16th Chance

24 7 0
                                    

16th Chance

Mas napadalas ang pagpunta ni Gelo sa amin pagka weekends. Hindi nalang Sabado siya naroon pati na din pag Linggo. He prepared something new every week, para may magawa kami at kung minsan ay niyayaya niya akong lumabas. Tulad ng magpapasama kunong bumili ng kung ano at minsan ay tinutulungan ako sa mga activities na hindi pa tapos.

Napataas ako ng kilay sa pagtataka ng sunod-sunod na tumunog ang kaniyang cellphone pero hindi niya iyon pinakealaman at nagpatuloy sa pagsusulat katulad ko. Tutok ako sa pagkelecture habang siya naman ay sinusulat ang isa ko pang lecture sa ibang subject.

Nilingon ko ang cellphone niya ng may pagtataka. Nakataob iyon kaya hindi kita kung kanino galing ang mga messages na natatanggap. Kunot noo ko siyang nilingon bago nagsalita.

"Hindi mo ba sasagutin?"

"Hindi. Gusto mo ikaw sumagot?" sabi nito at nilingon ako.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niyang iyon. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kaniya at binalik ang tingin sa aking notebook.

"H-Hindi. Ayoko. Nakakadistract lang k-kasi ang ingay."

"Ganun ba? Sige silent ko nalang. O gusto mo off ko?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Lalo pa ng damputin niya ang cellphone at akmang papatayin ito

"Wag. Silent mo nalang." mabilis kong sabi para mapigilan siya.

"Hmm. Sige, sabi mo ehh."

Mabilis na nag init ang mukha ko ng walang pagdadalawang isip niyang sinunuod ang sinabi ko. Hindi man lang pinag-isipan at agad na hininaan ang volume ng kaniyang cellphone, bago muling itinaob. Pag tapos noon ay bumalik siya sa pagsusulat na tila ba walang nangyari.

Ganoon nalang yun?

Nagtatakaman ay ipinagpatuloy ko nalang din ang ginagawa at nagkunwaring walang nangyari. Nakaka isang word palang ako sa sinusulat ay bigla namang nag vibrate ang cellphone niya na ikinatigil ko at napasulyap roon. Maging siya ay napatigil pero kaibahan lang ay sa akin siya tumingin.

I tried to ignore it and start to write again but I can't. This time, hindi sa cellphone niya na di-distract kundi sa mga tingin niya

"Sorry, dapat talaga patayin ko nalang."

Agad akong umayos sa pagkakaupo ng magsalita siya.

"Hindi. Sagutin mo nalang. Baka kasi importante yan." ngumiti pa ako sa kaniya para ipakitang totoo ang sinasabi ko. Kahit na medyo bothered din ako kung sino ang tumatawag sa kaniya.

Nang makumbisi siya ay agad siyang tumayo para sagutin ang tawag. Pinanuod ko siyang sagutin iyon. Curious kung sino iyon.

"Hello? Sino to?" he asked.

Lalo akong na curious ng ilang sandali iting tumigil at tinignan ako. Nagtama ang mga mata namin sandali bago lumabas ng bahay at doon makipag usap sa tumawag. Gusto ko pa sanang sumunod sa kaniya para marinig ang kaniyang mga sasabihin sa kausap ay agad ko ng pinigilan ang sariling gawin iyon. Kaya pinagpatuloy ko nalang ang pagsusulat.

Nakakailang pages na ako ng bumalik siya. Medyo matagal din iyon pero hindi ko na siya tinanong pa at umasta nalang na wala.lang iyon.

"Si Anne."

Agad akong napatingin ng magsalita siya. Nagtataka sa bigla nitong sinabi.

"Ha?"

"Si Anne yung tumawag. Nag-aayang maglaro." hindi ko maiwasang mapataas ang kilay sa sinabi niya at tignan ang mga gamit kong nasa lamesita. Mahaba na din ang nasulat niya base sa kapal ng notebook ko ngayon.

"Saan daw?"

"Nasa crossing daw sila ehh. Pero sinabi ko nang kasama kita."

Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. Kita ko kung paano siya ngumiti ng sabihin iyon.

"Bakit?" sambit ko. Kita kong naguluhan siya sa sanabi ko.

"Ha?"

Umirap ako bago nagsalita.

"Bakit mo sinabi iyon? Mahaba na din naman ang natulong mo sa akin, kaya ayos lang kung umalis ka ngayon."

"Pero nasabi ko na kaya dito lang ako." mabilis akong umiling sa kaniya.

"No. Kaya ko na namang tapusin ang mga ito. Kaya lumakad ka na."

"Sigurado ka ba?" muli akong napakunot ng noo sa sinabi niya, lalo na ng makita ang sumilay na ngiti sa kaniya.

"Oo." sabi ko na medyo iritado.

"Bakit parang galit ka?" bahagya akong natigilan ng sabihin niya iyon. Doon ko na pansin ang medyo pagkairita ko sa kaniya.

"Hindi ako galit." sabi ko at muling ibinalik ang tingin sa mga gamit ko.

"Ows? Galit ka ehh."

"Umalis ka nalang kasi! Ang kulit!" iritado kong sabi at umirap pa.

"O' edi sige. Bye."

Namilog ang mata ko ng sabihin niya iyon at ng lingunin siya ay palabas na ito ng pinto. Lalo akong nakaramdam ng inis sa kaniya.

Talagang aalis siya? Ha! Okay! Kahit wag nang bumalik!

Napairap nalang ako ng nasa pinto na ito at ibinalik nalang ang tingin sa mga gamit. Ayokong makitang tuluyan itong umalis, dahil lalo lang akong maiinis na pabor na pabor sa kaniya ang umalis. Grr!

"Just joking!" halos mapatalon ako sa gulat ng ilang minuto na ang lumipas ng umalis si Gelo.

Matalim ko siyang tinignan ng lingunin ko siya. Nakakainis siya! Pinagti-tripan niya lang yata ako!

"Hindi ako aalis, di kita iiwan noh. Hindi kita ipagpalalit sa iba. Ikaw kaya ang gusto ko!"

"Ako ang g-gusto mo?" nauutal kong tanong.

Ang lakas ng kabog ng puso ko sa mga oras na iyon. Parang lahat ng inis at pagkairita ko sa kaniya ay nawala at napalitan ng tuwa.

"Oo. Ikaw ang gusto kong makasama. Ikaw talaga, anong nasa isip mo?" tumawa pa ito at ginulo ang buhok ko na parang bata.

Napasimangot nalang ako at umirap sa sinabi niya. Pinalo ko din ang kamay niya pinanggulo sa buhok ko.

"Tss." tanging sambit ko at nagpatuloy nalang sa pagsusulat.

Akala ko gusto niya na ko. Yun pala hindi! Tss! Sana di nalang siya bumalik ehh!

Say Or Regret (Eleazar Series#2) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon