Jin's Pov
Abala ako sa pagluluto para sa hapunan namin nang biglang may kumatok sa front door.
*tok tok tok*
Ilang beses pang kumatok yung nasa labas pero wala man lang nagbubukas.
"Hoy, mga bingi ba kayo? Buksan niyo nga yung pinto!" sigaw ko mula sa kusina habang nagagayat ng repolyo.
*tok tok tok*
This time mas malakas na yung katok nung nasa labas. Padabog kong ibinagsak ang kutsilyo at napilitang maglakad patungo sa sala at pagbuksan kung sino man ang kumakatok. Nakita kong walang tao sa sala. Malamang nasa rehearsal room sila. Pagbukas ko ng pinto...
"Hi Jin!" masayang bati ni Yassy, siya yung pinsan ni J-hope. Haaaay, ang ganda talaga niya. Gustong gusto ko talagang kunin yung number niya nung nasa bahay nila kami, kundi lang ako nahiya kay J-hope.
"Annyeong Yassy!" bati ko rin at doon ko lang napansin na may kasama pala siya. Sa tabi niya ay isang babae na may mapupulang pisngi at labi. Magaganda ang mata niya at aaminin ko, she's really pretty kahit napakasimple niyang manamit.
"Uh, si J-hope?" tanong ni Yassy.
"Nasa rehearsal room siguro. Uh.. Pasok kayo," tapos mas nilawakan ko ang bukas ng pinto para makapasok sila. Nakita ko naman ang paggala ng mga mata nila, parang sinusuri ang kabuuan ng bahay namin.
"Uhm, upo muna kayo sa sofa. Tatawagin ko lang silang lahat," hindi ko mapigilang hindi mapatitig kay Yassy. Nakangiti siyang tumango sakin. Ang cute cute niya talaga!!! Dumiretso na ko sa rehearsal room at iniwan muna silang dalawa doon sa sala.
Bettina's Pov
Paglabas na paglabas namin ni Yassy kanina sa FLU, nagyaya na agad akong pumunta dito sa bahay ng BTS. Kailangan ko na kasi talaga ng trabaho at kailangan kong makaipon. Winelcome kami ng matangkad at singkit na lalaki. Napansin ko agad ang perpektong hugis ng kanyang labi. Pinapasok niya kami at hindi ko napigilang pagmasdan ang kabuuan ng bahay.
Ang laki niya at punong puno ng mga gamit. Kyaaaaaaa! Mahihirapan yata ako nito. Pero kaya yan Bettina! Sampung libo, yun na lang ang tandaan mo. Sampung libo ang sweswelduhin mo every month. Sapat na yun para sa allowance ko. Yieeeee! Naeexcite na ko!! Sana lang hindi suplado at istrikto ang pitong yun. Nagpaalam muna si Kuya Lips samin dahil sabi niya tatawagan niya ang iba sa rehearsal room nila.
"Yieeeee! Bes!! Naeexcite na ko!" inalog alog ko si Yassy habang nakangiti. Hihihi.
"Bes naman, nahihilo ko." sabi niya. Napatawa ako tapos kinurot ko na lang ang pisngi niya. Ang saya saya talaga kasi e!!!
Napatayo kami ng bes ko nang biglang magsidatingan ang mga matitipuno at ubod ng gwapong mga kalalakihan.
Unang dumating ay yung si Kuya Lips, nagdatingan na din yung anim. Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko at namilog ang mga mata nang makita ko yung huling dumating. Si Mr. Pogi na Savior ko!!!! Waaaaaaaaaa! Siya nga!!! Di ako pwedeng magkamali! Nakita ko ring medyo nagulat siya ng makita niya ako.
"Yassy?" sabi nung medyo mahaba yung muka pero gwapong gwapo parin.
"Hyung!" lumapit ang bes ko sa mahabang mukha tapos nagyakap sila, siguro siya yung pinsan niya.
"Anong ginagawa mo rito at sino yang kasama mo?" tanong ni Kuya Long Face.
"Uh, siya nga pala, si Bettina. Gusto niyang magtrabaho dito as your personal maid." pakilala sakin ni Bes. Kaya naman nagstep forward ako. Siyempre, ito na yung moment ko e.

BINABASA MO ANG
LIFE with BTS
FanfictionTungkol ito sa isang palaban at masayahing babae na napilitang magtrabaho para sa isang grupo ng mga sikat at hinahangaang lalaki. Hindi niya alam na ang makasalamuha ang mga ito ay makakapagpabago sa tahimik at mahirap niyang buhay. Samahan nati...