[dedicated sayo chinggu, nagtanong ka kung maga-update ako ngayon. heto na! Bettina on the link, gandaa!! ♥_♥ , btw, enjoy! ^^ ]
Bettina's Pov
"Kain kayo ng madami!" masigla kong sabi sa kanilang lahat. Tumingin lang ang ilan sakin at ngumiti. Napangiti rin ako, mukhang talagang magpapakabusog silang lahat ngayong gabi ah?
"Grabe Beshina! De best ka talaga!" sabi ni V hyung na puno pa ang bibig.
Nung mga dumaan na araw kasi, medyo okay na kami ni Kuya Pogi. Ang totoo hindi naman ako galit sakanya e, talaga lang hindi ko alam kung pano ko siya papansinin. Hanggang sa nung isang araw e nag bibiruan kami nina Rapmon hyung tapos sumali siya. Simula nun nagpapansinan na ulit kami.
Ayos na rin naman sakin na hindi na niya ulit inopen ang tungkol dun sa nangyari sa gabing yun. Kahit ang totoo hindi mawala-wala sa isip ko ang pangyayaring yun. Minabuting 'wag ko na lang problemahin. Haaay kahit ang hirap hindi isipin.
"Hinay-hinay naman V, may bukas pa." pabirong sabi ni Yassy kay Kuya Pogi. Nagtawanan naman ang iba sa mesa.
"Ikaw Bettina, damihan mo rin ang kain mo." napatingin kaming lahat kay Kookie, "Napansin kong medyo nangangayayat ka na."
Napayuko naman ako at tumingin sa braso ko, "Hehe, pansin ko nga rin yun."
"Oo nga, damihan mo ang kain mo." sabat naman ni Kuya V at naglagay ng dagdag na kanin sa plato ko.
Napatawa na lang ako, "Masyado naman yatang madami, hindi ko na mauubos yan."
Tumawa sina Kuya Jimin, "Hoy V, 'wag mong igaya sa kain mo ang kain ni Bettina. E halimaw kang kumain e." sabi ni Jimin hyung at tumawa. Nagulat kami dahil bigla siyang napaubo. Nasamid yata.
Agad siyang inabutan ni J-hope hyung ng tubig.
"Yan, ang bilis ng karma. HAHAHA" tawa ni Kuya V. Napatigil siya dahil binato siya ng table napkin ni Kuya Jimin.
Napahalakhak kaming lahat. Tapos dumapo ang tingin ko kay Kuya Rapmon na nakatingin sa katabi niya sa mesa na si Sophia. Nag uusap sila, parang itinanong siguro ni Kuya Rapmon kung okay lang siya. Ngumiti naman si Sophia kaya nagpatuloy sila sa pagkain.
Alam ko nagtataka kayo. Sige na nga sasabihin ko na, nandito sina Yassy at Sophia. Sabi kasi ng mga makukulit kong Hyungs e imbitahan ko raw ang dalawang 'to minsan dito sa bahay. Ewan ko ba kung pano nila ako napapayag, pero dahil gusto ko rin namang nandito silang dalawa e pumayag na rin ako. Hehe gulo ko.
So yun nga, nagdidinner kaming lahat rito sa bahay ng BTS.
Napa-facepalm na lang ako, kasi ang gugulo nila. Ang ingay tapos ang kukulit. Ang saya pala pag nagkasama-sama ang mga hyung at ang mga kaibigan ko.
"Wag nga kayong maiingay. Baka madala na ang dalawang kaibigan ni Bettina na pumunta rito. Ang kukulit niyo," biglang sabi ni Kuya Suga, "Kumain na lang ka—"
Napahagalpak ako ng tawa. Hindi pala, kaming lahat. Bigla ba naman kasing palsakan ni Kuya J-hope ng saging ang bunganga ni Kuya Suga. Ayon tuloy at nabilaukan.
"Ano ba!" medyo iritang sigaw ni Kuya Suga kay Kuya J-hope pero natatawa rin siya. Malamang nahawa sa katatawa naming lahat dito sa mesa.
Halos maluha-luha na nga ako katatawa, ang kukulit kasi!
"Ikaw ang 'wag maingay diyan." sabi ni Kuya J-hope. Sinamaan lang siya ng tingin ni Kuya Suga tapos kumain na ulit.
Hanggang matapos ang dinner ay nagtawanan at kwentuhan na kami. Ang dami naming napagkwentuhan. Dumiretso silang lahat sa sofa at naiwan naman ako para mag linis ng kinainan.
BINABASA MO ANG
LIFE with BTS
Fiksi PenggemarTungkol ito sa isang palaban at masayahing babae na napilitang magtrabaho para sa isang grupo ng mga sikat at hinahangaang lalaki. Hindi niya alam na ang makasalamuha ang mga ito ay makakapagpabago sa tahimik at mahirap niyang buhay. Samahan nati...
