11th Chance

28 8 0
                                    

11th Chance

"Sama ko sa inyo pauwi." bulong ni Gelo sa akin.

Bahagya pa akong napatawa sa sinabi niya. Kahit na medyo nagtataka ay pumayag ako. Pero nagulat pa din ako ng pauwi ng ipamasahe niya ako at sabihing sa amin kami bababa.

Kita ko pa ang pagkagulat sa dalawa kong kaibigan pero hindi ko inisip iyon. Tangin nasa isip ko ay kung ano ba ang gagawin ni Gelo sa bahay.

Magluluto ba kami? Magpu-foodtrip o movie marathon? Anong oras kaya siya uuwi? Hapon na ehh. Ngumuso ako para itago ang ngiti.

"Pupunta kami bukas sa inyo. Madami kaming itatanong." pinandilatan ako ni Mika bago kami tuluyang makababa sa kanto namin.

"Oo na. Ingat kayo. Text nyo ko pagkauwi nyo." sabi ko.

"Gusto mo tawag pa ehh." ani Franz at tumawa pa pero napatigil ng sikuhin siya ni Mika.

"Walang tatawag. Bukas nalang."

Naiiling at ntatawa nalang ako na hanggang sa pag-alis ng jeep na sinasakyan nila ay nagtatalo sila. Walang pa ding pagbabago sa dalawa.

"Sa tingin mo, anong itatanong nila sayo?" tanong ni Gelo ng magsimula na kaming maglakad.

Bahagya akong napangiti sa tanong niya. Hindi pa ba obvious na tungkol sa kaniya ang itatanong ng dalawa.

"Kung anong meron satin. Malamang." I said and cackled.

"Hmm. Ano namang isasagot mo?"

"Malamang sasabihin kong, magkaibigan lang tayo." bahagya pa akong natawa ng sabihin iyon.

Iyon naman ang totoo. Kaya ano namang aasahan niyang sasabihin ko, diba.

"Oo nga naman. We're just friends."

Hindi ko maiwasang matigilan at mapalingon sa kaniya. Hindi nakawala sa aking ang malungkot na tono nito, pero agad din iyong nawala ng bahagya siyang tumawa. Ang gumugulo sa isip ay napalitan ng tuwa ng makita ang mga ngiti niya.

I'm happy to be his friend. Idagdag pa ang pagiging close naming dalawa.

After ng dinner ay umuwi na din siya. Dito siya kumain kasabay naming magkakapatid pati ni Manang. Hindi naman nagtanong si Ate o Kuya ng makitang kasama kong umuwi si Gelo.

Inubos naming dalawa ang oras sa paglalaro ng PlayStation ni kuya at kwentuhan. Pagod na pagod akong nahiga sa aking kama at mabilis na nakatulog.

Naalimpungatan ako sa tawag na galing sa aking cellphone. Si Mika.

"Oh? Ang aga-aga, nanggugulo ka?" bungad ko sa tawag kahit nakapikit pa.

"Anong maaga? Tanghali na! Papunta na kami ni Franz dyan!"

"What?! Ano ba naman yan?!"

"I'm hanging up na! Gumising ka na at madami pa kaming tanong sayo!"

Bago pa man ako muling makaangal ay mabilis na namatay ang tawag. Iritado akong bumalik sa pagkakatulog pero wala na. Gising na ako dahil sa hindi mawala sa isip ang pagpunta nila dito para lang usisain ako.

Labag man sa loob ko ay bumangon ako at agad na naligo. Tulala akong nagbabad sa tubig habang iniisip kung ano ang mga isasagot ko sa kanila. Hindi ko alam kung dapat ba nilang malaman ang lahat o ano. Hindi ko alam kung saan magsisimula, siguro ay kung ano nalang ang itanong nila ay iyon ang sasagutin ko.

Saktong kakatapos ko lang maligo ng dumating sila. Nagbibihis palang ako pero sunod-sunod na ang naging katok nila sa pinto ko.

"Teka nga! Nagbibihis pa ako!" sabi ko ang mabilis na nagsuot ng shorts.

"Wala kaming pakialam. Kahit wala ka pang saplot dyan, buksan mo to." ani Mika.

Lalo pa akong nataranta ng gumalaw ang doorknob at pilit iyong binubuksan. Napamura nalang ako habang nagmamadaling magsuot ng damit at pinagbuksanq sila.

"Ginulo niyo na tulog ko. Pati baman pagbibihis ko?" iritado kong sabi at napairap nalang.

Mabilis akong lumabas ng kwarto at sumunod naman sila. Nagsimula ng magtanong si Mika sa akin pero hindi ko ito sinasagot at patuloy ng kusina. Wala si Ate Nads at Kuya Sean dahil nag-e-enroll. Si Manang naman may nagwawalis sa labas.

"Kailan pa kayo naging close ni Gelo? Anong ginawa nyo kahapon? Kayo ba?" sunod-sunod na tanong ni Mika.

Hindi ko ito pinansin at dumaretso ng mga nakatakip na pagkain. There's a egg, hotdogs and bacon.

"Kumain na ba kayo?" nilingon ko silang dalawa.

Si Mika ay nakatingin sa akin, sunod-sunod pa din ang tanong niya at hindi pinansin ang tanong ko. Samantalang si Franz lang busy sa pagte-text.

"Kumain na. Pero kung aalukin mo kami, tinamay nalang tapos juice." sagot ni Franz ng hindi pa din inaalis ang tingin sa cellphone.

Nagkibit balikat nalang ako at kumuha ng tinapay para sa kanila tsaka nagtimpla ng juice. Kumakain na ako pero hindi pa din tumitigil sa pagtatanong si Mika.

"So ano na? Ano bang meron sa inyo? Kayo ba?"

"Hindi. Magkaibigan lang kami." sagot ko bago subo ng pagkain.

"Kaibigan? Talaga ba? Hindi yun yung nakikita ko."

"Magkaibigan nga lang kami." pag uulit ko.

Nakita ko ang pagtango niya ng tignan ko siya. Si Franz ay nakatingin na din sa akin, pero hindi umiimik.

"Okay, sabi mo ehh. Pero kailan pa kayo naging close? At nakakapunta siya dito? Paano?"

Napabuntong hininga nalang sa tanong nito. Kailangan ba talaga nilang malaman? Hay nako.

"Nito lang bakasyon. Madalas si Kuya Leo dito dahil kaibigan siya ni Kuya, sumasama siya. Edi nagkakausap kami, tapos naging close. Yun na iyon." nagpatuloy ako sa pagkain.

Ayoko ng details by details. Maiintindihan na naman siguro nila iyon.

"At tuwing anong araw naman sila pumunta dito?" napatingin ako kay Franz ng siya naman ang magtanong.

"Minsan friday, minsan saturday."

"Should we schedule our visiting day every friday and saturday?" halos manlaki ang mata ko kay Franz.

"Good idea!" sang-ayon pa ni Mika.

Hindi na maipinta ang mukha ko sa pinahkakasunduan nila. Manggugulo lang silang dalawa sa amin kung pupunta sila sa araw ng pag punta ni Gelo dito. Tss.

"Tumigil nga kayo. Magpapasukan na kaya hindi na iyon pupunta dito!"

"Why? Natatakot ka bang manggulo kami sa inyo?" parang naubos ang dugo ko sa mukha ng tanongin ni Mika iyon.

Hindi ako nakasagot. I'm guilty!

"So it's true? Crush mo nga siya! Noon palang!" ani Franz.

Napapikit nalang ako ng madiin sa sinabi niya. Kahit anong tago ko sa kaniya ay alam niya agad. She knows me well, huh.

Bumuntong hininga ako bago ko muli silang hinarap.

"You please keep it as a secret?"

"I knew it! Tama ako!" hindi makapaniwalang sambit ni Franz.

"Oo may gusto ako sa kaniya, pero magkaibigan lang kami. At masaya kami sa kung anong meron kami." duktong ko pa. Hindi alintana ang sinabi ni Franz.

"Delikado iyan." napabuntong hininga nalang ako kay Mika.

"Babaero si Gelo. Paano pag nagka-gf iyan? Paano ka?" duktong pa nito.

"That's not going to happen, hindi na siya mag-g-gf."

"And how sure you are?"

Ngumiti ako sa kanilang dalawa. Bumalik sa isipan ko ang kaniya mga sinabi. Ang mga ginagawa niya sa akin.

"I'm 100% sure. He told me that." I said and continue eating.

I trush him. Alam kong totoo ang sinasabi niya at hindi niya ako lolokohin. Sigurado ako doon.

Say Or Regret (Eleazar Series#2) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon