34th Chance

30 8 0
                                    

34th Chance

"Ma'am Criz, may seminar ako ngayon. Iiwan ko ulit yung mga anak ko sayo." pinuntahan ako ni Ma'am Ella at sinabi iyon.

"Sige, Ma'am. Palipatin mo nalang sila dito sa room ko.

"Salamat talaga, Ma'am Criz." sabi nito at bumalik sa room niya.

Pinalipat ko sa kabilang side ang mga estudyante ko at sa kabilang side ang kay Ma'am Ella. Nang makalipat ang mga estudyante ni Ma'am Ella ay umalis na ito.

Friday ngayon kaya nagpagawa lang ako ng isang activity at pinapanuod ko nalang sila ng Moana sa TV. Nanunuod din ako habang nakaupo sa likod at binabantayan sila.

Nagulat ako ng mag vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ng uniform ko. Nagtext si Calvin. Halos araw-araw itong nagtetext pero hindi ko nirereplyan.

Captain Calvin:
Bukas? Same place. Same time.

Nanliit ang mata ko sa text niya. Hindi ko pa pala nasasabi sa kaniya na may lakad ako bukas. Kaya mabilis akong nagtipa ng reply ko.

Ako:
Sorry, Cap. May lakad ako bukas ehh. Pasensya na.

Hindi ko na binasa ang naging reply niya doon at inopen ang gc namin. Nagulat pa ako ng mabasa ang chat ni Franz.

Franz:
Isasama pala namin si Jace bukas. Sama nyo din kids nyo

Na nasundan na mga chat nila Momo at Mika na isasama na din nila ang kanila. Alas otso ang call time namin sa Savemore. At sagot ni Paolo ang Van na mayroong 18 seats. Kaya kalong nalang ang mga bata.

Nang magtanghali ay nagsidatingan na agad ang mga sundo ng mga bata at katulad ng dati ay si Mark lang ulit ang naiwan.

Agad kong tinawag si Mark ng makita itong sasabas ng room Hindi niya dala ang bag kaya nahimigan kong pupunta ito ng canteen para bumili ng cheesecake at chuckie. Malapit lang ang room namin sa canteen kaya hindi siya mahihirapang bumili ng mag isa doon.

"Mark, where are you going?" tumigil ito at lumingon sa akin.

"Canteen po, bibili."

"Samahan kita?" sabi ko na bigla niyang kininailing.

"No need, kaya ko na po." mabilis niyang sabi at lumabas ng room, wala akong nagawa kundi ang sundan ito ng tingin papunta ng Canteen.

Maya maya lang ay bumalik itong plastic na may dalang dalawang cheesecake at dalawang chuckie. Napakunot ang noo ko sa kaniya, bakit ang dami naman yata niyang binili.

"Teacher." tawag niya sa akin ng makarating sa harap ko.

"Hmm?"

Pinanuod ko lang siyang kuhanin ang isang cheesecake at isang chuckie. Pero nagulat nalang ako ng iabot niya iyon sa akin.

"For you" sabi niya.

"Ha? Why? For what?" naguguluhan kong tanong dahil hindi ko ine expect iyon. Akala ko ay para sa kaniya ang lahat ng iyon. Tinanggap ko iyon.

"Kasi po ang bait bait mo sakin at lagi mo akong nililibre ng pagkain. Kaya ikaw naman po ang ililibre ko ngayon."

Parang may kung anong mainit na bagay ang bumalot sa puso ko. Umupo ako para maging ka level ni Mark.

"Mabait ka din kasi sa akin, kaya sinusuklian ko lang ang nakikita ko sayo." sabi ko sa kaniya at ngumiti.

"Thank you." duktong ko pa ay walang sabi sabing niyakap ko siya.

"Ang swerte ng Mommy mo sayo, kasi lumalaki kang mabuting bata." bulong ko bago kumalas sa yakap.

"Mommy is already in heaven." sabi niya at umupo sa isang upuan. Tumabi ako sa kaniya.

Say Or Regret (Eleazar Series#2) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon