"Bettinaaaaaaaaaaaaaaa!" wow galing nung tandang namin, kung tumialok pangalan ko na yung sinasabi. Hihihihi.
"Be-ti-naaaaaaaaaaaa!" ang galing galing talaga. Bawat pantig pa ang pagbigkas Yieeeeee!!!
"Bettina Andrea Gomez! Pag hindi ka pa tumayo diyan bubuhusan na kita ng tubig!!" ang galing talaga nung tandang nami—"
"Waaaaaaaaaa! Ang lamig!!!" shemay! Ang lamig lamig lamig nung ibinuhos saking isang timbang tubig. Huhuhuhuhu.
"Lamig lamig ka diyan! Bumangon ka, pakainin ang mga baboy, magluto, magwalis ng bakuran, paliguan si Yusop, paliguan si Chichi, magluto ulit, maglinis ng kubeta at pumasok!!!" sinasabayan ko na yung pagbuka ng bibig ni Auntie kasi saulado ko na yung sermon niya tuwing umaga. Kung nagtataka kayo kung sino sina Yusop at Chichi. Si yusop yung aso nilang askal tapos yung si Chichi yung aso din, JOKE! Anak siya ni Auntie. Kinder palang siya kaya hindi niya pa makayang maligo mag isa. Menopause baby niya si Chintine. Ang weird ng pangalan no? Kasing weird ng tiyahin ko.
"Opo Opo,"
"Opo opo ka diyan! Bilisan mo na! Ang kupad kupad! Pabigat ka na nga, tapos tamad ka pa!"nyenye! Ang ingay ng matandang to ke aga aga! Sumasakit tuloy yung ulo ko. Huhuhu
Lumabas na siya ng kwadra ko kaya kahit hinihila pa ko pabalik ng katre ko [katre- kama na gawa sa kahoy] ay tumayo na ko at lumabas dahil baka mamaya mainit na tubig naman ang ibuhos sakin ni Auntie.
Nagsimula na kong gawin ang mga inutos niya sakin dahil kung hindi, sa dami nun, baka malate ako sa pagpasok. Nagsimula ako sa pagpapakain sa baboy. May favorite nga ako dito e, yung biik na kakapanganak lang nung isang linggo. May itim na spot siya sa magkabilang pisngi. Ang cute cute!
"Good Morning Oink!"
Ang cute niya talaga. Waaaaaa!
Okay, habang ginagawa ko ang mga inutos sakin hayaan niyong magpakilala na ko. Ako si Bettina Andrea Gomez. 17 years old. College na ko this year taking up BS Psychology sa Fairlake University. Ulila na ko. At ang masungit at araw araw ay menopause kong Auntie ang nag iisang nagmalasakit kumupkop sakin. Alam kong kahit malupit siya, magpasalamat parin ako kase kung wala siya siguradong sa ampunan ang bagsak ko.
Pero hindi na ko nalulungkot. Sabi nga ng mama ko, Hangga't nabubuhay, maging masaya lang dapat! Nakamove on na ko. At alam kong masaya na sila sa piling ni Lord.
Anong klase akong tao? Hyper ako! At lagi akong energetic. Masayahin at happy happy lang. Kailangan e, kundi maaga akong magkawrinkles. Teka, tama ba ang spelling?
Nakakuha ako ng scholarship sa papasukan kong university kaya keri lang. Si Auntie naman nagbibigay sakin ng pera para lang sa baon ko. Pero hindi sapat yun. Kailangan ko pading humanap ng part time job. Pano kung may mga gagawin o bibilhing kailangan? Wala akong extra budget.
Anak ng tipaklong! Kailangan ko talaga ng trabaho! Waaaaaaaaa!
Matapos kong gawin ang lahat ng inutos sakin ni Auntie, nag ayos na din ako ng sarili ko, mahirap na baka malate pa. First day ko pa naman.
Yassy's Pov
"Tin!!!" ayun! Nakita ko din sa wakas ang bestfriend ko. Hirap talagang hagilapin nito. Nagtatakbo ako palapit sakanya.
"Hi Bes,"
"O, alang kafirst day ganyan ang itsura mo?!" pano ba naman kasi hindi maipinta yung mukha.
"Ikaw ba naman ang magpakain ng pitong inahing baboy? Magpaligo ng aso? Magpaligo ng 5 years old na bata na sobrang kulit? Magluto ng dalawang beses? Mag—" di ko na pintuloy dahil sure akong malelate kami kung iisa isahin niya pa ang mga inutos sakanya ng Auntie niya.

BINABASA MO ANG
LIFE with BTS
FanfictionTungkol ito sa isang palaban at masayahing babae na napilitang magtrabaho para sa isang grupo ng mga sikat at hinahangaang lalaki. Hindi niya alam na ang makasalamuha ang mga ito ay makakapagpabago sa tahimik at mahirap niyang buhay. Samahan nati...