15th Chance

31 7 0
                                    

15th Chance

"Ay!" napakislot ako ng bigla akong sikuhin ni Franz.

Nagtataka akong tumingin sa kaniya. Lalo pa akong nagtaka ng may nginungusuan ito na tila ba may itinuturo sa kung saan sa loob ng room. Nasa may bandang pintuan pa kami, kakapasok lang galing canteen. Lunch ngayon kaya mahaba ang oras namin ng nagtungo roon.

Sinundan ko ang itinuturo niya at doon ko natagpuan si Gelo. Nakaupo ito malapit sa grupo nila Anne. Hawak ang cellphone at isa lang ang pumasok sa isip kong dahilan. Naglalaro sila, katulad ng madalas nilang ginagawa noon.

"Pa backup dito sa top." dinig kong sabi niya sa apat. Kahit na nasa bandang hulihan sila ng room at kami ay nasa harapan ay umabot pa din sa pandinig ko ang mga iyon.

Bumalik sa isip ko ang gantong pangyayari noong nakaraang taon. He's with Ana that time.

"Criz, eto na pala yung hiniram kong notes noong nakaraan." naagaw ang atensyon ko ng biglang lumapit sa akin si Owen. Isa sa mga kaklase ko.

Napatingin ako sa hawak niyang nakalahad sa aking harap. Isang malapad na notebook at tatlong maliliit na notebook iyon, pero ang nagpataka sa akin ay ang isang balot ng brownies at malaking bote ng delight ang nasa ibabaw noon.

"Ahh, pa thank you lang dahil pinahiram mo ko. Sana tanggapin mo." tila ba nabasa niya ang naisip ko.

Nagtatakaman ay tinanggap ko ang aking mga notebook kasama ang binigay niya. Paborito ko ang mga iyon, kaya hindi ko iyon mahihindian. Bahagya akong ngumiti sa kaniya.

"Salamat."

Mabilis kong tinungo ang upuan namin, bitbit ang gamit. Paupo na ako ng marinig sila Anne.

"Pis, paayos naman." dinig kong sabi ni Anne na ikinalingon ko sa kaniya.

Natigilan ako ng makita si Gelo sa akin. Mabilis ko siyang nginitian pero hindi niya iyon tinugunan, bagkus ay bumaba ang kaniyang tingin sa aking hawak. At ilang sandali pa ay kay Owen na nasa pinto pa din at kausap ang iba naming kaklase.

"Pis, ano na?" muling sabi ni Anne. Muling ibinalik ni Gelo ang tingin sa cellphone na tila hindi ako nakita.

"Sorry, pis. Lag ehh." sabi niya at nagpatuloy sa ginagawa.

Nagtataka man sa kaniyang ginawa ay nagkibit balikat nalang ako at naupo sa aking upuan. Itinuloy ang gawaing hindi natapos kanina.

Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat ng lumapit sa akin sila Franz at Mika.

"Huy, kanino galing yan?" tanong ni Mika at itinuro ang brownies na nasa aking tabi.

"Ahh, kay Owen."

"Hala, weh? Sabi na nga ba at totoo ang hinala kong may gusto iyon sayo!" medyo malakas na sabi ni Mika na agad na sinaway ni Franz.

"Wag ka ngang maingay! Nasa labas lang si Owen! At nandyan si Gelo! Baka magselos!" pananaway ni Franz.

Agad na nanlaki ang mata ko sa narinig at mabilis na nilingon sila Gelo. Kinabahan pa ko ng makitang nakatingin ito sa akin pero agad ding nawala ng bahagya niya along ngitian bago nagtatuloy sa ginagawa.

"Pwede ba, wag kayong magulo. Walang gusto si Owen sakin, pa thank you niya lang yan at hindi magseselos si Gelo dahil wala din siyang gusto sa akin." sabi ko sa kanila para tumigil na.

Akmang magsasalita pang muli si Mika pero pinandilatan ko siya kaya nanahimik nalang. Muli naman akong nagpatuloy sa ginagawa. Hindi na muli sila nangulit pa.

Tapos na ang mga exam at ang pinagkakaabalahan nalang ng iba ay ang mga requirements na kailangan matapos at ipasa. Ang iba naman ay wala na. Balik sa dati na hinahatid ako ni Gelo.

Pagliko ko palang ay nakita ko agad si Gelo na naghihintay sa akin. Sinalubong ko siya ng ngiti at bahagya pa akong kumaway sa kaniya. Pero agad iyong napawi ng tipid niya lang akong nginitian pabalik.

"Badtrip ka ba?" agad kong tanong ng makalapit sa kaniya.

"Hindi, gutom lang."

"Bili tayo ihaw? Gusto mo?" bahagya ko pang itinuro ang tindahang lagi naming binibilhan.

"Ayoko. Wala ka bang pagkain sa bag?"

"Ahh, meron naman." nag-aalangan ko sagot.

"Edi yun nalang, para hindi na tayo bibili."

Nag-aalangan man ay sumang-ayon ako sa kaniya. Mabilis akong iniharap ang bag ko sakin at agad na binuksan para kuhanin ang brownies na bigay ni Owen. Nakidungaw din siya sa loob noon. Akmang isasara ko na ang bag ng makiha ang brownies ay walang sabi-sabi niyang kinuha ang delight.

"Uy, may delight. Sakto uhaw na din ako. Akin nalang ahh?"

Napanganga nalang ako ng makuha niya iyon at akmang babawiin iyon sa kaniya ng buksan na niya iyon at inumin. Tila ba nanlumo ako ng makita iniinom na niya iyon. Pakiramdam ko ay natakam ako sa paborito kong inumin, balak kong kainin at inumin ang mga iyon habang ginagawa ang huli kong activity.

Matapos niyang inuman iyon ay agad niya namang kinuha ang brownies sa akin at agad na nilantakan habang naglalakad kami. Ni hindi niya man lang ako inalok hanggang sa maubos niya iyon.

"Nabusog ako ahh! Salamat sa pagkain!" sabi niya habang hinihimas-himas pa ang kaniyang tiyan.

Tumigil kami ng nasa tapat na kami ng aming bahay.

"Ahh. You're welcome." labag sa loob na sabi ko at agad na binuksan ang gate namin.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis matapos ng ginawa niyang pag-ubos sa pagkain ko. Kanina ko pa pinigilanv kainin ang mga iyon pero siya lang pala ang makikinabang. Ang masaklap pa hindi ko manlang natikman.

"Babay." dinig kong paalam niya pero hindi ko na siya nilingon pa at dare-daretsong pumasok sa aming bahay.

Badtrip ako ng magising kinaumagahan. Hanggang sa panaginip ko ay naroon ang brownies at delight na kinain ni Gelo na hindj ko manlang natikman. Idagdag pa na naiinis sa sarili dahil hindi ko manlang hinayaan ang sariling lumabas para ibili ang sarili ng gusto, ayan tuloy at hanggang sa panaginip ay nagmumulto.

"Crizza, ineng." tatlong katok ang narinig ko ng tawagin ako ni Manang.

Sabado ngayon at walang pasok.

"Po?"

"Nasa baba si Gelo." agad akong nakasimangot ng marinig ang pangalang iyon.

Lalo akong nakaramdam ng inis ng maalala ang ginawa niya kahapon pati na din ang napanaginipan.

"Sige po. Susunod nalang ako sa baba." sabi ko nalang para iwan na ako ni Manang kahit na ang totoo ay wala ako sa mood na harapin ang binata.

Ilang minuto pakong nakahiga at paulit-ulit na naiisin sa naaalala, pero sa huki ay napagdesisyonan ko din siyang babain. Nasa hagdan palang ako ay kita ko ng walang tao sa sala. Hindi ko maiwasang mapairap sa naisip na umuwi na ito at hindi na nakahintay pa sa akin.

Kaya pag pasok ko palang ng kusina ay nagulat ako ng makita si Gelo na nag-aayos ng pagkain. Nanlaki ang mata ko ng makita ang hawak nito, nakailang kurap pa ako bago nakumpirmang hindi ako nananaginip.

Nasa tabi niya ang dalang balot ng brownies at hawak naman nito ang isang bote ng delight habang isinasalin sa isang baso.

"Nakababa ka na pala. I prepare this for your breakfast. Alam kong galit ka sa ginagawa ko kahapon, at eto ang naisip kong paraan para bumawi." he said when he saw me.

Pakiramdam ko ay natutunaw ako sa sinabi niya at za kaniyang mga ngiti. Lahat ng inis na nararamdaman kanina ay nawala at napalitan ng tuwa.

"Buti alam mo!" I tried to sound irritated and come to him.

Walang sabi-sabi kong nilantakan ang brownies na nilagay niya sa platito at sinadya ko ding hindi siya alukin para makabawi sa ginawa niya kahapon. Hindi ko maiwasang mapangiti sa kalagitnaan ng pagkain ng magsink-in sa akin na sa kaniya galing ang mga ito.

Pakiramdam ko tuloy ay dahil doon ay mas masarap ito ngayon, kahit na kapareho lang ito ng kahapon.

Say Or Regret (Eleazar Series#2) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon