Bettina's Pov
"Ako na ang maghuhugas ng mga pinagkainan." sabi ko nang matapos na ang lahat sa pagkain. Inumpisahan ko nang magpatas ng mga plato.
"Tulungan na kita diyan," alok ni Kuya Ilong sakin.
"Hindi na, kaya ko naman Kuya Jungkook!" saway ko sakanya pero hindi siya natinag. Hays! Osige! Bahala ka. Tulungan mo nga ako para may inspiration ako habang naghuhugas. Yieeeeeeeee!!
"Bettina di ba may pasok ka pa? Anong oras?" biglang tanong ni Kuya Lips sakin mula sa sala.
"7:30 po!" masaya kong sagot. Kasi kinikilig din ako katabi ko ngayon si Kuya Ilong. Eeeeeeeeeeeeee!!! :">
"Ha? E 7 na ah?" nagising lahat ng neurons ko sa katawan nang sabihin yun ni Kuya Biloy.
"Talaga po?!!!" napatingin si Kuya Ilong sakin habang nag huhugas ng plato.
"Oo, late ka na." sabi ni Kuya Jimin.
"Aish!!! Oo nga!" medyo natuliro ako kaya naman yung sinasabunan kong plato ay nabitawan ko at ayun, nabasag. Careless Bettina!!!! Ugh!!
"Naku! Sorry! Nabasag ko!" agad akong umupo para kunin ang mga nabasag na parte. Pero dahil nga medyo tuliro pa ko kasi malelate na talaga ako ay di ko namalayang nataga na pala ako. Kung di pa sinabi ni Kuya Ilong.
"Bettina! Yung kamay mo!" umupo din si Kuya Ilong tapos hinawakan niya yung kanang kamay ko na nataga. Saka lang ako nakaramdam ng kirot.
"Bakit?! Anong nangyari?" nakiisyoso si Kuya Pogi, kasunod sina Kuya Lips at Kuya Singkit.
"Ang lalim ng pagkakataga.." sabi ni Kuya Ilong habang hawak niya parin ang kamay ko. Iginaya niya ako patayo tapos naglakad kami hanggang sa sala. " Jin hyung! Pakikuha nung first aid kit natin dun sa may cabinet!" utos niya habang hinihipan yung malalim na sugat ko sa palad.
"Okay lang naman, di gaanong masakit." sabi ko pero ang hapdi talaga!!! T^T
"Hayaan mo nang magamot yan, Bettina. Kesa dumugo yan ng dumugo." sabi ni Kuya Pogi kaya tumango na lang ako.
Dumating din si Kuya Lips na may dalang kit. Ginamot ako ni Kuya Ilong habang parehas kaming nakaupo sa sofa. Yung iba naman ay mga naligo at nagbihis na dahil meron daw silang dance practice mamayang 8.
"Ayan, ayus na." sabi ni Kuya Ilong matapos niyang bendahan ang malalim kong sugat.
"Gumawo Hyung!" pasasalamat ko sakanya.
"Basta sa susunod mag iingat ka na ha?" paalala niya kaya tumango tango na lang ako. Hindi padin niya binibitawan ang kamay ko? Pero nakatitig siya sakin. Ughhh!! Nakakaasiwa naman tu!
"Ehe-ehem." tikhim ko para mapalitan ang atmosphere pero hindi siya natinag. Hindi niya parin bitawan ang kamay ko. Enebeeee Jungkook! Nakakahiyaaa! Wag mo kong titigan ng ganyan! Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!
"May kulang pa para tuluyan yang gumaling," sabi niya.
"Huh?" ano daw?
"Eto o," namilog, nanlaki, nagulat, naestatwa, lahat na ng pwedeng tawag sa taong na-shock nang tumungo si Jungkook at halikan ang likod ng palad ko. Tumunghay siya tapos abot tenga yung ngiti niya, "Ayan! Sigurado ako, gagaling na yan."
Haaaaaaaaaa?!
"Ehe-Ehem." di na ko yung tumikhim ha. Napatingin kami sa tumikhim at nakita si Kuya V. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko kasi hindi ako sigurado kung nakita niya ba yun.
"Hyung!" - Jungkook
"Magbihis ka na. Baka malate pa tayo sa practice," sabi ni Kuya V tapos lumabas.
"Uhm, sige Bettina. Mag ayos ka narin. Di ba may pasok ka pa." sabi niya nang hinarap niya ulit ako.
"S-sige," sino kayang hindi mauutal pag hinalikan ka ni Jungkook sa kamay mo?! Waaaaaaaaaaaah!!!
Medyo wala pa ko sa sarili nang umalis siya at iwan ako sa sofa. Kung hindi lang ako late na baka nagpagulong gulong pa ko sa kama ko. Pero pass na muna, liligo na ko at magbibihis.
"Ito ang duplicate ng susi ng bahay, Bettina. Para kunsakaling wala pa kami dito makakapasok ka." sabi ni Kuya Biloy nung nasa labas na lahat kami at handa nang umalis. Iniabot niya sakin ang susi at tumango na lang ako habang nangingiti.
"Sige, see you na lang mamaya!" sabi ni Kuya Lips tapos ginulo niya yung buhok ko. Ang hilig niya sa ganun.
Nagpout na lang ako.
"Annyeong Bettina!" paalam sakin ni Kuya Ilong. Sumakay na sila sa van nila at kumaway kaway na lang ako habang pinapanuod silang paalis.
Nang makaalis na sila ng tuluyan ay siya ko namang takbo.
"Kyaaaaaaaaaaaaa! Late na ko!" late na late na talaga ako! Huhuhuhuhuhu
Mabilis akong sumakay sa pinara kong jeep nang hinihingal pa. Hooooooooo!!!
"Miss, makikiabot ng bayad." sabi nung lalaki sa tabi ko. Kinuha ko nalang yun ng hindi lumilingon sakanya at ipinasa sa katabi ko.
Nagbukas ako ng bag ko para hanapin yung wallet ko. Pero ANAK NG TIPAKLONG !!! Naiwan ko yung wallet ko!!! Napakamalas ko yata ngayong araw na to!!!
Tumingin ako sa orasan ko, 7:35!!! Naku! Kung babalik pa ko malabo nang makaabot pa ko sa 1st subject! Major pa naman yun!
"Nakuuuu! Pano na to?! Pano na! Pano na?!" hawak ko na yung ulo ko habang nakayuko at bumubulong ng PANO NA?!!!
"Bayad po, isang FLU!" napatingin ako sa nag aabot ng bayad na nasa tabi ko. Kino yung bayad e nasa dulo na siya tsaka di ba nakapagbayad na siya? Iniabot niya sa katabi ko kaya medyo napahiyad siya sakin.
Ngumiti siya at tinanguan ako, "Okay lang kung utang muna, 8 pesos lang naman e."
"Huh? Uhm..." di ko alam sasabihin ko! Nahihiya ako. Nakakahiya ka naman talaga Bettina!! Sobraaaa!
"Nakita ko kasing naka ID ka din ng FLU at napansin kong nakalimutan mo ata yung wallet mo. It's fine, kung ayaw mo naman. Isipin mong utang yun." sabi niya tapos ngumiti na naman. Ako naman, sobrang init na ng pisngi ko sa kahihiyan.
"Ah, eh," i o u?
Tumawa siya tapos tumitig sakin.
"S-salamat..." nahihiya ako grabeeeee!!!
Tumango siya tapos bigla siyang pumara.
"FLU na. Tara!" nauna siya sa pagbaba. Medyo natulala pa ko at bumaba na rin.
Sumabay ako sa kanya sa paglalakad. Actually, hindi. Nagulat na lang ako kasi iisa palang building ang pupuntahan namin.
"Uhm..." kinausap ko siya nang malapit na ko sa room ko.
"I'm Sehun. Nice to meet you, Bettina!" kinuha niya ang kamay ko at nakipagshake hands kahit nakatulala lang ako. Tapos naglakad na siya palayo habang nakasuksok yung kamay niya sa bulsa.
Pano niya nalaman pangalan ko?
~~~
[Yeah. There's Sehun of EXO. Hihihi.. Itutuloy ko pa ba? Waaaaaa! Parang tinatamad na ko kasi wala namang nagbabasa. :( ]
BINABASA MO ANG
LIFE with BTS
FanficTungkol ito sa isang palaban at masayahing babae na napilitang magtrabaho para sa isang grupo ng mga sikat at hinahangaang lalaki. Hindi niya alam na ang makasalamuha ang mga ito ay makakapagpabago sa tahimik at mahirap niyang buhay. Samahan nati...