thirty six - Blaming Kookie

122 5 1
                                        


Yoona's Pov

Nagising ako at halos hindi ko maimulat ang mata ko, pano kasi isang oras rin akong umiyak kagabi. Ang boba ko ba? Sorry naman, nagmamahal lang.

Nung iniwan ko si Jungkook sa sala, hindi ko na siya binalikan. Nasan na kaya siya? Nandun pa kaya siya sa couch ko? Aishh! Malamang nakaalis na yun!

Dumipa ako at kinuha ang cellphone ko na nakapatong sa lamesa, alas nuwebe na pala?

Umupo ako sa kama at napahawak sa sintido ko nang kumirot iyon. Haay, naparami rin yata ang inom ko kagabi.

Tekaa... Kagabi...

Ano nga ulit nangyari kagabi?

Ah! Oo nga pala, hinalikan niya-

"HINALIKAN NIYA AKO KAGABI!!" nagpagulong gulong ako sa kama ko nang maalala ko ang mga nangyari kagabi, pero natigilan rin ako nang maalala ko rin kung bakit ako umiyak. "AISHH!!"

Naalala ko kung gano kasakit nung pinagdaanan ko kagabi. Oo, kinilig ako, pero nasaktan rin ako.

Leche!! Simula ngayon, lalayuan ko na yang Jeon Jungkook na yan! Masama na talaga siya sa health pati sa beauty ko!

Makabangon na nga!

Lumabas ako ng kwarto ko, hindi na ko nag abala pang mag ayos ng sarili dahil ganito naman talaga ako pag nasa bahay. Wala na kong pake sa hitsura ko. Gusto ko rin namang ipahinga ang mukha ko sa make up no!

Nasa tapat na ako ng sala, habang nagkakamot pa ng pwet ko nang matigilan ako.

Ha? Bakit ang linis nitong mesa, at ng sahig? Ang pagkakatanda ko nagkalat kami kagabi diyan ah?

Ahh.. Baka dumating ang room service.

Pero natigilan na naman ako nang may maamoy akong pagkaing niluluto sa... kitchen ko?

Patakbo akong pumunta sa may kusina at para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa nabungadan ko.

"J-Jungkook?"

Napaangat siya ng tingin sakin habang may hinahalo siya sa frying pan. Suot niya ang apron ko habang wala siyang suot ni sando man lang sa loob, binigyan niya ako ng matamis na ngiti na parang ako ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa!!

"Buti naman at gising ka na, kala ko forever ka nang tutulog e." biro niya sa gitna ng mahinang pagtawa, "Upo ka na, paluto na rin 'to."

Parang nag ugat ang mga paa ko sa kinatatayuan ko!! Totoo ba 'to?! Nasa kusina ko ngayon si Jungkook na almost hubad na, at hindi lang yun! Nagluluto siya ng breakfast!!

Tumingin ulit siya sakin, "Ano, matutulala ka na lang ba diyan? Halika na."

Tameme akong lumapit sa kanya at umupo sa high chair dito sa bar stool na lamesa. Literal na hindi ako makapagsalita!! Napatingin ako sa biceps niya at uughh! Pano ba naman hindi e panay ang pag-flex non! Hormones eh?

Nanatili lang akong tahimik nang maglagay siya ng dalawang plato sa lamesa, sunod ang platong may lamang scrambled egg, bacons at hotdogs.

"Sorry kung yan lang," napatingin ako sa kanya, nagkakamot siya ng batok na parang hiyang hiya siya. "Hindi kasi ako magaling magluto katulad ni Jin hyung.."

Nagpapatawa ba siya?! This is everything! This is heaven! Kahit gano man kasama ang lasa ng niluto niya, lulunukin ko para sakanya!!

Ngumiti ako at sumubo agad ng fried rice na niluto niya, pero bigla ko yung naluwa dahil sa init!

LIFE with BTSMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon