14th Chance

27 7 0
                                    

14th Chance

"Hello, Criz? Nasaan ka na ba? Kanina pa kami nagsimula!" dinig na dinig kong sabi ni Franz sa kabilang linya.

"Wait. Kakababa ko lang."

Mag alas onse na ng tanghali at kanina pang alas nwebe ang usapang oras para sa practice. Tinanghali ako ng gising at nakalimutang mag alarm para sa araw na eto.

"Hay nako, pumunta ka agad dito sa court. Narito na kami!" iyon lamang at pinatayan na agad ako. Bago iyon ay narinig ko pa ang pagtawag sa kaniya ng isa naming kaklase.

Hindi naman malayo sa amin ang usapang lugar pero nahirapan pa ako sa pagsakay. Punuan ang mga jeep. Nag make face ako bago ibinulsa ang cellphone.

Mabilis kong tinungo ang daan patungo sa court kung nasaan sila ng may marinig akong tawanan sa hindi kalayuan. Nakita ko ang isang pamilyar na lalaki na nakatingin sa akin. It's Jay with his classmates.

Medyo na gulat pa ako ng bahagya iting ngumiti sa akin at kumaway, kaya ngumiti din ako sa kaniya pabalik at bahagyang kumaway. Napansin ko ang ilang kaklase niyang napatingin sa akin bago ako tumungo sa pupuntahan.

"10 lapse." nanlaki ang mata ko nang iyon agad ang bungad sa akin ng magtuturo sa amin.

Naka bilog ang mga kaklase ko at nag i-stretching at ang iba naman ay tumatakbo tulad ko dahil late. Nakakapagod ang tumakbo kahit na jogging lang, pero keri na at least hindi na kami mag stretching tulad nila.

Nakakawalong ikot palang ako ay pinatigil na kami dahil magba-blockings na. Panimulang step ang itunuro sa amin sa araw na iyon at ang mga susunod ay sa susunod na linggo o pagkauwian nalang sa hapon galing school.

Pawis na pawis akong naupo sa gilid kung saan nakalagay ang gamit ko. Ang iba ay nag-aalisan na dala ang mga bag. Binigyan kami sandali ng lunch break para kumain saglit, kaya grupo-grupong nagsi-alisan ang mga kaklase para kumain.

"Tara, samin nalang tayo kumain." aya sa amin ni Franz.

Hindi naman kalayuan ang bahay nila rito kaya pumayag na kami ni Mika. Mas mabilis na dahil sa sandaling oras na binigay sa amin para mag lunch. Ganoon ang naging routine naming lahat sa buwang iyon. Practice pag Sabado at sa hapon pagkagaling ng school, mga 5:30 ng hapon na kami nakakauwi dahil doon.

Hindi ko nakakasabay si Gelo sa pag-uwi dahil tulad ng section namin ay busy din sila sa practice, puro batian lamang kami pagnagkaksalubang sa school kahit pa magkatapat lang ang room namin at magkaklase pa sa isang subject. Hindi na din niya natupad ang pagpunta sa amin tuwing araw ng Linggo dahil may practice sila sa araw na iyon, habang ako naman ay gumagawa ng projects and activities.

"Next week na yung sayaw, siguradong magkakaroon tayo ng practice ngayong Linggo." bumuntong hininga si Mika ng sabihin iyon.

Nakaub-ob ako ng sabihin niya iyon. Walang klase kaya napagdesisyonan kong matulog para makabawi naman ng tulog. Malapit na ang exam kaya madami ng requirements at iyon ang pinagkaabalahan ko kahapon hanggang kagabi.

"Hindi ko pa naman tapos yung mga lectures, tapos may mga activities pa! Ano bang gagawin ko neto?" duktong pa nito.

Nilingon ko siya ng tumungo ako. Nakapangalumbaba siya habang nakasimangot.

"Ano ba kasing ginawa mo kahapon?" I asked.

Lumingon siya sa akin at buntong hininga.

"Niyaya ako ng mga pinsan kong gumala ehh. Hindi ako nakatanggi." mahina niyang sambit na ikinailing ni Franz, habang ako naman ay napairap nalang at muling umub-ob.

"Dyan ka magaling sa gala." dinig kong sabi ni Franz kay Mika.

"Sorry na, baka naman meron na kayo sa mga activities. Pahiramin nyo ko, promise gagawin ko agad ngayon!"

"Sus! Dyan ka magaling!"

Napataas ako ng kilay sa narinig mabilis na iniabot kay Franz ang tapos ko ng activities.

"O'yan! Siguraduhin mong bukas tapos mo na yan!"

"Thank you! Lab ko talaga kayo!"

Naiiling nalang akong nangingiti sa narinig. Bandang alas tres ng hapon ng ianunsyo ng president namin ang pagkakaroon ng practice sa oras na iyon, dahil wala namang klase sa huling subject.

"Pagod na naman to pag uwi, siguradong tulog ako paghiga." dinig kong reklamo mo ni Mika.

"Anong tulog agad? tapusin mo yang hiniram mo samin!" asik naman sa kaniya ni Franz.

"Oo na, joke lang naman ehh."

Pagdating palang namin sa gym ay naroon na ang ang magtuturo. Nakauniform pa ito, marahil ay galing pang school at talagang sinadya lang kami rito para turuan. May ilan na ding ibang section ang nakabantay sa gym para magpractice at iyon ang section nila Gelo.

"Huy, sinong hinahanap mo?" napasimangot ako ng sikuhin ako ni Mika at sinundan ang aking tingin.

"Sus, ayun si Gelo ohh. Sa canteen!" she said and point her finger to the canteen.

Mabilis pa sa alas kwatro akong napatingin sa itinuro niya. Halos magkumahog ang dibdib ko ng makitang lumingon din ito sa banda ko at kumaway.

"Wait, lalapit yata!" dinig ko pang sabi ni Mika na lalo nagpakaba sa akin.

Hindi ko alam kung paano ako magre-react ng makitang papalapit nga si Gelo sa amin. He's holding a bottle of lemonade while sipping on it.

"Anong oras tapos ng practice nyo?" agad niyang tanong ng makalapit sa amin.

Hindi ako agad nakasagot. Pakiramdam ko ay napipe ako dahil sa mga titig niya.

"5, maaga ngayon ehh." si Mika ang sumagot. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon sa sinagot ng kaibigan.

"5 din kami, hatid kita." walang paligoy-ligoy na sabi ni Gelo at agad kaming iniwan.

Napakislot ako ng tusukin ako ni Mika sa tagiliran. Imbis na mairita sa ginawa niya ay napatawa ako. Hindi ko man aminin ay nae-excite ako. Parang gusto ko nalang agad matapos sa practice at umuwi, kahit na hindi pa naman nagsisimula.

"Ako nalang yata napag-iwanan. Parehong kaibigan ko pumapag-ibig." agad akong napalingon kay Mika.

Nakatingin ito sa kung saan na agad ko naman tinignan. Si Franz ang tinitignan nito habang kausap si Ace. Bahagya akong natawa ng marealize ang sinabi nito.

Ilang sandali pa kaming nakatayo roon ng tawagin kami ng president namin para umpisahan na ang practice. Maya't-maya akong natingin sa section nila Gelo na nag pa practice din hindi kalayuan sa lugar namin. Nababalik lang ako sa sarili ko sa tuwing sisikuhin ako ni Mika na laging sa tabi ko pinupwesto sa blockings.

"Baka matunaw." panunukso niya na inirapan ko lang at binalik ang tingin sa harap na tila ba wala lang.

Hindi ko napigilan ang ngiti ng tumingin sa harap.

Mabilis na natapos ang practice sa hapong iyon. May konting meeting pa bago kami mag-uwian, kaya ng matapos iyon ay mabilis pa sa alas kwarto kong dinampot ang aking mga gamit.

"Hays. Sana all, may naghahatid." dinig kong sambit ni Mika sa aking tabi habang nag-aayus din ng kaniya gamit.

"Sus! Maggawa ka muna ng activities!" si Franz.

"Alis na ko." mabilis kong paalam at hindi na sila inintay pang sumagot at mabilis na tinungo si Gelo na nagkatayo sa di kalayuan.

Nakangiting sinalubong niya ako kaya ganoon din ang ginawa ko.

"Tubig?"

Bahagya pa akong nagulat ng ilahad niya sa akin ang isang botehan ng tubig. Pinamulahan pa ako ng maalalang nakita ko siyang iniinuman iyon kanina pagtapos nilang magpractice at habang nasa meeting kami.

"Don't worry hindi ito yung iniinuman ko kanina."

Lalo ang pinamulahan sa sinabi niya, at para iwala iyon ay kinuha ko ang tubig na inaabot sa akin at mabilis iyong ininom.

"Ang cute ko talaga. Namiss kita ehh."

Halos masamid ako ng marinig iyon. Shit! Bakit naman kasi ganoon! Binibigla niya ako!

Say Or Regret (Eleazar Series#2) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon