23rd Chance

27 6 0
                                    

23rd Chance

Nakatingin ako sa mga regalong natanggap ko. Nabuksan ko na lahat pwera ang kay Gelo. Hinuli ko talaga ang galing sa kaniya. I duuno. Gusto ko lang ihuli.

Napakunot ako ng noo habang kinakapa ang regalo ni Gelo, nasa loob iyon ng paper bag pero ramdam ko na ang laman nito. Picture frame?

Mabilis kong binuksan ang paper bag, at hindi nga ako nagkamali. Isang picture frame iyon na naglalaman ng dream house na dino-drawing niya at may envelope sa likod. Akmang bubuksan ko na iyon ng masanggi ko ang paper bag dahilan para malaglag ito mula saking kama at lumabas ang maliit na kahon roon.

Medyo nagulat ako ng makita ang maliit na kahon. Mabilis ko iyong dinampot at agad na binuksan. It's a necklace with a sun, moon and star pendant. Agad-agad ko iyong sinoot at tinignan sa salamin. Napangiti nalang ako dahil bagay sa akin suot.

Kinabukasan ay suot ko na din ang kwintas na bigay ni Gelo, kaya ng makasalubong ko sila ni Jhay sa hallway ay malawak ang ngiti ko sa kaniya. Sinadya ko pang ipakita ng necklace sa kaniya. He's also smiling and looking at my neck.

"Oy, gamit mo na? Wow! Sabi na bagay sayo yan ehh." nagulat ako ng biglang sabihin iyong ni Jhay. Naguguluhan akong tumingin sa kaniya, bago sumulyap kay Gelo.

"I guess that's his gift to you. Nice, bagay nga sayo." sabi ni Gelo at nagkibitbalikat. Aapila pa sana ako para sabihin na sa kanya iyon galing pero nilagpasan na ako nito.

"Puntahan kita sa room mo mamaya, sabay tayo mag lunch. My treat." mabilis na paalam ni Jhay sa akin habang nakangiti. At bago pa ako makapag react ay nakasunod na ito kay Gelo.

Nanlulumo akong umupo sa upuan ko nang makarating sa classroom. Buong klase sa umaga ay parang wala ako sa sarili. Iniisip ko kung may isa pa bang regalo kong hindi nabuksan, pero wala akong maalala kundi ang huling regalong binuksan ko na galing kay Gelo.

Inub-ob ko ang ulo ko nang dumating ang lunch, wala akong planong maglunch dahil hindi naman ako nagugutom. Pero ilang minuto palang ako sa ganoong lagay ay tinawag na ako ng mga kaklase ko dahil my nag-e excuse daw sa akin.

Mabilis akong tumungo sa pinto, umaasang si Gelo iyon pero mali ko dahil si Jhay iyon.

Kunot noo ko siyang tinignan nang may pagtataka. Bakit siya nandito?

"I treat you a lunch, remember?" he said.

"Hindi ko umoo."

"Oh, please. Pumayag ka na. Ito ang unang araw na nililigawan kita."

"Hindi nga ako puma---" bago ko pa matapos ang sasabihin ay narinig ko na natinawag niya si Gelo.

"Mike Angelo, teka lang! Sasabay satin si Crizza." he said na hindi ko na nahindian pa.

Hindi lang isang beses ang lunch na iyon. Na sundan pa ng nasundan. Madalas ay kasama namin si Gelo at minsan ay kami lang ni Jhay, kahit sa pag-uwi ay sumasama siya ky Gelo para lang makasabay ako. Nakakairita dahil hindi naman siya ang gusto ko, pero sa tuwing sinusubukan kong bustedin siya ay inuunahan na niya ako at pinuputol ang salita ko.

"Wala si Gelo?" I asked. Kadarating ko lang sa canteen, nag-overtime kasi ang teacher namin kaya late na akong nakalabas.

"Wala ehh, hayaan mo na siya. Para naman ma solo kita." napairap nalang ako sa sinabi niya.

Habang kumakain ay hindi ko maiwasang lumingon-lingon sa paligid sa tuwing may dumadaan. Umaasang dumating si Gelo at sabayan kaming kumain, pero wala.

"Kamusta naman yung subject nyo? Overtime kayo ehh." he started a topic na sinagot ko naman.

"Ayos lang. Nag discuss lang about sa project."

"Next week na JS Prom." tumingin ako sa kaniya ng sabihin niya iyon.

Oo nga pala. February na ngayon. At ng sinet nilang date for JS Prom ay 14. Dahil Sabado naman iyon pumatak.

"May partner ka na?" he asked.

I stared at my food. Nag iisip kung paano sasabihin sa kaniya na si Gelo na ang partner ko at matagal na naming napag-usapan iyon.

"Kung wala pa. Ako nalang. Bawal timanggi." he said with a big smile on his face.

Hanggang sa pag uwi ay sinusubukan kong sabihing may partner na ako pero hindi ako maka timing. Wala din si Gelo dahil may pupunta daw kaya kami lang ni Jhay ang magkasabay.

"Sabihin mo lang sakin kung anong kulay ng gown mo ahh? Para ma partneran ko sa tie." sabi niya bago ako maka pasok sa bahay.

Hindi ko pa din nasabi kahit dumaan na ang weekend at dumating na ang linggo kung saan gaganapin ang JS Prom. Hindi ko alam pero may pakiramdam akong may ibang mangyayare dahil hindi halos buong linggong hindi sumasabay si Gelo sa amin, kahit sa pag-uwi ay wala ito. Sinusubukan kong itext siya pero wala siyang reply.

Gelo:
Pink ang gown ko.:)

I texted him, pero walang reply.

"Anong kulay ng gown mo?" tanong ni Jhay sa akin.

"Pink." malamig kong sabi pag tapos kong ibulsa ang cellphone dahil wala namang reply si Gelo.

"Sige." he said and smile.

"Sunduin kita bukas. Wag kang aalis ng bahay nyo ng wala ako. Ako partner mo ehh." continue.

I bit my lip and looked at my shoes. Nasa tapat na kami ng bahay. Hinihintay nalang siya akong pumasok ng bahay para makaalis na siya. Pero hindi pa ako pumapasok dahil gusto kong sabihin sa kaniya na si Gelo na ang partner ko kahit mag i-isang linggo na itong hindi nagpaparamdam sa akin.

"Jhay." I called him.

"Hmm?"

"Si Gelo ba? May partner na?" I asked.

"Oo. Meron na daw siya. Hindi ko lang alam kung sino. Hindi sinasabi sakin ehh."

I guess that's me? Should I tell him?

"Sige na. Pumasok ka na para makatulog ka nang maaga."

"Okay." tanging na sambit ko. Akmang bubuksan ko na ang gate namin pero muli akog humarap kay Jhay.

"I think it's me."

"What?" naguguluhan niyang sabi. Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita.

"Ako yung partner ni..." hindi ko alam pero bigla akong nahiya ako sa kaniya.

"Alam mo, pumasok ka na sa loob para makapag pahinga na." he cut me and slightly push me to the gate.

Wala na akong nagawa kundi ang pumasok sa bahay nang hindi sinasabi sa kaniya ang gusto kong sabihin. Napabuntong hininga nalang ko ng makahiga sa aking kama.

Mabilis akong napabalikwas ng tumunog ang cellphone ko dahil sa text. It's from Gelo.

Gelo:
-Sorry kung hindi ako nakakapagreply at hindi kita na hahatid. Busy lang ako sa bahay, tsaka pinagbilin kita kay Jhay na ihati ka.:)
-Baka hindi kita masundo bukas, kita nalang tayo sa venue.

Say Or Regret (Eleazar Series#2) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon