Yassy's Pov
"Kamusta ang trabaho, Tin?" pambungad kong tanong kay Bettina nang magkita kami ngayong lunch break.
"Super mababait sila, Yassy!!! Ang sayang kasama tapos maaalaga!!!" energetic niyang sagot sakin. Nakalaklak na naman siguro to ng cobra.
"O talaga, edi okay kung ganun" sabi ko sakanya.
"May crush nga ako sa kanila eeeeeeeeee!!" bigla niyang sabi tapos bigla siyang nagtransform sa bulateng inaasinan.
"Ang landi mo!" tinapik ko siya sa braso niya ng mahina, "E sino ba yung crush mo sakanila?" tanong ko kasi curious din ako.
"Si ano...." namula yung pisngi niya tapos para siyang kinikilig na ewan.
"Sino?" tanong ko na medyo naiinis na.
"Eeeeeeeee! Baka sabihin mo kay J-Hope hyung!" namilog ang mata ko sa sinabi niya.
"Yung pinsan ko ang crush mo?"
"Ha? Hindiii...." ang gulo nitong babaeng to ha. Nakakaasar na..
"E sino nga kasi?!" naiinis na ko niyan.
"Si Hyung......." lumapit siya sakin na parang may ibubulong nang bigla siyang sumigaw, "Veeeeeeeeeeeee!"
Dumagundong yata yung utak ko sa lakas ng sigaw na ginawa niya sa tapat pa mismo ng tenga ko.
"Pisti ka Tin! Nabasag yung eardrum ko! Hindi ako bingi! Bakit ka ba sumigaw?!" super naiinis na talaga ako.
"Eeeeeee.... Kashiii... Kinikilig ako.." namula yung pisngi niya ng sobrang pula. Parang kamatis na yun kapula. Ang cute ng baliw na 'to!
"Aish! 'Wag mo na kong sisigawan next time, baka tuluyan na kong mabingi!" tumango tango siya habang nakapout, "Tara na nga sa canteen! Gutom na ko!" hinila ko na siya papunta sa canteen.
Pagkapasok namin umoder na agad kami ng pancit at puto at umupo nadin sa bakanteng mesa.
"Anong nagustuhan mo kay V?" bigla kong naisip itanong.
"Nagbibiro ka ba, Bes?! Sa gwapong yun?!" nakamulaga siya niyan tapos nakataas ang dalawang kilay na parang nagbibiro nga ako.
"Erm, I mean sa pitong nagagwapuhang yun, bakit si V ang nagustuhan mo?" paguulit ko.
"E kashiiiiii...." ayan na naman yung pag iinarte niya. Binato ko siya ng tissue tapos napapout na lang siya.
"Ekashi-ekashi ka pa diyan. Bakit nga?"
"E kasi" nagsway sway siya na parang ewan tapos nagsisimula na ulit mamula yung pisngi niya, "Makulit siya, ang cute niya, ang sarap din siguro niyang kasama, tsaka ang gwapo niya..." nakayuko na siya niyan nung sinasabi niya.
"Tss." nasabi ko na lang tapos binuksan ko na yung styro at sinimulan nang kumain, nakita kong kumain na din si Bettina.
"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!" parehas kaming napatingin ni Bettina sa babaeng tumili sa katabi naming mesa.
"Bakit?"tanong nung babaeng nakaupo. Nakatayo yung tumiling babae na parang may sasabihin pero hindi niya matuloy kasi kinikilig siya na ewan.

BINABASA MO ANG
LIFE with BTS
FanfictionTungkol ito sa isang palaban at masayahing babae na napilitang magtrabaho para sa isang grupo ng mga sikat at hinahangaang lalaki. Hindi niya alam na ang makasalamuha ang mga ito ay makakapagpabago sa tahimik at mahirap niyang buhay. Samahan nati...