40th Chance

38 8 0
                                    

Ate Ching: Thank you for reaching this last chapter.❤️ The next will be the ending of this story. Salamat sa pagsuporta ng kwento ni Crizza at Gelo. Maraming salamat sa inyo.💕 Enjoy reading ❤️❤️❤️

40th Chance

"Sa bahay ka magdinner mamaya, pinapupunta ko sila Mama sa bahay para makilala ka." sabi ni Gelo sa akin.

Kumakain kami ng lunch kasama si Mark. Halos dalawang linggo na din ang lumipas ng maging kami at araw-araw niya na ding sinusundo si Mark para sabay-sabay kaming tatlong maglunch. Masaya akong makitang nagiging masaya si Mark dahil nagkakaoras na si Gelo sa kaniya.

Agad akong kinabahan sa sinabi niya. Hindi naman ito ang unang beses na makilala ko sila at ipakilala ako ni Gelo. I already met his parents when we're senior high, pag sumasama ako kay Kuya Sean. Napatingin ako sa kamay ni Mark ng hawakan nito ang kamay ko.

"Wag kabahan, Tita Criz. Mabait si Lola." napangiti nalang ako sa kaniya at bahagya siyang kinurot sa pisngi.

"After that, we should schedule a dinner with your family." sabi sa akin ni Gelo pagkahinto ng sasakyan niya sa harap ng school. Madami pa akong gagawin at kailangan kong tapusin ang mga iyon.

Napaisip ako sa sinabi niya. Naalala ko si Mama na lagi nalang akong tinatanong kung kamusta na kami ng tatay ni Mark pero laging 'ma naman' ang sinasabi ko imbis na sagutin iyon.

Tumango ako sa kaniya.

"Sige. Kakausapin ko sila Mama. May be next week?" sabi ko.

"What about, tomorrow?" nanlaki ang mata ko doon.

"Hindi ko pa kasi nasasabi yung tungkol sating dalawa." sandali siyang tumingin sa akin bago nagbuntong hininga at tumango.

Para akong na guilty sa sinabi ko. Dapat yata ay hindi ko iyon sinabi.

"Sunduin kita mamaya sa unit mo." pahabol niya sabi bago kami magpaalam sa isa't-isa. Nagpaalam din ako kay Mark.

Napabuntong hinanga nalang ako na umupo sa upuan ko. Agad kong ginawa ang mga gawain ko, saktong alas tres ng hapon nang matapos ako at napgdesisyunang dumaan muna ng bahay bago umuwi sa unit ko at makapaghanda sa dinner namin mamaya kasama ang magulang ni Gelo.

"Hindi mo kasama si Mark?" umiling ako.

Sa isang linggo ay may isang araw doon na sinasama ko si Mark sa bahay at iyon din ang araw ng pagpunta ko doon. Kaya hindi nako nagtaka ng hanapin ni Mama si Mark ng pumunta ako roon.

"Edi ano ang sadya mo dito? May ipapakilala ka na bang boyfriend mo sa amin?" muling tanong ni Mama. Napasimangot ako.

"Ma naman."

"Ayan ka na naman sa 'ma naman'! Akala mo ba hindi ko napapansin ang pagiging malapit nyo ni Mark!" napapikit ako sa tinis ng boses ni Mama.

"Sabihin mo nga sakin, itutuloy mo ba yang plano mong pag-ampon kay Mark?" nanlaki ang mata ko at natawa kay mama.

"Ma, hindi."

"Ano pala?"

"Kami na po ni Gelo." madiin akong napapimit ng sabihin iyon. Pagmulat ko ay nasa harap ko na agad si mama at malaki ang ngiti.

"Talaga anak?" tumango ako.

"Kailan mo siya dadalhin dito para makapaghanda ako."

"Bukas po, dito po kami magdidinner nila Mark." tumango-tango si Mama at sinabing sasabihin iyon kina Papa para kumpleto ang lahat. Natawa pa ako doon at sinabing hindi pa naman mamanhikan.

Say Or Regret (Eleazar Series#2) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon