13th Chance

27 8 0
                                    

13th Chance

Our first went well, especially to me and Gelo. Although in our first day I told him that we need to lie low to each other. I know it's sounds disappointing but also a big help to me, para tigilan ako ni Ana hanggang sa tuluyan ng mawala yung pagkagusto niya kay Gelo.

"Okay, papayag ako. Pero hayaan mo kong ihatid ka pauwi."

And like what he said, araw-araw niya nga akong hinahatid. He even treat me a food.

"Galante mo talaga ehh, no?" I joke, tumawa lang siya sa sinabi ko.

Nasa isang tindahan kami, kung saan madaming tinitindang steetfoods at meryenda. Kumagat ako saking kamote cue, this my all time favorite. Naalala ko pa noong bata pa kami, laging nagluluto si Mama ng kamote cue.

"Huy, ano nginingiti mo dyan?" nagtataka akong napalingon kay Ate.

Nakaupo ako sa tabi ng lamesita habang nagsusulat ng activity. Dahil sabado ngayon at walang pasok ay eto ang napagdesisyonan kong gawin para sa araw na ito.

"Huh? Ahh! Naisip ko lang kung ano kayang neryenda natin. Miss ko na kamote cue ni Mama ehh."

"Yun lang ba? Edi sasabihin ko kay Manang na kamote cue ang lutuin, lakad na at pagbuksan mo ng gate si Gelo." dare-daretsong sabi ni Ate at tumungo ng kusina.

Naguguluhan man sa sinabi niya ay mabilis akong tumayo at tumungo sa pinto. Sumilip ako mula roon para makita kung totoo ba ang sinabi ni Ate na nasa gate si Gelo. Ganoon nalang ang panlalaki ng mata ko ng makitang nakatingin ito sa akin, nakangiti at kumaway pa.

Mabilis kong tinungo ang gate at binuksan ito para sa kaniya.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Binibisita ka. Sabado ngayon diba?" he answered.

"Ayaw mo ba? Sige aalis na ko."

Akmang aalis na siyang muli nang pigilan ko siya.

"Nandito ka na diba? Edi tulungan mo nalang akong magsulat!"

Tulad ng bakasyon naging madalas ang pagpunta niya sa bahay tuwing Sabado. Sa bahay na din siya nagawa ng mga activities kasama ko.

Ilang beses ko ng binasa ang tanong sa number 2 pero hindi ko pa din nasasagutan. Naiiling nalang ako sa sarili ko. Bumuntong hininga ako at nilingon si Gelo.

"Gelo, tapos ka na ba sa number 2? Pakopya?" I asked him while tapping my ballpen on my cheeks.

"Ha?" nilingon niya ako sandali bago iniabot sa akin kaniyang notebook.

Nasa test C na siya samantalang ako ay test A pa din. Bahagya akong natawa sa pagkamangha.

"Ang bilis mo!" bulalas ko at nilingon siya.

Lalo pa akong natawa ng makitang nakatingin siya sa akin na tilaba pinapanuod ako. Agad na nagwala ang puso ko ng ngumiti ito sa akin.

"Syempre!" mayabang nitong sabi at kinindatan ako.

Pasimple kong binalik ang tingin sa kaniya notebook at nagkunwaring binabasa ang mga sagot niya. Kahit na ang totoo ay itinatago ko lang ang pamumula sa kaniya.

"Movie marathon tayo bukas? Sa bahay? May bagong download si kuya na movie." aya ni Mika sa amin ni Franz.

Sabado na ulit bukas, at habang tumatagal nakasanayan ko na ding sa bahay lang pag Sabado dahil iyon ang araw ng pagpunta ni Gelo sa amin. Gantong araw palang ay excited na agad akong mag bukas para makasama siya ng mas matagal.

"Sure!" pagpayag ni Franz sa pag aya ni Mika.

"Ahh, hindi ako pwede ehh. Madami akong gagawin sa bahay." pag dadahilan ko.

"Talaga ba? Sayang, pero sige kami nalang muna ni Franz bukas tapos next time sumama ka na ahh?"

"Oo naman!" tugon ko ang ngumiti pa sa kanila bago tuluyang nagpaalam.

Saktong pagliko ko ay nakita ko agad si Gelo na naghihintay. Sa may tabi ng tindahan siya nag hihintay sa akin tuwing uwian, katulad ng napagkasunduan naming dalawa.

I smiled at him and slightly nod. We have a small talk while on our way to my home.

"Magkakaroon tayo ng hiphop dance," napatingin ako sa kaniya at ngumiti.

Nasabi na iyon sa amin ng Mapeh teacher namin, pero  wala pa namang ina- announce ang president namin para sa practice.

"Oo nga daw, sabi ni Ma'am Selah."

"Baka next week, hindi ako makapunta sa inyo ng Sabado."

Agad na pawi ang ngiti sa akin.

"Bakit naman?"

"Magsisimula na kasi kaming mag practice, doon sa kaklase namin. Tuwing Sabado."

Tumango tango ako sa kaniya at bahagyang ngumiti. Hindi naman pilit dahil naiintindihan ko naman ang reason niya.

"Ahh, ayos lang. Baka kami din magsimula nang magpractice." sabi ko para mapanatag din siyang hindi ako nagtatampo.

Medyo nalungkot lang dahil hindi ko na siya makakasama sa nakasanayang araw.

"So hindi tayo pwede ng Sabado." hindi ako umimik sa sinabi niya.

Wala pa naman kasing napapag usapan ang klase namin about sa practice. Kaya sa ngayon ay siya lang ang hindi pwede sa araw na iyon.

Bakit hindi nalang kaya Linggo siya pumunta sa amin? Hays. Kaso siguradong pagod siya sa araw na iyon dahil sa practice.

"Ahmmm, pwede ba tuwing Linggo nalang ako pupunta sa inyo?"

"Huh?" para akong nabingi sa sinabi niya.

Nabasa niya ba ang isip ko? Ehh? O seryoso siya doon?

"Sa linggo ako pupunta sa inyo at hindi na Sabado." he repeated.

"Hindi ba pagod ka noon? Pahinga mo na dapat yung araw na yon."

"Ayos lang. Ikaw kaya yung pahinga ko. I feel relax when I'm with you."

"Wew! Joke yun?" I even cackled.

"No, it's true."

"Tama na nga. Kung ano-ano ng sinasabi mo ehh. Gutom ka lang siguro, kaya ayan. Ako na manlilibre sayo." pag-iiba ko at hinila siya sa lagi naming binibilihan.

"Wag na. Ako na magbabayad ng kakainin natin." sambit niya ng magsimula na akong mamili ng pagkain.

"No, ako nga diba? Pagbigyan mo na ko. Minsan lang to." I wink at him and look on the foods.

"Edi sige. Siguraduhin kong mabubutas yang bulsa mo sakin. Babawi ako sa lahat ng panlilibre ko sayo."

Natatawa nalang akong napailing sa kaniya. Hindi na pinatulan ang sinabi niya at kumain nalang ng papiling meryenda.

Napangiti ako ng mapalingon sa kaniya. Limang stick ng isaw ang kinuha niya at lima pa ng ibang inihaw na naroon at ibinigay sa taga ihaw. Ilang sandali pa ay kumuha siya ng tig isang order ng fries at cheese stick.

Tagalang tototohanin niya? Seryoso?

"Ano? Kaya pa?" nilingon niya ako at sinabi iyon.

Tumango ako sa kaniya.

"Oo naman, may ipon ako."

"Oh, edi sige. Ate padagdag pa nga po ng sampung stick ng isaw at taba. Tapos tig isang order pa ng fries at cheese stick. Hmmm. Tapos dalawang coca cola mismo."

Halos manlaki ang mata ko sa kaniya.

"H-Hoy! Grabe ka!"

"Bakit? Diba sabi mo minsan lang kaya pagbigyan na kita? Edi pagbigyan mo din ako!"

"Ay, grabe ka."

I heard him cackled.

"Gaano ba ka grabe? Yung tipong hindi mo malilimutan?"

Say Or Regret (Eleazar Series#2) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon