twenty five: Walking disaster

208 9 17
                                        

[first of all, sorry sa ngangayong update. Sorry talaga! Mianhaeyo!! I love you po! Sana mag enjoy kayo sa medyo mahabang chapter na 'to. Salamat po! ♥]

Bettina's Pov

Gustong gusto ko talagang sumama at manuod ng performance ng BTS!

Pero nasan ako ngayon?

Nandito sa canteen, mag isang kumakain!

Nakakainis na nakakaiyak! Kung wala lang sana kaming exam mamaya sa biology dapat sana nandun na ko ngayon at chini-cheer silang lahat. Gusto ko pa namang ipakita sakanila ang suporta ko.

Kaya ako mag isa ngayon at hindi kasama ang magaling kong bestfriend ay nagpaalam siya sakin kanina na madami daw siyang gagawin at dun na lang siya maglalunch sa room nila. Nakasabay ko naman siya sa pag order pero umalis din kaagad at dumiretso na ulit pabalik sa room nila.

Haay. Kung hindi lang ako bagong sweldo iisipin ko nang napakasama ng araw kong 'to.

Pero buti na lang at sinuwelduhan na ko kanina ni Jin hyung! Nagpasobra pa nga siya e kaya good vibes parin ako! Yieee~!! Biruin mong nakaisang buwan na ko sakanila. Sa isang buwan na yun, naging masaya ako kasama sila. Super babait at maalalahanin, wala na akong masabi. Sana lang walang ibang mangyari or what kasi gusto kong mag tagal pa ko sakanila bilang maid nila. Pagbubutihin ko pa ang trabaho ko! :D

Tumingin ako sa relo ko, 15 minutes pa naman bago mag simula ulit ang klase pero uubusin ko na 'tong pagkain ko para hindi ako malate.

"Grabe halos walang pumasok sa klase namin," napatalon ang pwet ko sa biglang nagsalita at hindi pa talaga siya nakuntento, umupo pa sa tabi ko, "Lahat kasi sila nanunuod ng performance nung BTS na yan e."

"S-Sehun?" gulat kong sabi. Ngumiti lang siya at ipinatong ang tray na puno ng pagkain sa mesa.

"Hi Bettina," aniya, pilit akong ngumiti at napayuko.

Hanggang ngayon kasi hindi ko parin maalala ang nangyari nung nagkasakit ako. Kahit anong pilit kong pag alala wala talaga, halos pukpukin ko na nga yung ulo ko pero wala talaga. Ang sabi lang ng mga kaklase ko nung araw na yun, bigla na lang daw pumasok si Sehun sa room namin at binuhat ako.

Ewan kung bakit kahit anong pilit ko wala akong maalala, siguro kasi nung mga oras na yun nagdidiliryo na ko. Ang natatandaan ko na lang ay nagkaroon ako ng huwisyo nung nagising ako na nasa kwarto ko na at inaalagaan na ko ni Kuya Pogi.

"Wala ka bang ibang kasama?" tanong niya kaya napaangat ulit ako ng tingin.

"Ahm.. Wala,"tipid kong sagot. Naiilang ako sa presensya niya, hindi ko alam kung bakit. Siguro kasi nahihiya ako.

"Pasabay ako ha?" tanong niya kaya tumango naman ako.

Nakita ko sa gilid ko na nagsisimula na siyang kumain, hindi ko alam pero parang nawalan ako bigla ng gana. Para kasi talaga akong naiilang sakanya.

"Busog ka na agad?" napatingin ako sakanya tapos sa pagkain ko, nakakalahati na naman ako pero hindi na talaga ako nakaramdam ng gutom.

Kaya lang, matipid nga kasi akong tao kaya naman hinagip ko ulit ang kutsara at sumalok ng pagkain.

Narinig kong tumawa siya kaya kunot noo ko siyang tiningnan. Napatigil naman siya sa pagtawa pero nakangiti parin.

"Ang cute mo talaga," sabi niya, nahiya ako at napatingin ulit sa pagkain. Nagbablush na ko ngayon sigurado ako.

Kumain na lang ulit ako kesa tumingin sakanya.

"Nga pala, okay ka na ba? Wala ka nang sakit?" aniya at nilunok ang pagkaing nginunguya niya.

LIFE with BTSMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon