37th Chance

31 8 0
                                    

37th Chance

Nang mga bandang pahapon na ay nagbalikan na kami sa mga rooms namin tulad ng plano ni Paolo. Dahil baka magduda si Bea na girlfriend niya kung sila lang dalawa ang magpapahinga.

Nagpalit agad ako pagdating ko sa room namin ay nagbanlaw sandali. Maya-maya ay babalik kami sa tabing dagat para ayusin ang surprise ni Paolo. Paglabas ko ng CR ay sila Gelo naman ang nagbanlaw doon.

Retro bikini top na floral ang sinuot ko para ngayong gabi, para na din itong sando kaya pinartneran ko nalang ito ng high waist shorts ko. Nagsusuklay ako sa harap ng tukador nang matapos ang mag-ama.

Nakabihis na si Mark ng lumapit ito sa akin at nagpapunas ng buhok niya. Nakasuot ito nang ternong damit na may print na superman. Samantalang si Gelo ay nakashorts lang habang na pupunas ng ulo niya. Agad akong umiwas ng tingin sa kaniya at pinagtuunan nalang ng pansin si Mark.

"Tita, you're blushing." nanlaki ang mata ko ng ibulong ni Mark akin iyon. Tatanggi na sana ako ng unahan niya ako.

"Nakita ko yung pagtingin mo kay Daddy." he continued and giggles. Naiiling nalang ako at natawa sa kaniya.

Pagbaba namin ay nasa salas na lahat ng gagamitin sa proposal ni Paolo. Nasa box ang mga electric candles kasama ang remote ng mga ito at sa tabi nito ay ang kahon din ng rose petals. Madami ang mga ito dahil ang candles ay ihuhugis heart at sa gitna nito ay puro perals, at ang ibang candles ay bubuo ng salitang 'MARRY ME'.

Nagpuntahan kami sa tabing dagat kung saan ang tinuro ni Paolo sa amin. Una ay gumuhit si Gelo ng isang malaking heart kung saan ilalagay ang mga candles at ang girlfriend naman ni Jake ang nagsulat sa baba ng heart ng 'MARRY ME'. Pati ang mga bata ay tumulong sa pag lalagay ng petals sa gitna ng heart habang si Momo naman ay abala sa paglagay ng candles. Madilim na din ng matapos kami sa paglalagay ng petals and candles at ilang sandali nalang ay lalagay na sila Paolo.

Nang matapos namin iyon ay sinubukan ni Joseph na buksan ang mga kandila para makita kung gumagana ba ito ng maayos. Nang masiguradong okay na ang lahat ay nagpaapoy kami sa ibang parte ng buhangin para sa bonfire. Sapat lang ang layo namin sa heart na ginawa para makita sila Paolo. Si Harold ang may hawak ng remote at se-senyasan nalang siya ni Paolo pagbubuksan na iyon.

Maingay ang grupo namin at nakabilog sa bonfire, sa tabi ko nakaupo si Mark, sa kabila naman ni Mark ay si Gelo at sa kabilang tabi ko ay si Jhay. Si Momo dapat ang naroon pero bigla itong sumingit doon.

"Anong trip mo at dyan ka umupo?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Wala lang." sagot lang nito sa tumawa. Tumawa din ako.

"Weh? Bakit nga? Crush mo pa din ako no?" I joked.

"Oy. Oy. Hindi na no. May jowa nako. Tignan mo pa." agad niyang kinuha ang cellphone sa bulsa at pinakita ang wallpaper nila ng jowa niya.

"Ikaw nga dyan wala pa ding jowa." imbis na sagutin iyon ay iniba ko ang usapan.

"Bakit hindi mo sinama jowa mo?" tumingin ito sa apay na nasa harap namin.

"LDR?" bahagya siyang tumawa, "De joke lang. Busy siya ngayon ehh. Hindi daw pwede." napatango-tango nalang ako.

"Teka, iniba mo yung usapan ehh. Bakit wala ka pang jowa?" imbis na sagutin siya ay tumawa lang ako. Pero agad ding natigilan ng tumunog ang cellphone kong nasa bulsa.

"Wait, sagutin ko lang." sabi ko at agad na sinagot.

"Hello, Ma." sabi ko habang tumatayo.

"Bakit si Manang pa ang paglilinis mo ng unit mo?" bungad nito sa akin.

Say Or Regret (Eleazar Series#2) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon