1st Chance

98 15 0
                                    

1st Chance

Napatitig ako sa envelope na hawak ng makasakay sa napara kong bukyo. Patuloy pa din ang ang paglandas sa aking mga mata. Still in shock because of what happened. Mabilis na bumalik sa alaala ko ang lahat, kung paano ko siya unang nakilala.

Tahimik lang akong nakikinig sa aming teacher. MAPEH time, ang pinakanakakaboring na klase sa lahat. Hindi ko kasi maintindihan, bukod sa ang gulong mag turo ay hindi din maayos ang pagkakabigay niya ng instruction sa amin.

"Okay, let's called it a day. Goodbye class." paalam ng aming teacher bago ito tuluyang lumabas ng aming room.

Tahimik kong nilikom ang aking lecture na wala namang laman. Matatapos ata ang taong ito na wala akong natututunan sa Mapeh.

Magulo at maingay ang buong classroom, marahil dahil ito lamang ang tanging oras na libreng mag-ingay ang lahat dahil walang teacher. Malaya ang lahat.

"Crizza, tara canteen?" pag aaya sa akin ni Franz na hindi ko naman tinanggihan.

Tahimik sa labas ng room, kami lang yata ang walang klase. Ngunit may isang lalaki akong nakita sa dulo ng corridor. Lalaking nakatayo sa labas ng kanilang room, tila ba ay pinalabas ito.

Seryoso at tahimik lamang itong nakatayo. Complete uniform at mukhang presentable, pero bakit siya na pa labas? Sa pangalawang taong ko rito ay parang ngayon ko lamang din ito nakita, o sadyang hindi ko lang napapansin. Hindi ko maalis ang aking tingin sa kanya, kahit na napatingin ito sa lugar ko. Hindi maalis ang aking tingin at ganoon din siya.

"Hoy, sinong tinitignan mo ha? Naku! Crush mo ba yan?" doon ko lang naalis ang tingin ko sa lalaki ng tapikin ako ni Franz.

Mabilis akong umiling sa tanong niya, ngunit tangin mapang-asar na tawa lamang ang isinukli nito sa akin.

Hindi na ako umimik pa. Ikinawit niya ang kaniyang kamay sa aking braso at iginawad sa ang daan papunta ng canteen. Hindi ko maiwasang hindi mapasulyap muli sa lalaking nakatayo doon sa dulo.

Ganoon na lamang ang aking pagkagulat ng makitang nakatingin parin siya sa akin. May kung anong gumising sa natutulog kong diwa. Ang lakas ng tibok ng puso ko, tila ba tumatakbo ito at hinahabol ng kung ano. Kung ano na hindi ko matukoy.

"Huy, kanina ka pa tulala? Ano bang iniisip mo? Parang ang lalim ahh?" isang palakpak ang nagpabalik sa aking katinuan.

Si Franz, ang aking kaibigan na laging nang gugulo sa tahimik kong mundo.

Kakatapos lang ng aming klase at wala akong natutunan dahil sa aking pagkatulala. Naulan, malamig at nakakatamad. Parang gusto ko na lamang tumulala maghapon o hindi kaya matulog sa aking kama.

"Ano ba naman kasi ang iniisip mo? Share naman." pangungulit pa nito na agad kong inilingan bago umub-ob.

"To naman, napaka sungit. Naku! Hindi ko talaga alam kung paano kita naging bestfriend! Ako lang ang nakakapagtiis sayo ng ganto. Sa lahat ng ka weirdohan mo at kasungitan mo. Hmmp!" mahabang litanya niya. Hindi ko maiwasang hindi mapatangiti sa sinabi niya.

Napaka tampururot. Franz tampururot.

"Hay nako! Kahit ata anong drama ko dito ay hindi mo pa din sasabihin ang dahilan. Bahala ko na nga dyan, kay Mika at Cathy nalang ako magpapasama sa canteen." duktong pa nito. Napailing nalang ako sa kanya at hindi pa din natungo.

Tila ang tagal ng maghapon. Ang dami pang pinapagawa. Marahil dahil malapit na ang exam. Buti nalang at walang pasok bukas, makatulog ako ng mahaba.

"Babay. Ingat." paalam sa akin ni Franz.

Tumango lamang at ngumiti sa kaniya bago nagdare daretso palabas ng building. Iintayin niya pa ang kapatid niya.

Medyo maaga pa para sa labasan kaya kakaunti palang ang mga estudyanteng naglalabasan ng building. Sarado pa din ang gate kaya naisipan kong tumambay muna sa Canteen. Sarado na naman iyon marahil dahil mag-uuwian na.

Tahimik ako habang nakaupo at pinapanuod ang mga isa-isang estudyanteng katulad ko ay kakalabas lang ng room at naghihintay ng pagbubukas ng gate.

"Uy, piso." agad na naagaw ang atensyon ko ng mga lalaking dumaan sa aking tabi.

Pero isang lalaki lang ang pinagtuunan ko. Ang lalaking bigla na lamang yumukho sa harap ko at nagkunwaring may nahulog. Napakunot ako ng noo at sinundan ang pinulot niya, ngunit wala naman pala. Kasunod noon ay ang tawanan ng kanilang tropa.

Hindi ko maiwasang mapairap. Mga pasaway!

Teka. Namumukhaan ko siya! Siya iyong lalaking napalabas sa kanilang klase, maharil dahil sa kakulitan.

Huh! He deserved that.

Ilang minuto pa ang lumipas ay hindi ko mapigilang mapatulala at maisip ang lalaking napalabas at ang lalaking kanina ay nantrip sa akin. I don't know why I'm thinking about him. He's just nothing on me.

Parang may kumurot sa puso ko ng isipin kong wala lamang siya sa akin. It's just like, he's not nothing to me. And I don't why.

Say Or Regret (Eleazar Series#2) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon