3rd Chance

48 13 0
                                    

3rd Chance

Nakatulala ako sa bintana, walang klase at lahat sila ay may kanya-kanyang ginawa. Wala namang bago, lalo na pag walang ginagawa.

"Crizza, sama ka samin? Tambay kami sa labas." agad kong inilingan ang pag aaya sa akin ni Mika.

Wala ako sa mood para tumambay sa labas, mas gugustuhin ko pang matulog nalang dito sa upuan ko. Iniwan niya ako doon kasama sila Franz tulad ng gusto ko.

Halos lahat ng mga kaklase naming lalaki ay walang ginagawa kundi ang maglaro sa kanilang cellphone, may ilan pa silang kasama na taga ibang section sa paglalaro. Umub-ob ako at handa sa pagtulog.

"Sa mid tayo. Dali!" sigaw ng isang lalaki na kalaro nila, na sigurado akong taga ibang section.

"Hoy, bawal maingay dito. May natutulog." narinig ko ang pananaway ng isa namang lalaki na ikina-angat ng ulo ko para tignan ito.

Mabilis akong naistatwa ng makita kung sino ang lalaking nanaway, nakatingin ito sa akin at nakangisi. Nasisigurado kong hindi namin ito kaklase dahil kilala ko ang mga kaklase ko at sigurado akong hindi siya kasama roon.

Agad na may pumasok na tanong sa aking isip na agad din namang nasagot ng makitang may hawak itong cellphone at muling naglaro doon.

Agad akong tumingin sa labas ng bintana, pilit na pinakalma ang puso ko. Sa bilis nito ay tila malalagutan ata ako ng hininga, hindi ko alam kung bakit.

Muli akong umub-ob ng kumalma na ako. Pinilit kong matulog kahit na hindi mabura bura ang ngisi niya sa aking isip. Grrr!!

"Sorry, maingay kami." muli kong napatunghay ng may magsalita aking tabi.

And it's him again!

"Okay lang. Sanay nako." sabi ko at muli na sana ulit na uub-ob pero muli na naman siyang nagsalita.

"Lagi ka ba talagang mag-isa?"

"Sa tingin mo?" pagsusungit ko sa kanya para tigilan ako, dahil baka pag nagtagal pa siya sa tabi ko ay marinig niya na ang tambol ng puso ko.

"Sungit naman." sabi pa niya at humalakhak pa, magsasalita pa sana akong muli ng may tumabi sa kanya na isa sa mga kaklase ko. Si Ana.

"Tapos na kayo maglaro?" tanong ni Ana kay Gelo, na agad naman nitong tinanguan.

"Ahh, ehh ba't nandito ka? Diba dun ka kanina nakaupo?" takang tanong ni Ana at tinignan ako na tila ba may ibang kahulugan.

Hindi ko maiwasang mapakunot ng noo at magtaka sa kanilang dalawa. Lalo na ng hawakan ni Gelo ang kamay ni Ana.

Sila ba? Yan ang gumulo sa isip ko.

"Kinausap ko lang si Crizza, mag-isa ehh."

"Ahh, edi alam niya na din na girlfriend mo ko?" nahimigan ko ang pagseselos sa tono nito.

Para akong na bingi sa narinig kaya mas pinili ko nalang na umub-ob at hayaan sila sa pag-uusap. Pinilit ko baliwalain ang narinig, pilit ko din na inisip kung paano naging sila pero lahat nauwi sa tanong sa sarili ko na, bakit ba kailangan kong malaman?

Simula noon, araw-araw kong nakikita si Gelo sa labas ng room at kung minsan ay sa loob. Hindi ko alam pero pag nakikita ko siya ay sumasaya at gumagaan ang pakiramdam ko, at pag nakitang magkasama sila ng kaklase ko ay bumibigat ang pakiramdam ko. Hindi ko maintindihan, halo-halo ang nararamdaman.

Uminom ako ng tubig ng muling maramdaman ang kuryenteng dumadaloy sa aking dibdib.

"Huy, baka hindi mo na maubos ang pagkain mo nyan sa kakainom ng tubig." sita sa akin ni Franz.

"Huh? Ahh! Hindi ahh." parang doon lamang ako natauhan, kanina pa ako napapatingin sa gawi nila Gelo at maya't-maya ko din nararamdaman ang kuryenteng iyon, na nawawala pag-umiinom ako ng tubig.

Nagpatuloy ako sa pagkain na parang wala lang.

"Kuh! Umamin ka nga sakin. May gusto ka kay Gelo noh?" nanlamig ako ng ibulong sa akin ni Franz iyon. Pakiramdam ko ay naubos ang aking dugo sa aking mukha.

"Totoo noh?" nanlaki ang mata ko ng iduktong niya iyon.

"Ayiiieee.." pang gagatong nito sa akin at tinusok tusok pa sa tagiliran.

"Pwede ba. Hindi totoo yan." saway ko sa kanya pero imbis na manahimik ay lumawak pa ang ngisi nito.

"Owkey. Sabi mo ehh." pagtigil niya at humalakhak.

Muli akong sumulyap kina Gelo, nagulantang ako ng makita ang matamang pagtingin niya sa akin.

Why? Why are you looking at me like that?

"Huy, kumain kana. Baka matunaw yan." pag-aasar pa ni Franz sa akin na inirapan ko tsaka nagpatuloy muli sa pagkain.

Inisip kong mabuti, nag search ako kung ano ba itong nararamdaman ko. And guess what? Based on my search, I like him not just a friend but in a romantic way.

Kailangan ko na talaga siyang iwasan. Delikado to, dahil bukod sa may girlfriend siya ay hindi ako pwedeng magkagusto sa kanya. Basta hindi pwede.

Say Or Regret (Eleazar Series#2) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon