6th Chance

40 11 0
                                    

6th Chance

Tahimik kong kinuha kay Gelo ang dala niya. It's a spaghetti. Siguro ay meryenda para kina kuya.

"Birthday ko, pinadala ni Mama." natigila ako sa iniisip ng sabihin niya iyon.

Napataas nalang ako ng kilay at nagpatuloy sa ginagawa. Hindi naman kasi ako nagtatanong.

"I'm 16 now."

Share mo lang? Gusto ko sanang sabihin pero pinigilan ko ang sarili kong gawin iyon. Mas mabuti pang wag nalang magsalita at alam kong hahaba pa pag ginawa ko iyon.

Kumuha ako ng mga platito at mga tinidor para kina kuya. Inayos ko na din ang isang pitchel at nagtimpa ng juice.

"Maaga kang natapos sa clearance?" doon ko lang siya nilingon at bahagyang tumango bilang sagot.

Kumuha ako ng mga baso at isa-isa itong sinalinan ng juice. Nagsalin din ako ng juice para sa akin at kay Gelo. Inabutan ko din siya ng platito para kung sakaling gusto niya ng kanyang dala pero agad itong tumanggi.

"Busog pa ako. Kumain na ako kanina bago pumunta dito. Okay na ko sa juice."

Tamango lang ako sa kaniya at nagsandok ng para sa akin. Taas din ako agad at sa taas nalang kakain pag kahatid ko ng kina kuya.

"Tulungan na kitang magdala para sa kanila." agad naman akong tumango.

Dala ko ang tray kung nasaan ang spaghetti at ang mga platito pati na din ang mag tinidor. Habang si Gelo naman ay ang tray ng mga juice. Dinala namin iyon kina kuya at ng matapos ay pareho kaming bumalik ng kusina. Mabilis kong dinampot ang pagkain ko.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Gelo, nilingon ko siya.

"Sa kwarto ko." simplang sagot ko at aalis na sana sa harap niya ng masirinig ang sigaw ni kuya mula sa salas.

"Wag mong iiwan si Gelo ahh. Birthday nyan ngayon kaya maging mabait ka sa kaniya."

Mabilis akong napairap sa narinig. Lalo pa akong nairita ng makita ang mabilis na ngiting lumitaw kay Gelo na agad ding nawala ng nakita ang tingin ko sa kaniya.

Pakialam ko ba kung birthday niya? Tss. Para namang may magagawa iyon para hindi ako magsungit sa kaniya.

Iritado kong ibinalik sa lamesa ang pagkain ko at doon nalang kumain. Tahimik lang ako na tila ba wala akong kasama.

"Kaya pala hindi na kita masyadong nakita nung nagpapa-pirma ako ng clearance kasi tapos ka na pala." sabi ni Gelo na ikinatigil ko. Bahagya pa itong natawa.

Agad akong napairap.

"Bakit? Hinanap mo ba ko?" bigla kong sabi at tinignan siya.

"Abay oo!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Parang may kung anong kurot sa aking puso ang aking naramdaman.

"Maya't-maya kaya ako sumisilip sa room niyo para tignan ka."

This time I can't help but stare at him. Hindi makapaniwalang sinasabi niya ito sa akin. He's looking at his glass.

"Nagdadahilan akong may titignang teacher sa faculty para lang makasilip sa room niyo." he slightly laugh and looked at me.

Huminga ako ng malalim bago muling ibinalik ang tingin sa aking plato. Iniisip ang tanong nagumugulo sa isip ko. Inikot ko ang tinidor sa aking spaghetti, mabilis na pimulupot doon ang mga pasta.

"Why?" I ask and looked at him.

"Bakit mo ginawa iyon?"

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob na itanong iyon sa kaniya. Nagkukumahog ang puso ko sa naiisip na dahilan niya. Malakas ang pakiramdam kong tama ako.

"I want to apologize for what happened last time." he answered.

Lalo pang lumakas ang kaba ko ng maalala ang ginawa niya, pero agad ding napalitan ng inis ng maalala ang nakita. Mabilis akong nag-iwas ng tingin ang ibinalik sa pagkain.

He's unbelievable! He wants to apology? Huh! Really? And why is he with Momo?

Gusto kong tumawa sa sinabi niya. I want to be sarcastic to him but I choose to be silent.

"Alam kong nagalit ka sakin nung kinukulit kita. Pasensya na ang gago ko sa part na yun." agad akong napairap sa sinabi niya at binigyan siya ng matalim na tingin.

"Tss. Hindi ka lang gago, babaero pa."

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Tila ba hindi ini-expect na sasabihin ko iyon. Umirap sa kaniya.

"Is that the reason why you're irritated about me?" mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kaniya.

Hindi ako makasagot. Masyado akong guilty dahil iyon ang totoo. O baka dinadahilan ko lang iyon sa sarili ko para kainisan siya? But still, naiinis ako sa kaniya. And I don't know why.

"Do you like me?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Nagkukumahog ang puso ko sa tanong niya. Tumawa ako ng makabawi. Muli akong tumingin sa kaniya ng hindi makapaniwala.

"Like what I've said, ayoko sa babaero."

"Hmm. Should I quit for being a playboy?"

Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Lalong nag wala ang puso ko.

"Why? Do you like me?" balik kong tanong sa kaniya.

"Of course not! Ayoko lang na lagi kang iritado sa akin."

Lalo akong naiinis sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay hindi na iyon mawawala sa akin.

"Tss." napairap nalang ako at mabilis na inubos ang pagkain.

Mabilis akong inilikom ang aking kinainan at handa ng iwan siya. Pero bago iyon ay nilingon ko muna siya.

"Lalo mo lang dinagdagan ang pagkainis ko sayo." sambit ko at agad na tumalikod. Pero bago pa ako makaalis doon ay muli siyang nagsalita na ikinatigil ko.

"Then, gagawa ako ng paraan para hindi ka na mainis sa akin."

Natatawa akong lumingon sa kaniya. He's looking at me.

"At sa paanong paraan naman?"

"Sasama ako kay Kuya tuwing pupunta siya dito. At dadalhan kita ng pagkain, ipapakita ko sayong wala na akong babae."

Muli akong napatawa sa sinabi niya. Hindi ko alam pero may ibang kiliti akong naramdaman sa tiyan.

Is that means, tuwing friday siya pupunta dito para sa akin? Really? Ha! How annoying! But I like his idea. I can't help but smile. Mabilis akong tumalikod sa kaniya para hindi makita ang ngiti.

You should like me too. Para talagang mawala na ang inis ko sayo kung ganoon. Gusto ko sanang sabhin pero hindi ko ginawa.

"Sabi mo ehh." tanging sabi ko bago tuluyang makalayo roon.

Hindi naman ako pinigilan ni Kuya sa pagbalik sa king kwarto ng dumaan ako sa kaniya likod. Hindi mawala sa isip ko ang napag-usapan naming dalawa. Wala sa sarili akong napahawak sa dibdib. Malakas ang kabog noon. At hindi na maipagkakailang gusto ko na siya. Na gusto ko na si Gelo. Na kaya ako naiinis kasi gusto kong ako lang ang babae niya at wala ng iba.

Say Or Regret (Eleazar Series#2) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon