Jungkook's Pov
"Oy koke! Patayin mo nga yan, ang aga aga pa!" – Suga hyung
"Nu ba yan!" – Hoseok hyung
"Anu bang ingay yun!" – Rapmon hyung
Kinapa-kapa ko yung mesang katabi ng kama ko. Ugh. Yung cellphone ko pala, nag-alarm lang.
*YAWN* akala ko naman kung ano na! Naantala tuloy tulog ko. Badtrip, sino kayang nag alarm sa phone ko? Ang pagkakatanda ko...
Nag alarm ako kasi... Si ano... *Yawn* *1/2 of your brain entering dreamland*
Kasi... Si.. Bettina....
*100% awake*
Bigla akong napaupo sa kama, "SI BETTINA!"
Tama! Nag alarm ako ng 4am para maabutan ko si Bettina!! Ugh! Ang pabo mo talaga Jeon Jungkook!
Bumalikwas ako sa kama at tumayo kaagad. Nakuu, patatlong beses ko nang ginagawa 'to pero hinding hindi ko parin siya maabutan! Nung una nag alarm ako ng 6am, pero hindi ko parin siya naabutan! Pangalawa 5am pero wala nadin agad siya, kaya ngayon naman sigurong 4am ay maaabutan ko na siya! Naku, sana nga maabutan ko na siya.
Agad akong dumiretcho sa kusina... Pero wala na siya, hanggang sa marinig ko ang tunog ng pag sarado ng front door.
"Shet... Bettina!" halos magkandapa na ko patakbo sa may pinto. Binuksan ko ang pinto at agad lumabas at SWAKTO! Si Bettina, nagsasarado palang ng gate. Teka... Natulog pa ba 'to?
"Bettina!" nakita kong halos napatalon siya sa gulat nang tawagin ko siya. Nasapo pa niya ang dibdib niya. Err.. Nagulat ko talaga siya, namutla pa kasi siya. Hihihi
"K-Kuya Ilong.." aniya na medyo hihingal hingal pa dahil parin sa gulat.
Lumapit naman ako kaagad, mahirap na. Baka inaatake na pala sa puso hindi ko pa alam.
"Nagulat ba kita?" malamang, hindi pa ba halata. Tss
"Sobra.." sabi niya pero medyo natatawa.
"Erm, sorry!" sabi ko at nagpeace sign. Ngumiti lang siya pero pansin ko parin ang namumutla niyang labi. Pero hindi na dahil sa gulat, namumutla parin yung mukha niya. "Okay ka lang ba talaga? Nagulat nga yata talaga kita ng sobra."
Pumungay ang mata niya at napahawak siya sa may gate, may kakaiba sakanya. "O-Okay lang ako Kuya Ilong. Bakit nga pala gising ka na?"
"Ahm... Kasi.. Akala ko me pumasok nang magnanakaw narinig ko kasi ang pag sara ng pinto." sinungaling Jeon Jungkook. Nakakahiya naman kasi kung aaminin kong tatlong umaga na akong gumigising ng maaga para lang maabutan siya.
"Ah, ganun ba. Ako lang yun. Hehe, sorry ha." sabi niya at hinawakan ang batok niya.
"Bakit ba ang aga mong gumising palagi?" gustong gusto ko na talagang malaman kung bakit, halos hindi ko na siya makita araw araw, kasi minsan gabi na din siyang umuuwi. Napayuko siya na parang hindi alam kung sasagutin ang tanong ko.
"UH... Kasi..."
"Kasi?"
"Bettina!" napatingin kami parehas sa papalapit samin mula sa loob ng bahay. V hyung?!
"V?" - Bettina
"May group study pa kayo ngayon di ba? Kinukulit ka ba nitong si Kookie? Ako na bahala dito, sige alis ka na! BABYE!! ^____^"
Haaa? Group study ng ganito kaaga? Meron pala non?
Para namang saka lang bumalik sa mundo si Bettina nang ngumiti si V hyung sakanya.

BINABASA MO ANG
LIFE with BTS
FanfictionTungkol ito sa isang palaban at masayahing babae na napilitang magtrabaho para sa isang grupo ng mga sikat at hinahangaang lalaki. Hindi niya alam na ang makasalamuha ang mga ito ay makakapagpabago sa tahimik at mahirap niyang buhay. Samahan nati...