibig ko ng hindi inaalis ang tingin sa T.V. Sabado ngayon at panunuod ng movie ang ginagawa ko.

"Saan ka pala papasok?"

"Hmm?" doon ko lang naalis ang tingin sa TV ng magtanong si Gelo.

Nilingon ko siya sa aking tabi. Tulad ng mga Sabadong nagdaan ay narito siya. Hindi para tulungan ako sa mga activities kundi para mag movie marathon.

"Hindi ko alam." nagkibit balikat ako at muling tumingin sa pinapanuod.

"Panong hindi ko alam?"

"Hindi ako nag inquire o nag exam sa ibang school. Baka doon nalang ulit ako."

"Oh? Edi dun nalang din ako."

Mabilis akong natigilan sa narinig. Gusto kong lingunin siya pero hindi ko ginawa. Pinanatili ko ang tingin ko sa TV bago nagsalita.

"Bakit? Hindi ba nakapag-exam ka na sa OC? Bakit ngayon sasabihin mong sa TC ka nalang din?"

"Hmm? Nandun ka ehh." mabilis na nagkumahog ang puso ko sa narinig.

Dahil sakin? Wow.

"Tsaka di naman din ako dun pumasa." pero agad ding natigilan ang saya ng marinig ang idinuktong niya. Gusto kong matawa sa inis dahil sa sarili pero hindi ko ginawa.

"Hindi naman pala pumasa, dadahilan mo pa ko." sabi ko at tumawa pa para hindi niya mahimigan ang inis na nararamdaman.

Pakiramdam ko ay nawala bigla ako sa mood manuod ng movie at umakya nalang sa kwarto ko tsaka doon magmukmok.

"Hindi ko naman din talaga ipinasa dahil sayo." agad akong napairap sa narinig.

"Palusot mo!"

"Totoo naman." he even laughed.

"Tumigil ka nga! Mandiri ka nga sa pinagsasabi mo!" sabi ko at nagkunwari pang nandidiri sa kaniya kahit na ang totoo ay nagwawala ang puso ko. Tumawa lang siya ng makita ako.

Lumipas ang mga araw at naging maayos naman ang lahat. Masaya ang naging moving up, medyo malungkot din dahil madami ang lilipat ng school at sa malayo mag-aaral at kasama na doon ang dalawang kaibigan na si Mika at Franz. Mabilis ko ding natapos ang mga dapat tapusin sa school hanggang sa tuluyan na ngang magbakasyon. Madalas pa din ang pag punta-punta sa amin ni Gelo lalo na pag-araw ng Sabado.

Mabilis na pumasok sa isip ko ang birthday ni Gelo ng mapatulala ako sa kalendaryo namin. Bakasyon na, pahiwatig na malapit na ang nalalapit niyang kaarawan.

"Ate, kailan ka pala pupunta ng Mall? Sama ko." bungad ko kay Ate Nads ng makababa.

Nagmamadali akong bumaba ng makitang sa isang linggo na ang birthday niya at wala pa akong nabibiling regalo para sa kaniya.

"Abay ewan ko. Busy pa ako sa school. Kung gusto mo ikaw nalang mag-isa."

"Oh? Edi sige. Ako nalang." walang pag dadalang isip kong pagpayag.

"Bakit sigeng sige ka? May kikitain ka noh? Umamin ka nga!" agad na nanlaki ang mata ko sa bintang ni Ate.

"Hala! Wala noh!"

"Oh, edi isama mo si Gelo ng may kasama ka."

"Hindi na, kaya ko ng mag-isa." ngumiti pa ako kay Ate just to make her believe that I can go alone. Hindi naman na siya nangulit pa hinayaan nalang ako.

Pagbalik ko palang ng aking kwarto ay agad na akong nag-isip ng pwedeng iregalo sa kaniya. Shez! Ano nga kaya? Hindi ko alam na ganto pala kahirap mag-isip ng ipangreregalo sa kaniya!

Say Or Regret (Eleazar Series#2) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon