27th Chance

23 5 0
                                    

Ate Ching: Hi. Simula po sa chapter na ito ay nasa present na.:)

27th Chance

"Ma'am, saan po kayo?" doon ako napatingin sa labas ng sasakyan kung nasan na kami. Mabilis naman akong pumara sa natanaw kong malapit na bar.

Pagpasok ko palang ay dumareto na agad ako sa counter at umorder. I didn't mind if this is my first time to drink, just all I want for now is to forget what I did. Bukod sa nakakahiya ang ginawa kong pag-amin sa kaniya ay sobrang sakit ng puso ko. Ten times yung sakit na nararamdaman ko sa sakit na dinulot niya sa akin noong umalis siya.

Araw ng graduation noon, gumawa ako ng letter para sa kaniya at handa na akong sabihin ang nararamdaman ko para sa kaniya kahit alam kong may Momo na sa buhay niya. Pero sa araw na iyon ay hindi ko siya mahanap, nalaman ko nalang kay Jhay na umalis na ito patungo sa probinsya kasama ang buo nilang pamilya. Hindi na nahintay ang graduation.

Noong una ay hindi ako naniwala dahil nakita ko pa ito nung isang araw. Nag aayos ng requirements. Pero nung sinusubukan ko na itong tawagan ay wala, out of coverage. I tried to text him, pero wala na talaga.

"1 more vodka please." sabi ko sa bartender.

Sa counter ako umupo. Tutal ako lang namang mag-isa at wala akong balak na makipag-usap sa iba.

Mabilis akong nilagok ang iniabot sa akin ng bartender. Muli akong napaiyak nang maalala ko ang nangyari kanina.

"I'm getting married."
"I'm getting married."
"I'm getting married."

"Ang daya-day mo. Hindi mo talaga matiis nang walang babae sa buhay mo!" I said while crying.

I sign to bartender for more glass of drinks. Tututol pa sana ito pero hindi na niya nagawa nang makita ang luha sa akin.

"Ang tagal mong hindi nagparamdam sakin. Lagi mo nalang akong gino-ghost! And now! You're getting married." naiinis kong sabi.

Iinumin ko na sana ang binigay ng bartender nang may umagaw nito sa akin at siya ang uminom. Lalong nagtuluan ang mga luha ko nang makita si Gelo iyon. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya kahit na sobrang daming bagay ang gusto kong sabihin sa kaniya. Naunahan ako ng iyak.

"I'm sorry." I heard him say.

Agad akong napatigil sa pag-iyak at hinarap siya. Kitang kita ko kung gaano siya kaguilty, pero hindi sapat iyon para mapawi ang sakit na nararamdaman ko.

"I'm sorry? Really?" bahagya pa akong tumawa sa kaniya at dinampot ang card at ibinato sa kaniya.

"Ayan! Isaksak mo sa baga mo! Magsama kayo ni Momo!" singhal ko sa kaniya bago muling humarap sa bartender para sa panibagong inumin.

Alam kong wala akong karapatang sabihin iyon sa kaniya, dahil kahit kailan ay hindi naging kami. Hanggang kaibigan lang.

"Hindi si Momo ang papakasalan ko." dinig kong sabi pa ni Gelo.

"Oh? Wala akong pakealam kahit sino pa yan! Iwan mo na ako dito!" iritado kong sabi at iinumin na sana ang binigay ng bartender pero muli itong inagaw ni Gelo. Siya muli ang uminom.

"Hindi ka na talaga nagbago noh? Lagi mo nalang akong pinapaasa." muling nagpatakan ang luha ko.

"Sabi mo ikaw yung partner ko? Sabi hindi ka mag gi-girlfriend. Pero malalaman ko nalang na kayo na ulit ni Momo. Tapos ngayon na nasabi ko na yung nararamdaman ko para sayo, ikakasal ka naman!" duktong ko pa.

"Tapos ngayon nandito ka sa harap ko. Sabihin mo nga. Bakit mo ko sinundan? Sana hindi nalang ehh. Kasi sa ginawa mong yan pinapaasa mo na naman ako!" mabilis kong pinahidan ang luhang nag-uunahan mula sa mata ko.

Akmang hahawakan niya ang kamay ko pero mabilis akong umiwas sa kaniya. Pero ang pag buhat niya sa akin ang hindi ko inaasahan. Mabilis siyang nagbayad bago tumungo palabas ng bar.

"Ibaba mo ako! Saan mo ba ako dadalhin?!" pagpupumiglas ko kahit na masakit sa ulo ang pag buhat niya sa akin. Dahil para niya akong ginawang bigas.

Ibinaba niya lang ako ng makarating kami sa kotse niya at isinakay niya ako roon. Lalo lang akong napaiyak sa ginagawa niya.

He shouldn't do this if he doesn't have a feelings for me!

"I'm sorry." sabi niya nang makapasok ng kotse. Matalim ko siyang nilingon.

"Bakit mo to ginagawa? If you really want to say sorry, you shouldn't do this! Pinapaasa mo lang ako lalo!" sigaw ko sa kaniya.

"I'm sorry. I didn't mean to do that."

"Paasa ka talaga e' noh? Alam mo na nang mahal kita tapos ganyan pa yung ipapakita mo sakin!"

"Look, I have a feelings for you too." halos matigilan ako sa sinabi niyang iyon. Ilang sandali pa ay bigla nalang akong natawa kahit na may luhang umaagos sa aking mata.

"Talaga ba? Kaya pala magpapakasal ka na ngayon." sabi ko habang natatawa. Naiiling nalang ako sa kanya.

"Kaya pala bigla ka nalang hindi nagparamdam. Ni ang itext ako wala. Ang dami mong pagkakataon para balikan ako at sabihin ang nararamdaman mo, pero hindi mo ginawa. At kung kailan ikakasal ka na sasabihin mo yan." duktong ko. May sasabihin pa sana ako pero nawala ang mga iyon ng biglang hawakan ni Gelo ang pisngi ko at tignan ako sa mga mata.

"Mahal kita, Criz. Matagal na. Sorry kung hindi ko nasabi sayo. Sorry kung lagi nalang ako nawawala sayo. Sorry." he said and kissed me.

Parang tumigil ang mundo ko ng gawin nya iyon. Parang nawala ang sakin kahit sandali.

"Bakit hindi nalang ako?" I said when the kiss end.

"Hindi na pwede. Magkaka baby na kami. Sorry." hindi nakawala sa paningin ko ang luhang pumatak mula sa mata niya.

Hindi ko na din naiwasan ang pag iyak ko. He's having a baby. Kaya wala na dapat akong asahan pa.

"Kaya ka ba magpapakasal?" I asked him kahit na obvious ang sagot. Gusto ko pa ding makasigurado.

Sa mahina niyang tango ay napahagulgol ako. Kung sana maaga lang akong bumalik. Kung sana dito nalang ako nag trabaho at hindi na umalis. Para sa pagbalik niya ako na ayung nakilala niya. Pero hindi ehh, puro sana nalang.

"Hinanap kita. Sinubukan kong kontakin ka sa social media, pero wala ehh. Siguro hindi talaga tayo yung para sa isa't-isa. Sorry." he said while crying.

Pinilit kong ikalma ang sarili ko kahit na sobrang sakit ng nararamdaman ko. I should leave him now. Hindi na dapat ako magpahatid sa kaniya o ano. We should end what we have now.

Kahit hindi pa kalmado ay agad kong pinuksan ang pinto ng kotse niya at akmang aalis na doon kung hindi lang niya ako hinila pabalik at biglang hinalikan.

Sa isang iglap pansamantala kong nakalimutan ang lahat. Tanging ang nararamdaman ko at nararamdaman niya lang ang tanging naiisip ko. I can't help but to response to his kiss. Kahit ngayon lang. Pero biglang nag flash sa isip ko ang nangyari kanina.

"I'm getting married."
"I'm getting married."
"I'm getting married."

Mabilis na dumapo ang palad ko sa pisngi niya. Kita ko ang gulat sa mga mata niya sa ginawa kong pagsampal. Kahit ako ay nagulat, pero hindi ko iyon pinagsisihan.

"Tama na, Gelo! Wag mo na akong paasahin pa!" sigaw ko sa kaniya at nagmamadaling lumabas ng sasakyan niya.

Kahit nahihilo ako sa kalasingan ay nagawa ko pa ring pumara ng masasakyan pauwi kay Jane. Hindi ako pwedeng umuwi sa bahay ng ganitong sawi. Lasing na nga, umiiyak pa.

Say Or Regret (Eleazar Series#2) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon