thirty eight - Go Home Bettina!!

160 6 16
                                        

(again sorry for this short update, but not late right? enjoy :) ♥)


Sophia's Pov

Literal na natuyo ang lalamunan ko sa narinig kong sinabi ni Mama. Napatingin ako kay Namjoon na ngayon ay seryoso lang ang mukhang nakatingin kay Luhan. Ibinalik ko ang tingin ko kay Mama, nakangiti siya sakin na parang marami ang kahulugan ng ngiting yun.

Napalunok ako, "H-hindi kita maintindihan, Ma."

"Ahmm, sige po Mrs. Alcantara, una na ko." napatingin kami kay labidabs, "Sophia, alis na ko."

"H-ha?" para akong tanag rito, aishh! Si Mama naman kasii!! Ano ba talaga yung sinabi niya?!

Ngumiti lang siya ng tipid at tumalikod na. Tahimik naming pinanuod ang pagsakay niya ng sasakyan hanggang sa makaalis na ito. Nanlalaki ang mga mata akong lumingon ulit kay Mama na ngayon ay hawak parin ang braso ni Luhan.

"Ma—!!"

"Pasok na tayo sa loob." -Mama

Nagulat ako, pero tumalikod na sila sakin habang magkaakay parin silang dalawa. Nahuli ko pa ang pag ngiti ni Luhan sakin. Aarghh! Ano bang nangyayari sa balat ng earth?!!!

Magkadikit ang kilay akong sumunod sa kanila papasok sa bahay. Nagtaka pa ako kasi dumiretso ang dalawa sa kusina kaya wala akong choice kundi sundan rin sila don.

Nag-gloves si Luhan at yumuko saka kinuha ang manok na nasa loob ng oven, tinulungan naman siya ni Mama.

"Ma, pwede ba sabihin niyo muna sakin kung ano bang nangyayari dito!!"

Lumingon sakin si Mama habang abala si Luhan sa pag aayos ng dish na ginagawa nila.

"I think it's better kung aakyat ka muna sa taas at magbihis ka," napatigil siya nang may magbeep na phone, kinuha ni Mama ang telepono niya sa bulsa ng slacks niya, "O, nagtext na ang Papa mo. He's on his way na daw. Hurry! Magbihis ka ng maayos para makapagdinner na tayo."

"Ha? Bakit? Teka!" nagpameywang ako, "Sino ba talaga 'to?!" tinuro ko si Luhan na ngayon ay napatingin na sakin, "Atsaka anong ginagawa niya dito sa bahay natin?!"

Nagpameywang rin si Mama, "Sophia I said umakyat ka muna sa taas at magbihis ng maayos na damit. After that, I'll answer all your questions!"

Napagulo ako sa buhok at napapadyak sa inis! 

Seriously?!! What is going on?!

Tiningnan ako ng masama ni Mama at nakita ko ang mahinang pagtawa ni Luhan sa likod niya, inirapan ko siya at padabog na umakyat papunta sa kwarto ko.

Syempre, may choice pa ba ako?! Edi ganun rin ang ginawa ko. Kahit pinapatay na ko ng kyuryosidad ko sinunod ko rin si Mama at nagbihis, hindi na ko nagpakaganda ng bihis. Nag-jogger pants na lang ako at medyo hang-in shirt. 

Hindi na rin ako nagsuklay man lang o make-up, dali-dali akong bumaba at didiretso na sana ng kusina pero nadaanan ko sila sa dinning room. Lumapit ako at nakita kong nakaupo sina Mama, Papa at Luhan sa aming long table habang may mga nakahain na pagkain doon. 

Napalingon sila dahil sa presensya ko pero sinalubungan ko lang sila ng magkadikit kong kilay. 

Tumayo si Papa nang makita niya ako, "Sofie, anak." lumapit ako at kiniss ang cheeks niya, "San ka sumakay kanina pauwi?"

Hindi ko sinagot ang tanong ni Papa. Sa halip ay hindi ako nagalis sa titigan namin ni Mama hanggang sa makaupo ako sa tapat ng upuan niya which is sa tabi ni Luhan.

Ewan kung gano ang itinagal ng titigan namin pero napabuntong hininga na lang ako, "Fine!! Ayoko ng paliguy-ligoy. Please lang!!" sumulyap ako kay Luhan na parang ewan lang na bahagyang nakangiti sakin, "Please lang sabihin niyo na sakin. What is really going on here?!"

LIFE with BTSMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon